BAKIT KUMIKIROT SUSO O DEDE KO? boobs painful, lump on breasts, can't get pregnant

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Please help me. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kumikirot po ang breast ko, tapos may nakakapa akong bukol sa may dede. Nung una isa lang at ngayon dalawang suso ko na ang kumikirot at masakit pati likod ko.

Nagpa check up na ako sa doctor nung October 2013 pero niresitahan po ako ng IBUPROFEN TABLET (FASPIC). Kaso lalo po sya kumikirot hanggang ngayon nag suffer parin ako at kinakapa ko po ito lumalaki po yung bukol. Natatakot na ako talaga bakit hindi ako gumaling sa gamot na nireseta sa akin. And 2 months kami nagsama ng asawa ko nung 2014 hindi ako nabuntis. Hangad ko ang magka baby. Maari ba ito ang dahilan kung bakit hindi ako nagka anak?


Translation: I feel stiching pain on my breast, and when I touch my boobs, I feel a lump. At first, it was only one breast, but now, both breasts hurt. My back also hurts, I have backpain.

I went to see doctor on October 2013, and I was prescribed Ibuprofen tablet (faspic). But until now, my breasts still hurt, and it seems that the lump is growing bigger. I'm scared why it's getting better, and why the medicine is not helping.

And my husband and I were together for 2 months in 2014, but I did not get pregnant. I want to have a baby. Could this be the reason why I could not get pregnant?

1 person likes this

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello!

Nabasa ko ang iyong katanungan at ito ay nakatawag sa aking pansin. Ok ka lang ba ngayon? Balitaan mo naman ako.

Ang Ibuprofen na binigay sa iyo ng doctor ay para sa kirot na iyong nararamdaman noong panahong ikaw ay nagpakonsutla. Makinig ka sa akin.Itigil mo muna ang pa inom ng Ibuprofen sa ngayon. Lalot nakakasama ito ng atay kapag lagi ka itong gumagamit. Tandaan, nireseta lamang ng doctor mo yan noong panahong kumikirot ito habang ikaw ay nagpakonsulta. Sana ay bumalik ka sa kanya makalipas ng isa o 2 linggo. Ngunit pagusapan naman natin ang bukol sa iyong suso at ngayon ay may nakakapa ka narin sa kabila.

Madaaaaming dahilan ang bukol sa suso. Wala tayong oras para banggitin lahat yan. Eto lang masasabi ko, ang bukol ay pwedeng physiologic o normal na reaksyon ng suso sa mga factors gaya ng hormones o kahit trauma o pagkanaibabangga o nasusuntok ang suso. Pero ring pathologic o dahil sa tumor na pwedeng benign o hindi pa cancerous at ang isa ay malignant naman at ito iyong cancerous.

Malalaman lamang ang tunay na dahilan ng bukol sa iyong suso kapag magpatingin sa isang Breast Surgeon at Pathologist o di kayay ng iyong Gynecologist para masuri ang estado ng iyong bukol. Kalimitan ay sinasagawa ang FNAB o Fine Needle Biopsy para matiyak ang uri ng bukol.

Ang paglaki ng bukol ay hindi magandang pangitain. Lalot sa magkabilaang suso pa ito nararamdaman. Hinihikayat talaga kitang magpa Physical Exams sa iyong paboritong doctor para matiyak ang mga ispekulasyong ito. Mabuti na ring gawin sa ngayon ASAP kesa sa pagsisihan natin kung huli na ang lahat. Tiwala lang, nandito lang kami.

Doc Rands
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good evening po.. May gusto lang po ako itanong.. Yung sa akin po matagal napo akong hindi nag papadede mahigit 4 yrs napo.. At sa kasamaang palad po.. Sinubukan kopo ulit mag padede at ang nanyari po ay na.nanakit po ang aking dede.. Sumakit po ang areola ko at pati nipple mejo matigas din po sa parteng yun.. At kumikirot po sya, masakit din po masagi.. Mag 5days napo syang ganito.. Ano poba ang dapat kong gawin.. Natatakot napo kasi ako.. Sana po matugunan po ako. Loobin po sana ng Diyos.. Godbless po..
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
sumasakit din ang boobs ko. pero mga isa dalawang segundo lang mawawala din. wala akong nakakapang bukol. tapos nagpapadede ako sa anak kong seven months. mag iisang buwan na akong nakakaramdam ng ganito. tapos sumasakit ang likod ko.

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.