ANO ANG GAMOT SA HADHAD O PANGANGATI SA SINGIT? BAKIT NANGANGATI SINGIT KO? SANHI DAHILAN SINTOMAS LUNAS

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ano ang Hadhad?
Ang hadhad o jock itch sa ingles ay isang uri ng fungal infection sa balat na tinatawag na Ringworm. Hindi ito dulot ng bulate kundi dulot ito ng impeksiyon mula sa fungus sa balat, buhok at kuko. Naaapektuhan ng hadhad ang balat sa ari, sa singit at sa puwet. Nagdudulot ito ng pangangati, pamumula at kadalasang hugis ring o parang singsing na rash sa mga nabanggit na bahagi ng katawan.

Iilan sa mga mahalagang impormasyon tungkol sa hadhad ay ang mga sumusunod:
- Kalimitan ang kalalakihan lamang ang nagkakaroon ng hadhad sa singit. Ngunit mayroon ding mga babae nagkakaroon nito.
- Sanhi ng hadhad ang fungus infection (dermatophytes). Karaniwan pamamasa ng singit ang pinakasanhi nito, at nagdudulot ng iritasyon at pagtubo ng bacteria
- Karaniwan ang hadhad sa mga may edad at matataba, at mga atleta o manlalaro.
- May lunas ang hadhad sa singit at minsan gumagaling ito ng kusa, ng walang pinapahid o linalagay na gamot. 
- Ang pinakamabisang lunas sa hadhad ay ang pagiwas sa ganitong kondisyon sa pamamagitan ng pagalaga sa kutis at balat

Nabuo ang pangalang“jock itch” mula sa karaniwang naaapektuhan ng impeksiyong ito kagaya ng mga atleta. Hindi naman delikado ang karamdamang ito at sa katunayan, ang paglinis at pagpahid ng gamot sa apektadong balat ay makakagamot na dito. Siguraduhin din baka ito ay buni o genital herpes. Read more...

Ano mga Sintomas, Senyales, Palatandaan ng Hadhad?
Nagsisimula ang hadhad sa pagkakaroon ng pamumula o rash sa bahagi ng apektadong balat at kumakalat mula sa singit papunta sa hita na hugis half-moon. Maaaring maapektuhan ang singit, mga skin folds, hita at puwet. May linya ng maliliit na blisters na pumapaligid sa rash na ito. Kasama ng sintomas na ito ang mga sumusunod:
· Pangangati o pananakit balat
· Pagtuklap ng balat
· Paghapdi ng balat
· Ang gitna ng rash ay maaaring mapula o tsokolateng kulay

Kadalasan naguumpisa ang hadhad sa pangangati sa mga mamulamulang parte ng balat, at unti-unti itong kumakalat sa may singit hanggang sa maging kasinlaki na ito ng kalahating sirkulo. Maaari ring mayroong tumubong paltos sa gilid ng pantal. Kalimitan makati at masakit o mahapdi ang mararamdaman sa balat, at nagkakakaliskis ito. Mahalaga ang magpatingin sa duktor o eksperto, lalo na't kung hindi gumaling ang  pantal ng mahigit dalawang linggo, o kaya naman kung pinahiran na ng mga over the counter na gamot, ngunit hindi pa rin gumagaling.


Bakit nangangati singit ko? Ano mga Sanhi o dahilan ng Hadhad?
Fungus ang nagsasanhi o nagdudulot sa hadhad. Normal lamang na may fungus ang ibabaw na layer ng balat. Maaaring magdulot ang fungus sa balat ng impeksiyon at pwede ding hindi. Ang mga fungi ay tumitira at dumadami sa mga bahaging mainit init at mamasa-masa. Madali itong kumalat mula sa apektadong tao o mula sa kontaminadong kagamitan kagaya ng twalya o damit. Ang fungus na nagdudulot ng hadhad ay pareho sa fungus na nagdudulot ng alipunga. Kaya kung minsan, pwedeng magsabay ang pagkakaroon ng hadhad at alipunga dahil madali lang din kumalat ang ito mula paa papunta sa singit.

May mga taong mas madaling kapitan ng sakit na hadhad. Halimbawa, ang mga taong may diabetes, sobrang katabaan, at ang mga may sakit na HIV/AIDS, Hepatitis, Cancer, at mga nag chemotherapy at umiinom ng immunosuppressive drugs tulad ng prednisone. 

Ang iba pang nanganganib magkaroon ng hadhad ay: 
- Bandang sa may ari o singit ng mga kalalakihan
- Init ng panahon
- Pamamawis at Pamamasa sa parte ng singit
- Pag ehersisyo
- Pagsuot ng mga masisikip na damit, pantalon o salawal
- Ang mga mayroong athlete's foot infection o ibang fungal infections sa katawan

Karaniwang naaapektuhan ng hadhad ang mga kalalakihan ngunit kahit sino pwedeng makakuha ng impeksiyong ito sa balat. Ang paggamit ng public shower, swimming pool o locker room ay nagpapataas ng panganib na makakuha ng hadhad.

Ano pinaka mabisang Gamot at lunas sa Hadhad o pangangati sa singit at pantal?
Karamihan sa fungal infection kagaya ng hadhad ay nagagamot kahit nasa bahay lamang sa pamamagitan ng paggamit ng mga antifungal na gamot. Ngunit, kailangan pa ring magpatingin sa doktor upang mabigyan ng tamang klase ng gamot at maturuan ng tamang paggamit dito. Maaaring magrekomenda ang doktor ng mga antifungal na cream, lotion, ointment, powder o kaya spray. Ang mga antifungal na gamot ay pwedeng may sangkap na terbinafine, miconazole, o kaya clotrimazole. Sundin ang tamang paggamit sa mga ito at huwag itigil kahit nawala na ang mga sintomas. Nirerekomenda ang paggamit ng antifungal na gamot dalawang beses kada araw sa sampu o mahigit na araw. Kapag hindi gumaling ang hadhad matapos ang dalawang linggo, magpatingin na uli sa doktor. Kapag magkasabay na may hadhad at alipunga, gamutin ito ng sabay para maiwasan ang paulit-ulit, paglipat-lipat o pagkalat ng impeksiyon. Kapag malala na ang hadhad o kaya hindi gumagaling sa mga pinapahid na antifungal, maaaring kailanganin ang pag-inom na ng antifungal na gamot o kaya mas malakas na ointment o cream.

Nagdudulot ng pangangati sa balat ang hadhad, kaya't kailangan na paggalingin muna ito sa pamamagitan ng pagpapanatili na malinis at tuyo ang parte ng balat kung saan may hadhad. Mayroon ding mga over-the-counter drugs na rinereseta ng dermatologist tulad ng antifungal creams, na ginagamit mula 2 hanggang 4 na linggo. 

Ano mga simpleng tips, Home Remedies, pangontra, pwedeng gawin at paano maiwasan (prevention)?
Ang mga sumusunod ay maaring makatulong sa mga simpleng kaso ng hadhad:
· Hugasan at linisin ng singit dalawa o tatlong beses kada araw gamit ang soapless cleanser kagaya ng Cetaphil.
· Panatilihing tuyo ang singit.
· Iwasan ang iritasyon sa singit. Gumamit ng underwear na gawa sa cotton.
· Iwasan ang mga fabric softener, bleach at matatapang na sabong panlaba.

Alalahanin din na linisin ang singit ng 2 hanggang 3 beses sa isang araw gamit ang mga mild soaps (o 'non soap cleanser'). Pagkatapos, kailangan na punasan mabuti ang singit at panatilihin itong tuyo at walang tubig. Magsuot din ng mga underwear (brief o panty) na 100% cotton at iwasan ang gumamit ng mga fabric softener na maraming chemical at bleaches.

Epektibo rin ang paglagay sa singit ng bimpo na nababad sa puting suka (sa bawat parte ng suka, 4 na parte na tubig), pagkatapos ay patuyuin mabuti ang balat. May iba naman na nagbababad sa bathtub ng Clorox na hinaluan ng tubig (sa bawat parte ng Clorox, 4 na parte ng tubig) kada tuwing makalawa.

References and Sources
Mayo Clinic. (2020, May 4). Jock Itch. Retrieved from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/jock-itch/symptoms-causes/syc-20353807

Continue: Ano pinakamabisang gamot sa pangangati ng ari?

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
John Dimakulangan
is in the Philippines
Doc may tanong lang po ako lately lang ko lang po itong nararanasan ano po kaya ang nang yayari sakin sa puwetan kasi po minsan pag tumae ako mahapdi minsan hindi tapos pag matagal po akong naka upo bumabasa po siya di ko po alam kung almoranas ito or jock itch di ko po tuloy alam gamutin maraming salmat doc sana matulongan niyo po ako
Queen D Great
is in United States
Doc pano po iyon, its been a month na ganito without consulting the doctor. Ano po pwde gawin treatment ksi nakakahiya po pumunta sa doctor eh. Ang mga nararanasan ko po ay. Pangangati sa singit at bandang pwet na din affected natin ang mga maseselang part ng katawan ko. Ano po ba pwdeng gawin ?. Nag try na po ako gumamit ng fun-g na sabon at bioderm na cream kaso pansamantala lang ang cure mamaya babalik ulit. Ano po ba dapat gawin ?.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi mam. Ano po ginamot nyo na epektib0? Nagconsult po ba kau sa doctor? Hope for your reply. Thanks!
Queen D Great
is in United States
Doc pano po iyon, its been a month na ganito without consulting the doctor. Ano po pwde gawin treatment ksi nakakahiya po pumunta sa doctor eh. Ang mga nararanasan ko po ay. Pangangati sa singit at bandang pwet na din affected natin ang mga maseselang part ng katawan ko. Ano po ba pwdeng gawin ?. Nag try na po ako gumamit ng fun-g na sabon at bioderm na cream kaso pansamantala lang ang cure mamaya babalik ulit. Ano po ba dapat gawin ?.
Lia Santiago
is in the Philippines
hi po Doc bakit po ganto nangangati po ung sa may taas ng pwetan ko namanalat lng po sya peto hindi naman po hugis ringworm satingin nyo anu po ba to at any pwedeng gamutin kasi sobrang kati po. sana po nasagot nyo po tanyng namin salamat po.
Avah Chen
is in the Philippines
Doc ask ko lang po kung pati babae pwede magka hadhad? Nangitim po kasi singgit ko at lately lang sya kumati. Madalas po kas kapag na ka pantalon ako pinapawisan ang singit ko. At isa daw po yun sa maaring sanhi ng hadhad. Pwde po bang sabihin na hadhad nga yung meron ako? Nahihiya po kasi akong pumunta sa doktor eh.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi Doc.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.