HAIR CARE TIPS: PAANO MAGALAGA AT PAPAGANDA NG BUHOK O MAGAYOS

Charlotte Formoso
is a Travel Agent in New Zealand

Mga Tips sa Pangangalaga ng Buhok

Aanhin mo ang magagandang damit, make-up, at mga alahas kung ang buhok mo naman ay hindi naaalagaan. Buti na lang, hindi naman kailangan ng mamahaling serbisyo ng mga parlor o mga mamahaling produkto para mapaganda ang buhok. Gawin lang ang tamang paraan ng pag-shampoo, pag-tuyo at pag-style para maalagaan ng mabuti ang buhok. Ang buhok ay gawa sa protein, kaya kailangan panatilihin ang malusog na diet at good hygiene para manitiling maganda ang buhok.

Sundin ang mga sumusunod na hakbang sa pangangalaga ng buhok na maaaring gawin kahit nasa bahay lamang:


1. Linisin ang buhok gamit ang shampoo paminsan-minsan lamang. Ayon sa mga eksperto, hindi naman kailangang mag-shampoo araw-araw dahil lalo lang nito pinapa-dry ang buhok, tinatanggalan ng natural na oil at sinisira ang buhok. Mag-shampoo every other day. Gumamit ng shampoo ayon sa uri ng buhok, para sa dry o oily na buhok o para sa kulot o diretsong buhok. Gumamit din ng shampoo na may sangkap na natural cleansers lamang at walang sulfates at parabens.


· Para mabasan ang pagkasira ng buhok, siguruhing nabasa ng maigi ito bago lagyan ng shampoo. Pabulain ang shampoo ng hindi tatagal sa 30 segundo. Banlawan gamit ang malamig na tubig para manatili ang moisture sa hair shaft.


2. Gumamit ng hair conditioner. Mag-conditioner kada mag-shampoo ng buhok. Para sa manipis na buhok, gumamit ng mga botanical oil treatment kagaya ng lavender o tea tree oil bago magshampoo. Pagkatapos magshampoo, banlawan at maglagay ng conditioner ng isang minute at banlawan muli. Para naman sa makakapal na buhok, maglagay ng conditioner at iwanan ng 2-3 minuto. Iwasan gumamit ng produktong mataas sa protein, kahit na gawa ang buhok sa protein, dahil magiging brittle lamang ito.


3. Iwasan ang madalas na pag-brush ng buhok. Ang pag-brush ng buhok ay tumutulong mag-stimulate ng follicles para tumubo ang buhok. Pero makakasira sa buhok ang madalas na pag-brush dito at magreresulta sa split-ends at buhol-buhol na buhok. Iwasan din na i-brush ang basang buhok dahil madali itong masira kapag basa at gagawin lang nitong brittle at mahina ang buhok. Gumamit ng wide-tooth na suklay para alisin ang mga buhol ng basang buhok.


4. Hayaang matuyo ang buhok ng kusa. Pagkatapos maligo, Dahan-dahan na pigain ang tubig mula sa buhok. Pagkatapos ay balutin ang buhok gamit ang cotton na t-shirt. Ang mga towel ay gawa sa magaspang na tela na nakakasira sa buhok.


· Subukang umiwas sa paggamit ng blow-drier. Madaling masira ang buhok mula sa init lalo na sa blow-drier. Kung kailangang gumamit ng blow-drier, patuyuin muna ang buhok gamit ang cotton o twalya at gamitin ang blow-drier sa pinakamababa na temperature setting. Limitahan ang paggamit ng blow-drier minsan sa isang linggo.


· Kapag naliligo bago matulog, itali ang buhok na nakapusod at hayaang matuyo. Sa ganoong paraan, matutuyo na ang buhok kinaumagahan.


5. Regular na i-trim ang buhok para matanggal ang split-ends. Gupitin ang split ends, ¼ inch sa taas ng paghihiwalay ng hibla ng buhok. Ang regular na pag-trim na buhok ay tumutulong makaiwas sa split ends. Ugaliin ang pag-trim ng buhok kada anim o walong linggo.


6. Iwasan ang madalas na pagpapakulay ng buhok. Kung nais magpakulay, gawin lang ito paminsan-minsan para makaiwas sa dry, damage at over-processed na buhok.


7. Ayusin ang buhok sa mga natural na paraan para maiwasan ang styling damage sa buhok. Iwasan ang madalas na pag-perm, pag-straight, pagbleach, at iba pa. Iwasan ang paggamit ng rubber band dahil sumasabit at napuputol ang buhok dito. Iwasan ang mga hairstyle na masyadong nababanat sa pagkakatali ang buhok dahil nakakasira ito sa roots at nagbibigay stress sa follicles.


8. Kamain ng masustansyang pagkain at bigyan ng sapat na bitamina ang buhok. Kumain ng masustansya at balanseng pagkain para magkaroon ng magandang buhok.


9. Iwasan ang stress sa buhay. Dinudulot ng stress na malagas ang buhok kaya makabubuti kung makakahanap ng maiging outlet ng stress kagaya ng yoga, meditation o kaya ehersisyo at iba pang mga gawain.


Homemade Hair Aids

Makakatulong sa pangangalaga ng buhok at mas tipid ang mga sumusunod na homemade na produkto:


· Imasahe ang olive oil sa buhok. Pagkatapos ay batihin ang pula ng itlog at imasahe din sa buhok. Iwanan sa buhok ng sampung minuto tapos ay magshampoo at banlawan maigi. Gawin ito isang beses kada linggo sa isang buwan. Makatutulong ito na i-repair ang nasirang buhok.


· Magconditioner sa buhok gamit ang mayonnaise. Lagyan ang tuyong buhok ng mayonnaise at iwanan sa buhok ng kalahating oras pagkatapos ay magshampoo at magbanlaw.


· Para sa mabilis na paggamit ng dry shampoo, ipahid ang baby powder sa buhok at suklayan.


· Para sa lemon rinse, maghalo ng kalahating tasa ng lemon juice (o kalamansi juice) sa isang tasa ng tubig. Isuklay ang mixture na ito sa buhok pagkatapos ng kada shampoo.

To maintain a healthy hair, know how to properly wash it. How hair is washed depends on how much oil is produced from the scalp. Oily hair must be washed more frequently, as often as once a day. Treated hair may be drier and so it should be washed less frequently. Wash hair primarily on the scalp area rather than the entire length of the hair for it will only create flyaway, dull and coarse hair. After every shampoo, use a conditioner to improve the look, strength and feel of hair. Conditioner must only be used on the tips of the hair not on the scalp, to avoid making it look limp. Always choose a shampoo and conditioner that is formulated for the specific type of hair. Protection is also necessary for a healthy hair. Protect the hair from the harmful effects of chlorine in swimming pools by using a swim cap and conditioning hair before swimming.Other tips to have a healthy hair include trimming the hair once a month to make the hair stay healthy. Regularly massage the roots at least 2 minutes to improve circulation and improve hair growth. Apply warm coconut oil all over the hair from the tip up to the roots, to add moisture to dry hair. To dry the hair, blot wet hair not rub with an absorbent microfiber towel and air-dry.

About the author

Charlotte Formoso

Swimming, watching dvd, Surfing internet, bar hopping
Profession: Travel Agent
New Zealand , Auckland

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Wilma  Sugaton
is in the Philippines
Can I use your tips to share with my students?
Wilma  Sugaton
is in the Philippines
Can I use your tips to share with my students?

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.