Heart Attack o inatake sa puso: Sintomas, Sanhi, Lunas, Gamot, atake, medication, symptoms, treatment

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

May higit sa isang milyong katao ng isang kilalang bansa ang nagkakaroon ng “heart attack” o atake sa puso kada taon. Ang “heart attack o myocardial infarction”, ay isang permanenteng pagkasira sa kalamnan ng puso. Ang “myo” ay nangangahulugang kalamnan, “cardial” ay tumutukoy sa puso at “infarction” ay nangangahulugang pagkamatay ng “tissue” dahil sa kakulangan ng supply ng dugo. Ito ay seryosong kondisyon na kailangan ng emerhensyang tugon sa lalong madaling panahon.

A heart attack occurs when there is blockage to the blood flow going to the heart, most often by a fat build-up, cholesterol and other substances, which form a plaque in the arteries that provide blood to the heart (coronary arteries). Part of the heart muscle can be damaged or destroyed by the interrupted blood flow. A heart attack, also known as a myocardial infarction, can be fatal, but management has improved dramatically over the years.

Ano ang dahilan ng “heart attack”? Causes

Ang “Coronary Heart Disease (CHD)” ang nangungunang sanhi ng heart attack. Ito ay isang kondisyon kung saan ang “coronary arteries” o ang pinakamalalaking ugat na nagsu-supply ng dugo sa puso ay nagbabara dahil sa naimbak na kolesterol sa dugo. Bago ang heart attack, ang deposito ng kolesterol ay maaaring pumutok at siyang nagsasanhi na ang isang kumpol ng dugo o “blood clot” ay mag-develop sa lugar kung saan may pumutok na clot. Ang kumpol ay maaaring magbara sa supply ng dugo na papunta sa “coronary artery”, at siyang nagiging simula ng heart attack. Ang iyong tsansa na magkaroon ng CHD ay mas pinapataas ng paninigarilyo, pagkain ng matataba na pagkain, diabetes, mataas na kolesterol at blood pressure at pagkakaroon ng malaking timbang.

Most heart attacks are brought about by coronary heart disease, a condition that clogs coronary arteries with fatty, calcified plaques. According to researches, it has been confirmed that the immediate cause of nearly all heart attacks is not the obstructive plaque itself. Instead, it is the sudden formation of a blood clot on top of plaque that cuts off blood flow in an already narrowed blood vessel. Major risk factors for developing heart attack are well-known, and some can be controlled. The main risk factors are high blood pressure, smoking, high cholesterol, obesity, diabetes and a sedentary lifestyle. Stress may also raise the risk, and overexertion and extreme elation can act as triggers for an attack. Another important risk factor is family history. Both men and women at earlier ages are at an increased risk or those who have family history of heart disease. Men over the age of 50 with a family history of heart disease are predisposed to heart attack. High levels of estrogen are thought to protect premenopausal women fairly well, but after menopause the risk of heart attack increases significantly.


Ano ang sintomas ng heart attack? Signs and symptoms

Ang mga sintomas ng heart attack ay ang:


· Hindi magandang pakiramdam, pressure, pagbigat, o pananakit ng dibdib, braso o sa ibaba ng dibdib


· Pagkirot na pumupunta patungo sa likod, panga, lalamunan o braso


· Busog na pakiramdam, parang hindi natunawan o pakiramdam na parang sinasakal


· Pinagpapawisan at nasusuka o nagsusuka

The cardinal signs of having a heart attack are the following: Uncomfortable pressure, squeezing, fullness, heaviness or pain in the center of your chest. It lasts more than a few minutes, or goes away and comes back, pain or discomfort in one or both arms, the neck, jaw, the back, or stomach, shortness of breath with or without chest discomfort. Other signs are breaking out in a cold sweat, nausea or lightheadedness. Women usually are the ones who feel the other symptoms which are the shortness of breath, back or jaw pain, and nausea or vomiting.


Ano ang dapat kong gawin kung inaatake ako sa puso? / Unsa akong kinahanglan buhaton kung gaatakihon ko sa kasing-kasing?

Ang mabilis na paggamot upang mabuksan ang baradong ugat ang pinaka-importante upang mabawasan ang pagkasira ng puso. Ang pinakamaiging oras sa pagtugon sa atake sa puso ay ang una at ikalawang oras mula sa paglabas ng mga sintomas. Ang paghihintay ng mas matagal ay nagpapataas sa pagkasira sa iyong puso at nagpapababa sa tsansa ng pagkabuhay. Dapat isaisip na ang hindi magandang pakiramdam sa puso ay mailalarawan sa maraming paraan. Maaari itong maramdaman sa dibdib o braso, likod o panga. Kung ikaw ay nakakaramdam ng mga sintomas na ito, huwag isawalang-bahala. Maaaring ito ay babala ng iyong puso sa iyo.

There may be immediate treatment to be done when you are having a heart attack. And these are: hooking the patient to a heart monitor, so the health care team can see at how your heart is beating. Oxygen will be provided so that your heart doesn't have to work as hard. An intravenous line (IV) will be placed into one of your veins to serve as access in giving medications and fluids. You may get nitroglycerin and morphine to help reduce chest pain. Aspirin may also be given, unless it would not be safe for you. In that case, you will be given another medicine that prevents blood clots. These drugs are particularly given within 3 hours of when you first felt the chest pain. This is known as thrombolytic therapy. Dangerous abnormal heartbeats (arrhythmias) may be treated with medicine or electric shocks. There are also emergency procedures that can be done such as angioplasty which is a procedure to open narrowed or blocked blood vessels that supply blood to the heart. Some patients may also have heart bypass surgery to open narrowed or blocked blood vessels that supply blood to the heart. This procedure is also called open heart surgery. After a heart attack, you will likely need to take medicines, some for the rest of your life.


Anu-ano ang pwedeng gawin upang malaman ko na ako ay inaatake na sa puso?

Ang pagtukoy sa heart attack ay base sa iyong mga sintomas, “electrocardiogram o ECG” at resulta ng mga pagsusuri sa dugo. Ang pakay ng gamutan ay malunasan ka kaagad at agapan ang pagkasira ng kalamnan ng puso. Ikaw ay sasailalim sa:


· Electrocardiogram o ECG. Ito ay nagsasabi kung gaano kalaking pinsala ang nangyari sa iyong puso at kung saan ito nangyari. Ang bilis ng tibok ng puso at kung ano ang ritmo nito ay natutukoy rin sa ECG.


· Pagsusuri sa dugo. Maaari kumuha sa iyo ng sample ng dugo upang masuri ang antas ng “cardiac enzymes” na pwedeng makatukoy ng “heart muscle damage”.


· Echocardiography. Ito ay isang “imaging test” na maaaring gamitin habang at matapos ang heart attack upang matutunan kung paano bumubuga ang puso at kung saang parte ang hindi na tumitibok ng normal.


· Cardiac catheterization. Ito ay maaaring gamitin sa mga unang oras ng heart attack kapag hindi nalulunasan ng mga gamot ang sintomas. Ito ay maaaring gamitin upang direktang makita ng doktor ang parteng may bara at upang matukoy niya kung anong operasyon ang gagawin.


Anu-anong mga gamot ang ginagamit sa paglunas sa heart attack? Unsa nga mga tambala ng ginagamit para matambalan ang heart attack? Medication, treatment, remedy, cure

Ang layunin ng gamutan ay upang mabuwag o maiwasan pang mabuo ang mga blood clots, hindi gumalaw ang “plaque” sa kanyang kinalalagyan at iwasan ang tuluyan pang pagkasira ng parte ng puso. Ang mga gamot na it ay nararapat na maibigay kaagad sa pasyente sa loob ng una at dalawang oras mula sa pagsisimula ng heart attack upang maiwasan ang laki ng sira sa puso. Sa mas matagal na pag-inom ng gamot, mas malaki ang pagkasira na nadudulot. Ang mga gamot na may layuning bawasan ang sira sa puso ay ang:


· Aspirin. Ito ay pumipigil sa pagclot ng dugo na maaaring magpalala sa heart attack


· “Antiplatelets”. Ito ay upang pigilan pa rin ang “clotting”.


· “Thrombotic theray”. Ito ay ginagamit upang malusaw ang mga clots na nabuo sa mga ugat sa puso


· Kahit anong kombinasyon mula sa nauna nang mga gamot.


Anong mga pagbabago sa aking pamumuhay ang dapat kong gawin? Unsa nga mga kabag-uhan sa akong pagpuyo ang kinahanglan nakong buhaton? Lifestyle changes

Walang lunas para sa “coronary artery disease”. Upang maiwasan ang progreso ng sakit, kailangan mong sundin ang payo ng iyong doktor at gumawa ng mga pagbabago sa pamumuhay. Maaari mong itigil ang paninigarilyo, pababain ang iyong kolesterol sa dugo, kontrolin ang iyong diabetes at blood pressure, sundin ang regular na pag-eehersisyo, magbawas ng timbang at kontrolin ang mga stress sa buhay.


About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Nakakaramdam po ako ng pagkabalisa at pagkabahala magmula ng atakihin ako sa puso. Pangkaraniwan lang po ba ito?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Karaniwan lang para sa tao ang maging balisa, mabahala at matakot pagkatapos magkaroon ng atake sa puso. Maaaring umayos ang iyong pakiramdam habang ikaw ay nagpapagaling, pero posible ka ring makaramdam ng pagkabalisa at kailanganin mo ng gamot para dito. Kung ikaw ay nababahala sa iyong nararamdaman, kausapin ang iyong doktor o nars para sa tulong at payo.
Ang pagiging balisa, takot, at malungkot pagkatapos ng atake sa puso ay normal at inaasahan. Karaniwan, ang iyong damdamin ay aayos kasabay ng pagbuti ng iyong pakiramdam at kakayahang gawin ang ilang bagay ng mag-isa. Kung nagkaroon ka ng depression, malaki ang tsansa ng iyong pagkakaroon ng karagdagang sakit sa puso, kaya naman mahalaga para sa iyo na makakuha ng tamang tulong at suporta. Ang pangunahing sinyales at sintomas ng depression ay:
• Malungkot, walang interes sa buhay
• Pagbaba o paglaki ng timbang
• Sobrang pagtulog o kawalan nito
• Pagkapagod at walang enerhiya
• Pakiramdam na walang kwenta ang sarili
• Balisa at hindi maka-concentrate
• Nakakaisip na mamatay o magpakamatay
Kung meron ka ng alinman sa mga ito, kausapin ang iyong doktor o nars para sa tulong at payo. Ang iyong kapareha, pamilya at kaibigan ay maaari ring maapektuhan dahil sa iyong atake sa puso. Importanteng makipag-usap tungkol sa iyong nararamdaman at isali ang iyong pamilya at kaibigan sa iyong pagpapagaling.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Paano ko po ba malalaman na inaatake na ako sa puso at hindi ito ibang bagay?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Walang tiyak na paraan para malaman kung inaatake ka na sa puso o ang pananakit ay dulot ng ibang sakit. Ang doktor lamang ang maaaring makapagsabi sa oras na magawa niya ang ilang pagsusuri. Kaya naman, importanteng huwag sumugal. Kapag ikaw o sinumang kilala mo ang nakaramdam ng pananakit ng dibdib na kumalat sa iyong lalamunan o braso, tumawag ng agarang tulong.
Ang mga sintomas ng atake sa puso ay maaaring mag-iba depende sa tao. Pwede kang magkaroon ng paninikip ng dibdib na sa grabe ay mawawalan ka ng malay o kaya pwede kang makaranas ng pagsama ng pakiramdam pero walang anumang paninikip.
Ang mga karaniwang sintomas ng atake sa puso ay:
• Sakit sa gitna ng iyong dibdib na parang masikip sa pakiramdam
• Sakit na kumakalat sa iyong panga, leeg, braso (kadalasan sa kaliwang bahagi), likod o tiyan
• Paghabol ng hininga
• Pagkahilo
• Pagsama ng pakiramdam o parang nasusuka
• Pagpapawis, kasabay ng pamumutla ng balat
• Pagkabalisa o pagkatakot
Kapag meron ka ng anumang sintomas ng mga ito, maaari kang magkaroon ng atake sa puso. Madalas ding mapagkamalan ang sakit na dulot ng atake sa puso bilang isang simpleng resulta ng hindi maayos na pagtunaw ng pagkain sa tiyan, na isa rin sa mga dahilan kung bakit marami ang hindi na pumupunta sa doktor.
Kung sa tingin mo na ikaw o sinumang kakilala mo ay inaatake sa puso, humingi ng agarang tulong. Huwag maghintay. Kung mas maaga kang nakakuha ng medikal na tulong, mas malaki rin ang tsansa mong makamit ang lubusang paggaling.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pagkatapos ng isang atake sa puso, maari po ba akong bumalik sa aking dating pamumuhay?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang saklaw na pwede kang bumalik sa dati mong pamumuhay bago ka atakihin sa puso ay depende sa grabe ng nangyari sa iyong atake sa puso, and klase ng gamutang iyong natanggap at husay ng iyong paggaling. Depende rin ito sa iyong dating pamumuhay at ang klase ng trabahong mayroon ka.
Sinisira ng atake sa puso ang ilang bahagi ng iyong heart muscle. Pagkatapos ng atake sa puso, pinapalitan ng iyong katawan ang nasirang bahagi ng muscle ng “scar tissue”, na hindi pareho kabisa sa malusog na tissue. Kung mas malaking bahagi ang nasira, mas mahirap din ito para sa puso na magbomba ng dugo sa buong katawan. Kung naging napakalubha ng iyong atake sa puso at mayroong seryosong pagkasira sa malaking bahagi ng iyong puso, maaari kang magkaroon ng pagpalya ng puso – kabilang sa mga sintomas nito ay paghabol ng hininga, pagkahapo at pagkakaroon ng namamagang bukong-bukong.
Pagkatapos ng iyong atake sa puso, marahil ay isasailalim ka sa isang “cardiac rehabilitation program”. Importante na sundin ang payo na imumungkahi sa iyo sa mga sesyon nito, halimbawa nito ang pagkain ng masustansyang pagkain, pagtigil sa paninigarilyo at regular na pag-eehersisyo. Mapapansin mong hindi mo na magagawa ang lahat ng ginagawa mo noon pero ang pagsunod sa “cardiac rehabilitation program” ay nakakadagdag sa tsansa ng pagbalik mo sa iyong normal na buhay bago ka inatake sa puso.
Kabilang sa mga bagay na dapat mong tandaan ay ipapaliwanag dito.
• I-kontak ang Land Transportation Office (LTO) at ang “insurer” ng iyong sasakyan para malaman mo ang kanilang mga mungkahi. Hindi ka dapat magmaneho ng sasakyan ng hindi bababa sa apat na linggo pagkatapos ng iyong atake sa puso at kung sa tingin ng iyong doktor ay ligtas na para sayo. Kung nagmamaneho ka ng sasakyan na mabibigat ang karga o ng pampasaherong sasakyan, sabihan ang LTO dahil kakailangan mong sumailalim sa karagdagang pagsusuri tulad ng “exercise ECG”. Kung kailan ka pwedeng bumalik sa pagmamaneho ay depende sa resulta ng mga pagsusuring ito.
• Marahil ay maaari ka ng bumalik sa trabaho sa loob ng anim na linggo. Kung ang iyong trabaho ay nangangailan ng pisikal na lakas, baka kailanganin mo ng mas mahabang panahon para magpahinga bago ka makabalik sa trabaho. Kausapin ang iyong doktor at amo sa trabaho kung ano ang pinakamainam gawin.
• Maaari kang bumalik sa pakikipagtalik kapag naramdaman mong kaya mo na. Kung hindi ka nagkaroon ng anumang problema sa iyong pagpapagaling, ito ay marahil pagkalipas ng mahigit kumulang apat na linggo, pero maghintay hanggang sa ikaw ay handa na.
Jessie Torio
is in the Philippines
magandang gabi po, pwede ko po malaman kung isa sa mga sintomas ng pananakit o pagbara sa ugat ng puso ko kasi halos araw araw na po sumasakit ang muscles ko sa may tabi ng dede ko kaliwat kanan po ito ang pananakit kumikirot po ito..ano po dapat ko gawin para po gumaling po? jessie po
Maricel Maquinay
is in Hong Kong
Magandang umga po.magtatanong lng po ako tungkol sa heart attack.. Kz ung asawa ko nuong December 15 2014 NSA airport po xa ng bglang nwalan ng Malay dhil sa pag.stake ng puso. Hanggang ngaun wla p xang Malay.. Gagaling po b xa mga ilang araw bgo gmising po..my pag. ASA p ba n gagaling po siya.maraming salamat po pls response me
Maricel Maquinay
is in Hong Kong
Ilang araw po bgo bmalik sa normal ang asawa ko.. Kasi Simula nuong December 15 2014 hanggang ngaun wla p xang Malay.. Kasi sa loob ng airport duon po xa nwalan ng Malay dahil sa pag atake ng kanyang puso... Pls response me
Maricel Maquinay
is in Hong Kong
Ilang araw bago magkamalay po ang along asawa dhil Simula p nuong December 15 2014 hanggang ngaun wala p xang Malay.. I want my husband back for my family
Maricel Maquinay
is in Hong Kong
Gud evening po.nuong December 15 2014,nawalan po ng Malay ang asawa ko dhil sa pag aatake po ng puso nia.ang sav po ngaun ng doctor ok n raw po ung mga vital sign nia..ask k lng po sana ilang araw bgo po bmalik sa normal ang asawa ko.pls response me tnx
Alliza Morris
is in Saudi Arabia
Good day po!ask ko lng kasi po ilang days ko na nararamdaman ung pananakit ng likod ko at kasabay kumikirot ang kaliwang dibdib ko pati po sa bandang balikat..sintomas po ba un na may heart problem ako?please sna po masagot nyo ko..thanks
Nerizza Peñaflor
is in Saudi Arabia
Minsan po ay bigla nalang sumasakit ang dibdib ko. Pero kusa nmn po itong nawawala. Bigla xang sasakit ngmga 2 minutes at bigla din mawawala. Pero pagkalipas ng mga 1 hour bigla nanaman sasakit. Pero nawawala din agad. Umiinom nlng ako ng tubig.at relax ng konti. Tapos trabho n ulit. May sakiut n po b ako s puso?
Aj Jo
is in the Philippines
doc ako po parang may tumutusok sa dibdib ko anu po ito. tapos yung lalamunan ko parang may nag iiritate
John Kenneth Recio
is in the Philippines
Parehas pala tayo ! yung parang may bumabara sa lalamunan
John Kenneth Recio
is in the Philippines
Doc ! Nakakaramdam po ako ng Mahirap na pag hinga ! tapos pag matutulog ako ! pag lumalalim yung tulog ko para napuputol yung hininga ko ! doc ano po ba yung sakit ko na yun doc ! ang hirap po kase ee
MheMhe Cablao
is a none in Afghanistan
Paanu po yung papa ko my lifetime na siya na medicine pero last night lang nahilo po tska nagsuka anu po ibig sabihin nun anu po dapat niya iwasan pa na pagkain at pwede niya na kainin. Tska sumasakit po ung puso niya at batok niya.
Salamat po!
Perea Neslie
is in the Philippines Medical History
Dok uminom ng tubig ang tatay nabigla ho ata nanikip ang dibdib at nawalan ng malay ano po ang dapat gawin ?
Perea Neslie
is in the Philippines Medical History
Dok uminom ng tubig ang tatay nabigla ho ata nanikip ang dibdib at nawalan ng malay ano po ang dapat gawin ?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.