Ano po gamot sa sugat sa tumbong? Anal fissures, bowel movement, stool, sphincter, contraction, pressure

Jomari Acosta
is in the Philippines

Ilang araw ko na kase tinitiis to 3 days na. Sa bandang tumbong ko sa labas may sugat po. Ano po ba ang gamot sa sugat sa tumbong. Masakit sya pag namamaga. Ang gingawa ko lang po is binababad ko po sa mainit na tubig tpos iinom ako ng gamot. Pang antibacterial at paracetamol. Maraming salamat po


Topic: On my rectum there is a wound. I've been suffering from this rectal wound for 3 days now. What is treatment, cure or remedy for wound on the rectum?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Medical Team
is a Medical expert in United States
Napatingin mo na ba ito sa doctor? Importante ang makita ito ng doctor upang ma-diagnose at para hindi lumala o magkaroon ng impeksiyon, dahil maselan ang rectum at madaling kapitan ng dumi o bacteria.

Kapag almuranas ito, may mga over-the-counter corticosteroid creams na nakakabawas ng pananakit at pamamaga. Pero hindi ito epektibo sa lahat ng tao kaya pinakamabuti ang magpatingin ka sa doctor.

Pansamantala, maaaring linisin ito ng tubig at mild soap, pero dahan-dahan at ng maingat. Maaaring resetahan ka rin ng doctor ng antibacterial ointment na ipapahid. Para ma-control ang bleeding, pwedeng ilagay ng malinis na cloth o gauze, upang tumigil ang pagdurugo.

Uminum din ng maraming tubig at kumain ng mga prutas at gulay. Pero importante ang magpatingin ka sa doctor upang malaman ang sanhi at lunas o paggamot nito.
Jomari Acosta
is in the Philippines
Pero hndi pa din sapat tong ginagawa ko . Sgro nga magpatingin na din ako para sure..
Ryan Villarosa
is in United States
Hi po magandang araw ako po si Ryan 20 yrs old. Ako po ay nakakaramdaman ng parang sugat sa aking pwetan. bali ganito po yung simula lahat. nagkaroon po ako ng Hyperacidity or GERD po nag take po ako omeprazole. at nag-okay na po sya after ilang months po bumabalik balik po yung sakit ng tyan ko papunta sa dibdib. hindi ko po ulit pinapansin baka lang po kase dahil sa pag-inom ko softdrinks pero nagkaroon po ako strep throat. nagpatingin po ako uli sa doctor. pinagtake napo ako ng cefuroxime at omeprazole . at minsan po tuwing sabado at linggo umiinom po ako ng BIOFITEA (LAXATIVE) upang makapag tanggal lang po sana toxic sa katawan ko po. nagtake po ako nito dumudumi po ako ng madaling araw at sa umaga masakit po sya sa pwet ko sa totoo lang po pero binaliwala ko lang po kase sabado at linggo lang naman po ako uminom nito. tapos minsan din po nakakaranas ako ng contispation po o halos madalas po. hirap po ako dumumi at napapansin ko sa dumi ko ay may parang hindi po ganu natutunaw na pagkaen. ngayon nag take po uli ako BIOFETEA (LAXATIVE)
tuwing sabado at linggo po ako umiinom nito

ngyon po napansin ko lang na may gasgas po ang aking pwetan.
hindi naman po ako nakakaranas ng pagdurogo sa tae.

ang nararanas ko lang po talaga ay hirap po ako sa pagdumi. khit nakakaen ako ng maraming tubig. minsan minsan parin nanakaranas ako contispation.

Ano po kaya itong gasgas sa aking pwetan na may kunting bukol? SALAMAT PO

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.