High Blood Pressure o altapresyon: Sanhi, Lunas, gamot, sintomas

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ang high blood pressure o hypertension ang isa sa pinakamalaking sanhi ng sakit sa puso at pagatake sa puso (stroke) sa Pilipinas at ibang parte ng mundo.

Ayon sa istatistika, mga 70 porsyento ng mga taong unang beses nagka heart attack ay mayroong altapresyonMay 80 na porsyento rin ng nagkaroon ng first stroke ang may altapresyon. 75 na prosyento naman ng mga may “chronic heart failure” ang may high blood pressure. Ang high blood pressure rin ay sanhi ng pagkakaroon ng problema sa bato (kidney). Mas mataas ang populasyon ng mga lalaking nagkaka-hypertension kaysa sa mga babae bago tumuntong ng 60 na taong gulang. Madaling matukoy ang altapresyon. Nasusukat ang ating blood pressure sa pamamagitan ng apparatus na sphygmomanometer, na nababasa ang BP (blood pressure) level ng isang tao.



Ano ba ang high blood pressure?
Ang high blood pressure ay nangangahulugan na mataas ang pressure sa ugat ng katawan lalo na sa tinatawag na arteries. Ang “arteries” ang nagdadala ng dugo patungo sa ibat-ibang parte ng katawan matapos itong ibomba (pump) ng puso. Ang normal na blood pressure ay 120/180. Ang blood pressure na nasa gitna ng 120/80 at 139/89 ay tinatawag na “pre-hypertension”. At ang blood pressure na 140/90 pataas ay itinuturing mataas.

Ano ang mga Sanhi o causes ng altapresyon?
May dalawang klase ng hypertension at ito ay ang Primary (essential) hypertension at ang secondary hypertension. Para sa maraming tao, walang matukoy na dahilan sa Primary hypertension. Ngunit ang alam natin dito ay ito ay unti-unting sumibol pagkalipas ng maraming taon. Ang secondary hypertension naman ay nangyayari kapag tumataas ang blood pressure ng pasyente dahil may kaakibat itong ibang sakit. Ang hypertension na ito ay nangyayari lang ng biglaan. Maraming kondisyon at medikasyon ang maaaring magdulot ng hypertension. Ito ay ang problema sa kidney, may tumor ang adrenal glands, mayroong problema sa thyroid, pagkapanganak pa lang, may problema na sa iyong ugat, mga medikasyon tulad na birth control pills, gamot sa ubo at baradong ilong ay maaaring makasanhi ng high blood pressure.

Ano mga Sintomas o senyales ng altapresyon?
Ang hindi litaw at halatain na klase ng hypertension ay karaniwang walang pinapakitang sintomas kaya naman nabansagan itong “the silent killer” o bigla na lamang kumikitil ng buhay sa isang iglap nang walang pasabi. Dahil rin sa dala nitong komplikasyon tulad ng “heart attack” o sakit sa puso o “stroke”, hindi talaga ito dapat ipagsa-walang bahala. Ang hindi komplikadong hypertension ay maaaring hindi mapansin sa loob ng maraming taon. Ito ay nangyayari dahil walang sintomas na nararamdaman ang pasyente at hindi rin nagpapa-chesk ng blood pressure. Subalit may ibang tao na may nararamdaman kapag mataas ang blood pressure tulad ng sakit ng ulo, pagkahilo, hirap sa paghinga, at nanlalabong mga mata. Ito ay nangyayari kapag napakataas na ng blood pressure. Kung minsan maiging magkaroon ng sintomas upang ma-alarma ang pasyente sa seryosong dala ng hypertension. Dahil marami sa mga grabeng kaso na dinadala sa emergency ay kaugnay sa altapresyon tulad ng heart attack, stroke, pagkasira ng kidney, o kaya naman ay paglabo ng paningin. Maigi ang pagbibigay impormasyon sa publiko tungkol sa hypertension upang ito ay bigyang-pansin.

Ano ang mabisang gamot, Lunas o solusyon? 
Ang pagbabago sa pamumuhay at maling kinaugalian ay lubos na nakakatulong sa pagpigil ng altapresyon. Ang doktor ay maaaring magtagubilin na kumain ng masusustansya tulad ng mga pagkaing mababa sa asin, palagiang mag-ehersisyo, tumigil nang manigarilyo at panatilihing katamtaman ang timbang. Kung minsan naman, hindi sapat ang lifestyle changes kung tawagin kaya naman ang doktor ay maaaring magbigay ng antihypertensive na mga gamot. May mga gamot na pampaihi. Sila ay importante sa pagpapababa ng “blood volume” o dami ng dugo sa katawan. Mayroon ring “beta blockers” kung tawagin na nagpapadali sa pagtibok ng puso. Mayroon ring gamot na pampakalma sa mga “blood vessels” upang hindi sila kumipot. Mayroon ring tinatawag na Calcium channel blockers na nagpaparelax rin sa muscles ng puso at “blood vessels”.

Natural na gamot at Paano maiiwasan
Kahit ano pa mang medikasyon ang iresetasa iyo ng doktor, kailangan itong may kaakibat na “pagbabago sa pamumuhay at malling kinaugalian”. Ito ay ang pagsunod sa diet na kaunti lamang ang asin na content, pag-eehersisyo, pagtigil sa paninigarilyo at pagbabawas ng timbang. Kailangan ring limitahan ang pag-inom ng alak, bawasan ang stress sa buhay, i-monitor rin ang blood pressure sa bahay, matutong mag-relax at humingang malalim upang kumalma sa mga panahon ng problema.

Narito iilang mga pagkain tumutulong labanan ang hypertension o altapresyon:
1. Cinnamon - Isang masarap na panimpla ang cinnamon na madaling haluin sa iyong diet, at nakakatulong sa pagpababa ng blood pressure. Sa isang pagaaral sa mga daga, naipakita na ang cinnamon extract ay nakakababa sa high blood pressure.

Nabibili ang mga cinnamon extracts sa mga supermarkets. Pwede itong ihalo o iwisik sa iyong almusal o tinapay o kahit sa iyong kape. Sa hapunan naman, hinahalo itong pampasarap sa mga ulam.

2. Patatas o Potatoes – mayaman sa potassium ang mga patatas na nakakababa ng blood pressure.

3. Saging o Bananas – hindi lamang masarap kung hindi nakakatulong din maibaba ang tsansang magka-stroke o sakit sa puso ang saging. Mayaman ang banana sa potassium, isang mineral na importante sa pag-kontrol ng altapresyon. Sa katunayan, ang isang saging raw ay naglalaman ng mga 400 milligram ng potassium. Pinapayuhan na kumain ng mga 4,000 milligrams ng potassium araw-araw.

4. Kasoy o Cashew nuts - Nakakapagpatibay din ang kasoy na palakasin ang ating katawan at iwasan mga sakit. Nakakatulong rin ang kasoy na labanan ang altapresyon dahil sa kanyang mataas na zinc value. Ang kakulangan ng zinc sa katawan ay maaaring makasanhi ng pagsikip a pagmaga ng iyong arteries sa puso.  Mayaman rin ang kasoy sa magnesium at potassium, na nakakatulong bawsan ang mga karamdaman sa katawan tulad ng atake sa puso.

5. Basil - Masarap na damo ang basil na hinahalo sa maraming pagkain. Hindi lang masarap na rekado o panimpla ang basil, kundi nakakatulong rin ito ipababa ang blood pressure. Sa pagaaral sa mga hayop, nakakababa ng blood pressure ang basil extract, kahit na panandalian lamang. Makakatulong ang paghalo ng basil sa iyong pagkain. Pwede itong ihalo sa mga sabaw, ulam, salad, o pasta.

6. Garlic o Bawang - Matapang ang amoy ng bawang, ngunit hindi lamang ito ginagamit sa pampalasa ng pagkain kundi nakakababa rin ito ng altapresyon. Sa pamamagitan ng pagpaparami ng isang sangkap na tinatawag na nitric oxide sa ating katawan, narerelax at lumuluwag ang mga daluyan ng dugo o blood vessels. Dahil dito, nakakatulong ang bawang sa pagdaloy ng dugo sa ating katawan.
Pwedeng kaining ang sariwang bawang na hindi niluluto. Kapag masyadong matapang para sa iyo, maaaring lutuin muna ito ng bahagya bago kainin. Mayroon ring mga garlic supplements na nabibili.

7. Ginger - Maaaring makatulong sa pag-kontrol ng pagtaas ng dugo ang luya. Sa iilang pagaaral sa mga hayop, nakikitang nakakatulong ang luya sa pagdaloy ng dugo o blood circulation. Nakaka-relax rin ito ng mga muscles na bumabalot sa mga blood vessels, kaya’t nakakababa ito ng blood pressure. Maaaring tadtarin, kudkuran, o ihalo sa mga inumin o tsaa o pagkain.

8. Hawthorn - Isang halamang gamot ang hawthorn, na ginagamit ng chinese medicine mula ng sinaunang panahon o ilang libong taon. Sa pagaaral sa mga hayop, nakakatulong ang hawthorn sa puso, at nakakabawas din sa high blood pressure, at paninigas ng mga daluyan ng puso. Nakakababa rin ito ng mga masasamang cholesterol sa katawan.
Maaaring ihalo ang dahon sa pagkain o mayroon ring prutas o hawthorn beries na maaaring kainin. Mayroon ring mga tableta na binebenta bilang dietary supplement. Nabibili ang hawthorn sa iilang mga health stores at chinese stores sa Pilipinas.

9. Celery o Kintsay - Matagal ng ginagait ang celery o Kintsay sa Tsina sa pagpapababa ng altapresyon. Sa iilang pagaaral nakikitang may epekto ang celery sa pag-control ng blood pressure. Maaaring katasin ang buong celery at gawing juice o pwede ring kainin ang mga celery seeds. Isang diuretic o nakaka-ihi ang celery kaya’t nakakatulong ito tanggaling ang mga asin sa ating katawan. Dahil dito, nakakatulong ito pababain ang blood pressure.

10. French lavender - Ang mabangong halaman ng lavender ay ginagamit hindi lamang bilang pabango kundi ginagamit din ito pamparelax at napatunayang nakakababa ng heart rate at blood pressure. Mayroong mga lavender essential oils na nabibili sa mga health stores, aromatherapy shops o kahit sa iilang mga botika. Nakakapagpakalma ito ng tensyon sa utak at katawan.

11. Fish oils - Nakakatulong din ang pagkain ng isda o fish oils na supilin ang emosyon, na madaling magbago dahil sa high blood pressure. Imbis na karne ng baboy o baka ang kainin, mas makakabuting kumain ng isda para mapanatili din ang tamang timbang.

Ang omega-3 fatty acids na nakikita sa mga isda katulad ng salmon at mackerel ay napatunayang nakakatulong sa pagpapanatiling malusog ng ating puso. Maaari ring
uminom ng mga fish-oil supplements.

Kung naiisipan mong gumamit ng halamang gamot, mas mabuting kausapin muna ang iyong doktor.


(Last reviewed: March 26, 2019)

Sources and List of References:

NHS National Health Service UK. (2016, June 15). High blood pressure (Hypertension). Retrieved from https://www.nhs.uk/conditions/high-blood-pressure-hypertension/

NIH: National Heart, Lung and Blood Institute. (n.d.). High blood pressure or benign essential hypertension. Retrieved from https://medlineplus.gov/highbloodpressure.html

Centers for Disease Prevention and Control. (2016, November 30). High blood pressure facts. Retrieved from https://www.cdc.gov/bloodpressure/facts.htm 

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
May mga gamot ba na nagiging sanhi ng highblood?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Oo, maaaring maging sanhi ng altapresyon o high blood pressure ang iilang gamot.
Ang mga sangkap at gamot na maaaring magdulot ng high blood pressure ay:
1. Stimulants o pampasigla - gaya ng caffeine, cocaine at nicotine.
2. Non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAID’s) o pagbawas ng sakit na nararamdaman (pain reducing) – gaya ng ibuprofen or diclofenac at marami pang iba.
3. Oral contraceptive pill (birth control pills) at iba pang hormone treatment.
4. Ilang mga gamot na ginagamit sa paggamot ng anemya – gaya ng erythropoietin.
5. May mga corticosteroids, tulad ng fludrocortisone, hydrocortisone, at prednisolone, na ginagamit sa paggamot sa taong may mga kundisyon.
6. Ilang mga gamot na ginagamit sa paggamot sa rheumatoid arthritis o sakit sa buto – halimbawa nito ay ciclosporin at leflunomide.
7. Mga ilang herbal na gamot na naglalaman ng liquorice o licorice.
8. Mga sangkap para lunas ng ubo at sipon – gaya ng ephedrine at phenylpropanolamine.
9. Ang antidepressant venlafaxine.
Dapat tandaan na ang ibang mga gamot ay hindi pwedeng pagsabayin dahil maaaring maging sanhi ito ng hypertension o altapresyon. Halimbawa, may mga over-the-counter nasal decongestants na may mga sangkap na maaaring magdulot ng hypertension kapag sinabayan ng anti-depressants.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maari po ba akong sumakay sa eroplano kahit kapag may high blood pressure ako?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang pagsakay sa eroplano ay karaniwang hindi nakakaapekto at ikaw ay ligtas kahit na may high blood pressure. Kung ikaw ay may iniinum na gamot para sa high blood siguraduhing may dala kang gamot sa paglalakbay. Maari kang humingi ng hanggang tatlong buwan na reseta para sa iyong gamot sa doctor. Maglagay ka rin ng gamot sa handcarry na bagahe o sa personal bag para may ekstra ka, oras na mawala ang bagahe mo at oras ng emergency.
Laging tandaan ang paglalakbay o pagbabyahe ay nakakapagod, at magiging sanhi ng pagtaas ng dugo. Upang makaiwas, maagang dumating sa takdang oras ng paglipad o pagsakay sa eroplano. Iwasan ang pagdala ng maraming gamit dahil isa din ito sa mga dahilan ng pataas ng dugo mo o high blood pressure.
RHose DIsu
is in the Philippines
Doc,uminom nrin po aqo ng amlodipine kxo parang d parin po bumababa bp q.ano po b ung mga dapat kainin and ung mga bawal.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pinagmumulan po ba ng high blood sa isang tao ang pagkabahala at stress?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang pagkabahala at stress ba ay nakakadulot ng high blood sa isang tao?
Ang dugo mo ay pansamantalang tataas kapag nakakaramdam ka ng pagod at balisa, pero hindi lahat ng tao na nakakaramdam ng pagod at pagiging balisa ay tumataas ang presyon ng kanilang dugo o nagiging sanhi ng high blood pressure.
Araw-araw nagbabago ang ating blood pressure, at tumataas ang ating blood pressure kapag nakaramdam ng pagod o balisa. Minsan nangyayari rin ang pagtaas ng dugo kapag nakakaramdam ng ligalig o kaba sa pagpatingin ng blood pressure sa doctor o tinatawag na “white coat hypertension”.
Kung ikaw ay may altapresyon o may high blood pressure, makakatulong sayo ang mga sumusunod:
1. Ang pagrerelax gaya ng pagyoyoga o meditation.
2. Maging positibo iwasan ang pag-iisip ng problema o huwag ma-stress.
3. Ang pakikipag-usap sa pamilya o sa kaibigan ay isang gamot din upang makaiwas sa lungkot.
Maaring sumangguni sa iyong doctor para sa karagdagang impormasyon na makakatulong sayo.
RHose DIsu
is in the Philippines
Doc,Ung sa patatas po okey lang ba ung french fries??
Cris Tan
is in the Philippines
Hi doc, tanong lang po, may time kasi na mabilis ang tibok ng puso ko, siguro po sa kakaisip ko, lalo ako kabahan baka mai hiblood na po ako.. bigla lang po talaga bibilis ang tibok po, hihinga nalang ako ng malalim. Mai hiblood naba ako doc? 23yrs old napo ako. Babae po
May Gablinez
is in United States
pa-check-up ka sa doctor. Baka kunlang ka lang sa exercise.
Heidi Rivera
is in Japan
nagkapre eclampsia po ako nung manganak after 3 months naging normal naman po dugo ko pero minsan tumataas po xa then after ilang oras nagiging normal naman po para pong lagi akong takot pag nag bbp po ako.. high blood po ba ako??? 110/69 bp ko minsan pag tumataas nagiging 149/92
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
doc umiinum na aq ng amlodipine bat po 130/90 pa din bp q.dating 140/90. tlga po bang gradual lng ang pgbaba?.masakit p din po batok q sa 130/90.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ako po na confine last month Oct 12 s ICU for severe hypertension 220/140 to 140/78 eto po ung mga binigay skin TAB Olmetec 40/12.5mg, Inj Lasix 20mg BID, Cap Lowrac OD, Nitroglycerine Infusion According to BP. ng lumabas na po ako ibinigay skin inumin ko daw ay Olmetec Plus 40/12.5mg at Lowrac 5mg. tanghali ko sya iniinum pagkatapus ng tanghalian pero lge akong nahihilo at hirap din huminga twing gabi lalo n pag nakahiga nagkasakit po ako ng baradong ilong tapus pumunta ulet ako s doktor binigyan ako ng gamot pagkatapus naging okey npo ung pag hinga ko pero ung s left chest ko minsan nasakit at ung blood pressure ko lgeng below s 120/80 po sya kaya nagpunta ulet ako ng doktor ang ibinigay npo skin is Olmetec Plus 20/12.5mg at Lorvast 20mg. Sa ngyon pinapakiramdaman ko katawan ko ang isa s pagbabago mabilis akong mapagod at ung kamay ko then sa totoo nag check ako kung natayo ung ano ko kase sabi nila magkaka problema daw ung ano ko nag try po akong mag J pero mabilis syang lumambot at nasakit p din paminsan minsan ung kaliwang dibdib ko... Ano po ang dapat gawin.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ako pp age 30 2 days na ako ganito mataas dugo parang init ng katawan ko at pakiramdam ko bigat ng katwan ko at batok ko po.. reply po salamat po ano po pede gamot dito 149 over 80 ang bp ko
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.