PAANO MALALAMAN KUNG BAOG ANG ISANG LALAKE? ANO DAHILAN, SINTOMAS, SENYALES, SANHI AT MABISANG LUNAS O GAMOT? Infertility o pagkabaog

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines

Pagkabaog o infertility o impotence: Baog o impotent ka ba? Paano po malalaman kapag baog ang lalake?
Kahit akala ng iba ay puro sa mga babae ang kadahilanan ng pagkabaog, sa totoo lang, may mga kadahilanan din na nagmumula rin sa mga lalaki. Dahil dito, kailangan din na magpa-test ang mga lalaki, hindi para ilagay sila sa kahihiyan kundi para makaisip tayo ng paraan upang ituwid ang mga potensyal na problema.

Ano mga sintomas o senyales o palatandaan kung baog ang isang lalake?
Bilang lalake, ang una mong dapat gawin ay magpasuri sa inyong duktor or urologist. Pagkatapos ng pisikal na eksaminasyon, maaring ipaeksamen din ng iyong doktor ang iyong semen para macheck ang kalidad at dami ng iyong sperm. Kung ang semen analysis ay normal, maaring magparequest and iyong doktor ng karagdagan pang mga pagsusulit upang matiyak kung ano ang problema.

Ang semen analysis ay pwedeng maka-detect ng mga ganitong problema:

    • Azoospermia o kawalan ng sperm sa semen
    • Oligospermia o kaunting sperm lang ang nasa semen
    • Mga problema sa paggalaw ng sperm
    • Problema sa morpolohiya o istraktura ng sperm

Subalit habang ang mga kundisyon na ito ay maaaring hindi mga direktang kadahilanan na hindi ka mag-kaanak, maaari silang maging sanhi ng kalakip na mekidal na kondisyon. Ang iyong doktor ay maari pang mag-order mga tests sa ​​dugo iba pang mga pamamaraan.

Isa sa pinakalaganap na problema ang pagkabaog sa lalake, na hindi natutuklasan dahil sa ayaw magpakonsulta ang pasyente dahil sa takot o kahihiyan. Sa kasamaang palad, walang maliwanag na senyales ng pagkabaog na makikita sa panlabas ng tao. Kadalasan normal naman ang pagtalik, paninigas, pagtayo at pagputok ng semen. Makikita rin na tila normal din ang tamud kapag tinignan mo lamang gamit ang mata. Ngunit kapag sumailalim ang pasyente sa physical examination, at pinasuri ang sperm sa microscope sa laboratory at sperm analysis, doon malinaw na matutuklasan kung baog nga ba ang isang lalaki o hindi. 

Ano mga Dahilan o Sanhi ng Pagkabaog? Causes
Marami ang mga dahilan kung bakit ang mga lalaki ay pwedeng mabaog. Ang ilan ay dahil sa pisikal na mga problema na pumipigil sa sperm na mailabas sa semen. Ang iba ay nakakaapekto sa kalidad at produksyon ng sperm mismo.

Maaaring sanhi ng pagkabaog ng lalaki ang problema sa paggawa ng tamud / sperm o kaya naman ang pagdaloy ng sperm. Mayroong ibang mga lalake na mayroong mababang bilang ng sperm (low sperm count), o kaya naman ang tamud na nagawa ay walang kakayahan na magbuntis ang itlog ng babae o egg cell. Bukod dito, ang mga bara sa mga tubo na dinadaloy ng sperm mula testes hanggang titi ay maaaring magsanhi ng kakulangan sa tamud na linalabas. Kadalasan nangyayari ito sa mga lalake na nagkaroon ng vasectomy. Sa kabilang dako, ang pagkakaroon ng sperm antibodies sa tamud ay maaari ring maging dahilan ng pagbaba ng paggalaw ng mga sperm at pagdikit nito sa itlog o egg ng babae. Panghuli, ang mga hormonal problems ay maaaring humantong sa mababang antas ng testosterone at kawalan ng kakayahan gumawa ng sperm.

Ano mga iba pang Posibleng Problema:

    • Sexually transmitted diseases o iba pang mga impeksyon.
    • May mga harang, depekto sa kapanganakan, o pisikal na pinsala.
    • Retrograde ejaculation (Ang sperm ay hindi lumalabas sa semen, sa halip ito ay pumapasok sa bladder o pantog). Maaari itong dahil sa diabetes, ilang mga gamot, at pagtitistis sa pantog, prosteyt, o yuritra.
    • Mga Genetic na Sakit
    • Mga Problemang Autoimmune
    • Mga Hormonal Na Problema
    • Sekswal na problema
    • Mga Varicocele
    • Labis-labis na pag-eehersisyo
    • Stress
    • Labis Na Katabaan o Obesity
    • Paggamit ng mga droga, alak, o tabako
    • Exposure sa Mga Toxins at Peligro Sa Kapaligiran
    • Init mula sa kapaligiran, pag-bike o sauna

Kung ikaw ay isang taong ay na-diagnosed na may infertility o pagkabaog, dapat kang makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa anumang mga behavorial na pagbabago na maaari mong gawin upang taasan ang iyong mga pagkakataon na magkaanak.

Ano mga Natural treatments, simpleng tips at mabisang Lunas o Gamot pangontra sa pagka baog? 

Kung ang iyong bilang ng sperm o sperm count ay mababa, maaaring inirerekumenda ng iyong doktor ang pagkakaroon ng pagtatalik na hindi gaanong madalas upang bumuo ng mas mahusay na konsentrasyon ng sperm. Dapat mo ring magtanong tungkol sa pagkuha ng bitamina. Ang ilang mga kamakailang pag-aaral ay nagsasabing ang mga vitamins tulad ng mga naglalaman ng folic acid at zinc ay nagpapataas ng bilang ng sperm count.Narito ang iilang mga nutrients na makakatulong sa healthy male fertility diet:

1. Zinc – ang pagtaas ng zinc levels sa mga baog (infertile) na lalaki men ay napatunayan na nagpaparami ng sperm levels, at nagpapaganda rin ng form, function at quality ng male sperm.
Food sources: Oysters, beef, sesame seeds, yogurt, green peas, shrimp.

2. Selenium – Kailangan ang Selenium sa paggawa ng sperm. Base sa pasasaliksik ng mga medical experts, ang mga lalaki na may low sperm counts ay nakita rin na may low levels ng selenium.
Food sources: Liver, tuna, salmon, sardines, shrimp, crimini mushrooms

3. CoQ10 – Kelangan ang CoQ10 sa bawat cell sa katawan natin para sa energy production, CoQ10 has also been shown in studies to increase sperm health. It is also necessary for sperm motility in semen. It is an important antioxidant that helps to protect cells from free radical damage, protecting DNA.
Food sources: Found most abundantly in seafood and organ meats. Amounts in the body decline with age.

4. Vitamin E - Has been shown in studies to improve sperm health and motility (pagikot ng mga sperm cells) in men. Vitamin E ay importanteng antioxidant din para matulungan to protektahan ang sperm at egg DNA integrity.
Food sources: Sunflower seeds, almonds, olives, spinach, papaya, dark leafy greens.

5. Folic acid – May bagong pananaliksik na nagsasabing ang folic acid ay nakakatulong magpaganda ng sperm health.
Food sources: liver, asparagus, spinach, black beans, navy beans, kidney beans

6. B12- Nakakapagparami ang B12 sa dami ng sperm counts.
Food sources: Clams, oysters, muscles, liver, caviar (fish eggs), fish, crab, lobster, beef, cheese, eggs.

7. Vitamin C – Para sa mga lalaki, napatunayan sa pagsasaliksik na nakakatulong na magpaganda ng sperm quality ang Vitamin C, at prinoprotektahan ang sperm sa DNA damage.
Food sources: Abundant in plants and fruits including red peppers, broccoli, cabbage, potatoes, tomatoes, and citrus fruit.

8. L-Carnitine – Kinakailangan ang L-Carnitine nutrient para umandar ang mga sperm cells ng normal.
Food sources: red meat (karne ng baka, baboy), dairy products (gatas, cheese, etc.)

9. Antioxidants – ang Antioxidants ay isa sa pinaka-importanteng nutrient sa pagkakaroon ng healthy fertility, lalaki man o babae. Nakakatulong ang antioxidants sa pag-protect ng sperm sa “free radical damage”. Ang Free radicals ay nakakasira ng sperm cell health at ng cell’s DNA. Studies have also shown a connection between oxidative stress caused from free radicals and male infertility.
Food sources: Apple, Strawberry

Maaaring gamutin ng iba't ibang paraan ang pagkabaog sa lalake. Halimbawa, posibleng isailalim sa surgery o idaan sa paginom ng gamot kapag mayroong hormonal abnormalities sa pagdaloy ng tamud dahil sa mga nakabara. Dagdag pa dito, may iba pang paggamot na tinatawag na Assisted Reproductive Techniques (ARTs). Binibigyan ng pansamantalang pagbubunsod o pagpapalakas upang makapasok sa egg cell itong mga high-tech (ngunit may kamahalan) na paggamot sa pagkabaog. Sa mga may pera, nabibigyan ng pagasa ang ARTs na magkaanak ang dating baog na lalaki, kahit na kung ang lalake ay may mababang sperm count o merong abnormal sperm.

Paano ko maiiwasan ang pagkabaog o maging baog?
May iba pang mga alituntunin na maaari lamang isagawa sa bahay lamang upang mabigyan ng buhay ang tamud. Nakakasama ang sigarilyo alak, marijuana at ibang masamang drugs sa paggawa ng sperm. Kaya dapat lamang na iwasan itong mga bisyo kung gustong magkaanak o mabuntisan ang isang babae. Pinakamabuti rin na iwasan ang mga maiinit na swimming pool, hot spring o hot baths, dahil ang mataas o mainit na temperatura ay nakakapagpabagal sa paggawa ng sperm. Samantala, ang pagkain ng mga pagkain masustansya sa Vitamin A, C, D at E, at Zinc, Magnesium at Folic Acid ay nakakatulong sa pagpataas ng sperm count.

Ibang mga gamot o treatments
Kung mayroon kang abnormal na antas ng mga hormone, maaaring inirerekumenda ng iyong doktor ang hormone treatment.

Kung mayroon kang retrograde ejaculation, maaari kang uminom ng over-the-counter na gamot para sa sipon at ubo (cold medicines)

Sa ilang mga kaso kung saan ang lalaki ay may banayad na pagkabaog o infertility, ang artificial insemination at iba pang mga diskarte sa paggawa ng anak, tulad ng GIFT and ZIFT, ay maaaring maging kapaki-pakinabang. Ang isa sa mga kapana-panabik na paggamot para sa pagkabaog ng mga lalaki ay ang intracytoplasmic sperm injection (ICSI). Ito ay isang pamamaraan sa laboratoryo kung saan ang sperm at ang itlog ang nakukuha sa parehong mga kasosyo, at pagkatapos, ang solong sperm ay ini-inject sa itlog. Ang fertilized na itlog ay inilalagay sa matris ng babae.



About the author

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia

Internal Medicine/ Adult Medicine/ Palliative Medicine. Online Consultation at https://www.facebook.com/bediamedicalclinic/
Profession: Internal Medicine
Bedia Medical Clinic
Office Address: Meds at Sea Pharmacy, Tabucan, Barotac Nuevo, Iloilo
Philippines , Iloilo , Iloilo City

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
CHE CHE CRUZ
is a wala in the Philippines
DOC ASK LANG PO .NAG KAKAROON PO AKO NG SAKIT NG LIKOD NA MAY KASAMANG HEADACHE AT MASAKIT PO ANG BEWANG AT MADALAS PO NAHIHILO. AT INAANTOK NA PO AKO . DATI NAG PUPUYAT PO AKO PERO NGAYON PARANG MAAGA NA PO AKO NAKAKATULOG.NAG KAROON PO AKO NG 2 DAYS NA PAG DURUGO NA KULAY LIGHT RED PO IMPLANTATION BLEEDING DAW PO SABI NILA AT KINABUKASAN NG SPOTTING PO AKO. LAST MENSTRATION KO PO DECEMBER 25 TO 30 . AT GINAWA PO NAMIN NUNG JANUARY 1..NAG PREGNANCY TEST PO AKO PERO NEGATIVE NAMAN PO ISANG BESES KO LANG PO GINAWA.SABI PO NG KARAMIHAN MAY PREGNANCY DAW PO NA KADALASAN, NAGNENEGATIVE PO.KAHIT BUNTIS NA PO YUNG ISANG TAO. ASK KO LANG PO DOC SA NARARANASAN KO PO BA ? BUNTIS NA PO AKO ?? ASAP PO DOC :(
Recommend Report abuse
Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines
Dear CHE-CHE,

Maraming mga dahilan kung bakit may "spotting" ang isang babae. Isa lang ang pregnancy sa mga dahilan dahil nga, gaya nga ng sinabi mo, sa implantation bleeding. Ang kumpirmasyon kung buntis ka nga o hindi ay ang serum pregnancy test; ito ay blood test para sa hCG hormone na tumataas kapag buntis ang isang babae. Kaya nya itong madetect ang pregnancy mga 3-4 days after implantation or 9-10 days after ovulation and fertilization (after ng pagtalik).

Sa mga babaeng gumagamit ng mga oral or injectable contracteptives, pwede rin silang mag spotting, ito ay dahil sa breakthrough bleeding. Or, kung medyo irregular yung menstruation mo dati, pwede la ring mag "spotting" dahil sa mga hormonal na problema, lalo na kung ilang buwan ka nang hindi dinadatnan.

Maraming mga dahilan. Kaya kung ako sa iyo, bumisita ka sa pinakamalapit na OB-Gyne para malaman ang totoong cause at lunas kung bakit ka nagkakaganyan.

Salamat,

Dr. Marie
3 person likes this
Recommend Report abuse
CHE CHE CRUZ
is a wala in the Philippines
pero doc isa rin po ba sa sintomas ng maagang sintomas ng pagbubuntis ay yung sakit sa likod at bewang/balakang at madalas nahihilo po ?? at madalas po antukin ??
Recommend Report abuse
CHE CHE CRUZ
is a wala in the Philippines
nag karoon narin po ako nag pagduwal na wala pong lumalabas. at minsan masakit po ang aking likod
Recommend Report abuse
Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines
Yes, maaring silang maging sintomas pero dapat iconfirm mo through a serum pregnancy test kung buntis ka nga o hindi (pregnancy test sa dugo). Ang duktor ay nagbe-base ng diagnosis sa pregnancy test at hindi sa mga sintomas lamang. Kung minsan nga, kakailanganin pa ang ultrasound para makumpirma talaga na buntis ang isang babae o hindi dahil may mga "false positive results" din ang pregnancy test. Pwede ring maging positibo ang pregnancy test kung ang isang babae ay may tumor sa reproductive system kahit hindi siya buntis.
Recommend Report abuse
Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines
Suggestion ko is magpatingin ka sa OB Gyne nang sa gayon ay matest ka
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc pano po ung nakakaregla ka tapos patak patak lang po siya at tumagal ng 9 days .. ano po ito ?
Recommend Report abuse
Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines
Hello. Ang kaunti at patak-patak na pagregla ay tinatawag na oligomenorrhea ng mga duktor. Marami ang kadahilanan ng oligomenorrhea tulad ng mga sumusunod:
* Ang pag-inom ng oral contraceptive pills o paggamit ng injectable contraceptives sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan
*Polycystic ovarian syndrome o iba pang mga hormonal na problema
*Diabetes o sakit sa thyroid
*Pag-inom ng ilang gamot tulad ng antipsychotics o para sa epilepsy

Kapag nakakaranas ka nito ng mga 3 months na, mas mabuti pa magpakonsulta ka sa iyong OB-Gyne doctor upang ikaw ay masuri base sa iyong edad at kundisyon.

Salamat,

Dr. Marie
Recommend Report abuse
CHE CHE CRUZ
is a wala in the Philippines
DOC MAY TANUNG PO AKO. SA ASAWA KO PO . ANG SPERM PO NYA MALABNAW PO AT HINDI PO GANO KAPUTIAN ANG SPERM TULAD SA NORMAL NA KULAY AT TEXTURE NG SPERM .POSIBLE PO BANG MAY PROBLEMA PO SYA KAPAG GANUN ? AT MAGKANO PO KAYA ANG PAMPATEST SA SPERM ? ASAP KO PO DOC :) KASI ISANG TAON NA PO KAMI NAG SISIPING AT WALA PO NABUBUO :)
Recommend Report abuse
Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines
Hello again Che che,

Hindi natin malalaman kung may problema ang sperm ng asawa mo o wala habang hindi siya makakapag sperm count o semen analysis. Mas mabuti pang magpa test na siya, lalo na kung kasal kayo at nagsasama na ng isang taon o higit pa at hindi pa kayo nagkakaanak. I think ang presyo nito is more or less 500 pesos.

Salamat,

Dr. Marie
Recommend Report abuse
CHE CHE CRUZ
is a wala in the Philippines
doc habang tumatanda po ba ang isang lalaki bumababa po ba ang chance na makabuntis ng lalaki? . stress po kasi sya at may ashma sya.medyo hindi po nakaka pag vitamins .ano po vitamins ang pwedi nya po inumin? para maging healthy po yung semen nya? 2 years na po kami kasal. bale nung hindi pa po kami kasal nag try na po kami. pero as now wla po talaga .nawawalan na rin po ako pag asa . baka ako rin po yung problema dahil mababa daw po ang matris ko
Recommend Report abuse
Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines
Habang tumatanda ang isang lalaki, ang chances niya sa fertility ay medyo bumababa rin katulad ng mga babae. Ang stress ay isa rin sa mga rason kung bakit bumababa ang sperm count ng isang lalaki.

Ang mga vitamins na may Vitamin C, Vitamin E, zinc, folate at selenium ay makakatulong din. Ang ibang duktor ay nagrerecomenda din ng mga multivitamins tulad ng Rogin E. (hindi ako konektado sa mga manufacturers o distributors nito)
Bukod sa pag-inom ng vitamins at pahinga/ relaxation, heto ang mga tips ko sa kanya:

*Dapat iwasan niya ang pagsuot ng mga masikip na boxers, brief, cycling shorts at mga pantalon para maging mabuti ang circulation ng dugo sa kanyang ari at hindi ito mainitan. Ang exposure sa mainit na lugar ay nagdudulot ng mababang sperm count.
*Iwasan ang exposure sa mga pesticides at iba pang mga kemikal, radiation (tulad ng sa xerox machine) at x-rays.
*Iwasan ang pagbabad ng sarili sa mga hot tubs o sauna para hindi mainitian ang scrotum
*Kumain ng masustansiyang pagkain araw araw tulad ng mga prutas at gulay
*Iwasan ang pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagkain ng maraming taba
*Huwag magpuyat at matulog ng 7-8 hours bawat gabi
*Magbawas ng timbang kung siya ay mataba
*Iwasan ang bawal na gamot
*Magpakunsulta sa duktor na urologist upang siya ay masuri ng maayos.

I hope nakatulong ako sa'yo. Salamat,

Dr. Marie
Recommend Report abuse
CHE CHE CRUZ
is a wala in the Philippines
doc . minsan po kasi ang tulog nya mga 8 hours lang po .dahil sya po ay nag wowork ng constuction. at hindi po maiiwasan po sa kanya ang exposure sa init . doc ask ko po kung ang pakikipag talik po ba habang fertile po ako . magkakaroon na po kaya ? next fertile ko po kasi this febrary 28 to march 3 ? pero magkikita po kami ng march 2 ,sabi po sakin ng aking fertility calendar march 2 po ang ovulation day ko po at malakas po ako mag fertile. eto na po ba yung right day para po sa pakikipag talik ?
Recommend Report abuse
Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines
Kapag ovulation ng isang babae, malamang siya ay fertile sa mga araw na iyon. Yun din ang mainam na panahon upang kayo ay bumuo. Ovulation is on Day 15 of the menstrual cycle, Day 1 being the first day of your menstrual period/ regla.

Salamat,

Dr. Marie
Recommend Report abuse
CHE CHE CRUZ
is a wala in the Philippines
doc meron po ba talaga na mababa daw po ang matris ? at paano po ito maiiwasan kung magkagayun po ?? at ano na rin po ang solusyon sa gantong problema ?
Recommend Report abuse
Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines
Baka ang tinutukoy mo ay uterine prolapse. Ito ay isang karamdaman kung saan ang mga muscles at ligaments ng pelvis ay humihina at nagdudulot ng pag "sag" o pagbaba ng uterus o matris sa vagina.

Sa susunod na mga articles tatalakayin natin ito.

Dr. Marie
Recommend Report abuse
Xeth Carpio
is in the Philippines
good day doc .. may i ask if what can be a caused why my husband has abnormal erection ? sometimes it takes 5-10 mins.o kadalasan hindi pa nga ..mabilis din sya matapos minsan wala p siguro 1 min.o 2 mins. tapos n xa minsan d dn xa matapos kasi lumalambot kagad .. bakit po ganon mahirap sya tigasan ? impotence po ba yun ? pwede po ba hindi sya makabuo ng baby kapag ganon ? thankyou po ..
Recommend Report abuse
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Baka kulang sa exercise asawa mo. Nagiging sanhi din ng erectile dysfunction (hindi mapanatiling erect/matigas ang ari ng lalaki habang nakikipag-sex)ang palaging nakaupo. Payuhan mo siyang magkaroon ng physical activity o exercise araw-araw o kahit ilang araw sa isang linggo, kahit 15-30 minutes lang sa isang araw. Pwede siya mag brisk walking lang, o jogging, swimming, dancing, pumunta sa gym o ano ang hilig niya. Hindi lang maganda sa kalusugan ang exercise, tumutulong din ito para maayos ang daloy ng dugo sa katawan, pati na sa pag-erection.
Recommend Report abuse
Clint Alba
is in the Philippines
Doc... ako po ay 18 years old... at napapansin ko po na d po pantay ang laki ng itlog ko... malaki po sa kanan... samantala po ung kaliwang itlog ko ay sobrang liit... may posibilidad po ba na makabuntis parin po ba ako o baog po ako?
Recommend Report abuse
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Maaaring iba't ibang fluid (hydroceole/spermatoceole/epididymal cyst) ito, pero maaari din malignancy ito. Kailangan mo magpatingin sa urologist habang maaga.
Recommend Report abuse
Clint Alba
is in the Philippines
ehh doc!! maaari parin ba ako makabuntis? d po ba delikado ang kalagayan ko?
Recommend Report abuse
Johnatan Mushkila
is in Saudi Arabia
Dok nangangamba poh ako kz kpag nag jajaculation poh ako konti lng poh lumalabad skn nah something.. Tpos dinubukan koh poh ule after 1 hour medyo marami poh lumabas after 2 day sinubukan koh poh ulet. Pero kunti nlng pih tlaga lumalabas at hanggang ngayun poh gnun parn poh ang nangyayari.. Ano poh ba ang dapat kng gawin.. Natatakot poh ako dok
Recommend Report abuse
Johnatan Mushkila
is in Saudi Arabia
Dok nangangamba poh ako kz kpag nag jajaculation poh ako konti lng poh lumalabad skn nah something.. Tpos dinubukan koh poh ule after 1 hour medyo marami poh lumabas after 2 day sinubukan koh poh ulet. Pero kunti nlng pih tlaga lumalabas at hanggang ngayun poh gnun parn poh ang nangyayari.. Ano poh ba ang dapat kng gawin.. Natatakot poh ako dok
Recommend Report abuse
Yan Cruz
is in the Philippines
Doc maari po bang isang sintomas ng pag bubuntis ang pag sakit ng puson 2 weeks na po sumasakit ang aking puson ngunit delayed na po ako usually po 29-32days cycle ako and its my 37 day na po ng aking cycle delayed na po ako i used calendar method po were trying to conceive nadin po doc. maraming slamat po
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Para saan po ginagamit at kinakailangan ang in-vitro fertilization (IVF)?
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang IVF ay isang “fertility treatment” na ginagamit upang matulungan ang mga mag-asawang magkaanak. Ito ay maaaring gamitin upang maiwasan ang pagdevelop ng iba pang problema sa kalusugan.
Ang IVF ay nangyayari kapag ang itlog at ang “sperm” ay magkasamang hinahalo sa laboratory upang makalikha ng fertilisadong itlog. Ito ay kinokonsidera para sa mga taong may karamdaman. Ang mga karamdamang ito ay nasa ibaba.
• Ang IVF ay makakatulong kung ikaw ay may barado, nasira o namatay na “fallopian tubes”. Ang “fallopian tubes” ang nagdadala ng itlog mula sa iyong obaryo patungo sa iyong “uterus” o puson. Para sa ibang mga kababaihan, may operasyon na maaaring isagawa upang maisaayos ang “fallopian tubes” upang sila ay gumana uli nang mabuti. Ang IVF sa kabuuan, ay ang pangunahing pagpipilian para sa mga babaeng may malubhang depekto sa mga “fallopian tubes”.
• Ang IVF ay maaaring gamitin kung ikaw ay may “endometriosis”. Ito ay nangyayari kung ang “cells” na makikita sa iyong uterus (endometrium) ay tumutubo sa labas ng iyong puson. Ito ay karaniwang umaapekto sa mga obaryo. Ang IVF ay karaniwang ginagamit kung ang malubhang “endometriosis” ay nagdudulot ng problema sa fertilidad.
• Ang IVF ay maaaring gamitin kung ang lalaki ay mas kaunti ang dami ng “sperm” o hindi maganda ang kalidad ng “sperm”.
• Ang IVF ay maaaring pag-isipan ng mga kababaihang may problema sa “ovulation” na hindi nagreresponde sa ibang mga pamamaraan ng pagiging fertile. Halimbawa, sa mga kababaehang may “polycystic ovaries”, kung ang mas simpleng pamamaraan ng “ovulation induction” ay hindi nagging matagumpay.
Kung ikaw ay may mga katanungan o saloobin tungkol sa IVF, makipag-usap sa iyong doktor.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ano po ang unexplained infertility? Ano ang magagawa para malunasan ito?
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang “unexplained infertility” ay ang pangyayari kung saan nagawa na ng doktor ang mga tests para sa iyo at sa iyong asawa, subalit hindi pa rin matukoy kung bakit hindi nabubuntis ang babae. Maraming klase ng “assisted-conception” na pamamaraan na maaaring magamit upang malunasan ang “unexplained infertility”. Ang unexplained infertility ay hindi isang kondisyon mismo. Ito ay ang panahon kung saan ang mga tests ay hindi nagpapakita ng problema na maaari sanang maging sagot kung bakit ikaw at ang iyong asawa ay hindi magka-anak. May mga 25 porsyento sa mag-asawang mayroong problema sa pagkakaroon ng anak ang may unexplained infertility. Kung walang gamutan, ang tsansang magbuntis ay magdedepende kung gaano katagal na kayong may unexplained infertility. Sa kabuuan, kung mas matagal kang mayroon nito, mas maliit ang iyong tsansang magka-anak sa natural na pamamaraan. Posible sa ibang mag-asawa na magka-anak kahit matagal na silang merong unexplained infertility, subalit ang ibang indibiduwal ay mangangailangan ng “assisted-conception” na pamamaraan upang magbuntis.
Ang “Ovulation Induction (OI) at “intra-uterine insemination (IUI) ay ang mga pangunahing lunas na ginagamit. Kapag hindi ito gumana, ang doktor ay magus-suggest ng IVF. Ang ilan sa mga doktor ay naniniwala na ang unexplained infertility ay hindi dapat tinuturing na sakit dahil wala namang natukoy na sakit. Ang klase ng “fertility test” na isinagawa at kung gaano kabuting inalisa ang resulta ay nag-iiba-iba sa bawat doktor at maaaring mangahulugang ang tiyak na sanhi ng problema sa hindi pagkakaroon ng anak ay nakaliktaan. Subalit, ang importansya ng ilang fertility tests ay nananatiling hindi tiyak, dahil ang pagkakaroon ng aktwal na sakit ay hindi naman nababago ang mga gamutan na nandiyan para sa iyo. Makipag-usap sa iyong doktor para sa mga tests na bagay para sa iyo.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ano po mga nakaka-apekto sa tagumpay ng assisted-conception na treatments?
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Kadalasan ginagamit ang assisted conception treatments kasama ang fertility drugs para tumaas ang tsansa mabuntis. Mas mataas ang tsansa mabuntis kapag mas bata.
Maraming mga bagay ang nakakaapekto kung paano magiging matagumpay ang “assisted-conception” na gamutan. Ang nag-iisang napaka-importanteng bagay ay ang edad ng babaeng asawa. Ang ibang mga “factors” ay ang numero ng itlog sa obaryo ng babae, gaano katagal ka nang may problema sa fertilidad, ilang mga gamutan na ang nasubukan mo noon at kung nagkaroon ka ba ng matagumpay na pagbubuntis noon.
Ang “assisted-conception” na pamamaraan ay mga pamamaraan upang tulungan kang magbuntis. Ang paraan na ito ay naglalayon na paglapitin ang “sperm” at ang itlog, o mga itlog, sa isa’t-isa upang mas pataasin ang tsansa ng fertilisasyon. Ang tagumpay ng ganitong gamutan ay naaapektuhan ng maraming mga “factors”. Ang ilan sa mga ito ay ang nasa ibaba.
• Ang iyong “fertility” ay nababawasan habang ikaw ay nagkaka-edad, na nangangahulugang ang tagumpay ng “assisted-conception” na gamutan ay nababawasan rin habang ikaw ay tumatanda. Ang IVF ay pinakamataas ang tsansang magiging matagumpay kung ang babae ay nasa edad na 25 hanggang 35.
• Ang pinakamalaking tsansa na magbuntis ay sa loob ng unang 3 “cycles” ng “assisted-conception treatments”.
• Kung ikaw ay nagkaroon ng matagumpay na pagbubuntis noon, kung iyon man ay buhat sa natural o assisted-conception na pamamaraan, ikaw ay may mas mataas na tsansang magbuntis mula sa assisted-conception.
• Kapag ang iyong asawa ay naninigarilyo, umiinom nang higit sa isang unit ng alkohol kada araw o umiinom ng sobra-sobrang dami ng “caffeine”, bababa ang tsansa mong maging matagumpay ang assisted-conception.
• Kapag ikaw ay sobrang mabigat ang timbang (merong BMI na higit sa 30), bababa rin ang tsansa mong magkaroon ng matagumpay na “treatment”.
Kung ikaw ay may mga katanungan o saloobin tungkol sa “assisted-conception techniques”, makipag-usap sa iyong doktor.
Recommend Report abuse
Chad Bravo
is in the Philippines
doc?ask po ako,, kxe po nung bata pa po ako aksedenting na tamaan ng tennes ball ung itlog ko,at nag karoon po ng maliit na bukol sa loob neto,at ngaun po napansin ko, nka ilang beses na kami nag ssex ng partner ko,pero di po xa na bbuntes,,at pansin ko rin po mjo kaunte lng po ang sperm na lumalbas sa akin,,baog na po ba ako??
Recommend Report abuse
Chad Bravo
is in the Philippines
doc?ask po ako,, kxe po nung bata pa po ako aksedenting na tamaan ng tennes ball ung itlog ko,at nag karoon po ng maliit na bukol sa loob neto,at ngaun po napansin ko, nka ilang beses na kami nag ssex ng partner ko,pero di po xa na bbuntes,,at pansin ko rin po mjo kaunte lng po ang sperm na lumalbas sa akin,,baog na po ba ako??
Recommend Report abuse
Arjel Bilog
is in the Philippines
doc ask ko lang po, sa tuwing magtatalik po kme ng misis ko, eh madalas po pagkatpos eh lumalabas ung sperm cell ko sa ari nya, normal po ba yun? posible padin po ba mabuntis ang misis ko?
Recommend Report abuse
Ren Ren
is in the Philippines
Doc mataba po ako ilang percent po aqu na posible na magka anak?? Lalaki po ako
Recommend Report abuse
Peng Ayson
is in Spain
Doc tanong ko lang po, 1.mhirap po bang mkabuo ng baby qng ang ari po ng lalaki ay tabingi? Tska isa p pong tanong doc, 2.mhihirapn po bang mabutis yung babae kng lagi clang ngtatalik o gnon din po kung lging ngbabati yung guy?din last question po doc 3.nkakabaog po ba yung laging pgtatalik o pgbabati ng isang lalaki? Salamt po doc sana po matulungan nyo po akong sgotn yung mga tnong s isipan q.Tenx po and God Bless...
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc tanong ko lang po, 1.mhirap po bang mkabuo ng baby qng ang ari po ng lalaki ay tabingi? Tska isa p pong tanong doc, 2.mhihirapn po bang mabutis yung babae kng lagi clang ngtatalik o gnon din po kung lging ngbabati yung guy?din last question po doc 3.nkakabaog po ba yung laging pgtatalik o pgbabati ng isang lalaki? Salamt po doc sana po matulungan nyo po akong sgotn yung mga tnong s isipan q.Tenx po and God Bless...
Recommend Report abuse
Kevin Troy Chua
is in the Philippines
Doc Ang EJACULATION PO BA AY NAPAPALAKI AT NAGPAPAHABA NG ARI KO? THANKS DOC ;-)
Recommend Report abuse
Kevin Troy Chua
is in the Philippines
DOC,NAKAKAPAGPALAKI AT NAKAKAPAGPAHABA BA NG ARI KO ANG PAGJAJAKOL KO? THANKS DOC TO ANSWER "OPEN MINDED" ;-)
Recommend Report abuse
Gene  Rodillo
is a fast foof crew in the Philippines
DOC TANONG LANG PO . MATATAWAG NA RIN BANG BAOG ANG LALAKI KAPAG HINDI TUMATALSIK ANG SEMILYA NYA? MAY KAKILALA PO KASI AKONG GANYAN ANG KASO NYA. KINAKABAHAN DAW SYA BAKA HINDI NA SYA MAGKA ANAK .. KAILANGAN KO PO KAGAD ANG SAGOT NYO DOC.. SALAMAT PO ..
Recommend Report abuse
Henz Jimenez
is a non-Filipino member from the Philippines
Doc, tanong lang po...nagkaroon po ako nang tulo last 4yr's ago, nawala siya makaraan ang elang araw, bumalik naman siya after 2yr's, midyo matagal xa nawala doc, almost 2 months,,,tapos doc, bumalik na naman tulo ko last yr...nagka.tulo ako dahil sa baba-e at bakla doc....piro nagamot rin naman doc...wala na siya ngayon....tanong ko lang doc, magkaka-anak pa ba kaya ako nito,...eto kasi doc, may asawa na kasi ako ngayon doc at shaka, gusto na namin magka anak...until now doc, wala pa kaming nabu-o...ano ba dapat kong gawin doc?....salamat doc....
Recommend Report abuse
Aiz Vanezza Monica Sulpico
is in the Philippines
Doc, ask ko lang po . 5mos na po namen sinusubukan ng asawa ko na bumuo pero until now po wala pa dn po . Wala naman po sa both families nmen ang may lahi ng pagkabaog . Regular naman po ang period ko . Salamat po. AIZ po ang name ko ..
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc, ask ko lang po . 5mos na po namen sinusubukan ng asawa ko na bumuo pero until now po wala pa dn po . Wala naman po sa both families nmen ang may lahi ng pagkabaog . Regular naman po ang period ko . Salamat po. AIZ po ang name ko ..
Recommend Report abuse
Lien Dvnagracia
is in the Philippines
doc ask ko lang po ano ibig sabhn kapag after sex tapos sa loob pinutok lumalabas parn ung sperm...
Recommend Report abuse
HTR HTR
is in the Philippines
Doc, totoo ba yun pag matagal labasan ee baog na?


Kasi nasanay na siguro ang aking ari sa pag mamasturbate kaya yun ang nakikita kong dahilan kung baket matagal akong labasan?
Recommend Report abuse
Yusoph Ampatuan
is a vendor in the Philippines
doc tanong ko lang po kapag po ba araw araw ko ginagamit ang asawa ko maaring hindi kame makabuo ng anak 3months na kame mag asawa pero hindi parin ako makabuo .. araw araw naman po kame nag tatalik ??
Recommend Report abuse
May Gablinez
is in United States
pa-check-up kayo. kung hindi ready yung katawan mo or katawan nya, kahit every hour kayo mag-sex di pa rin kayo makakabuo.
Recommend Report abuse
Jefrey Delos Santos
is a sale clerk in the Philippines
Doc ako po si jefrey 24 years old dati po noong high school po ako nag ka mumps po ako and then mga ilan day sumasakit bayag ko kinabukasan nag pa check po ako kasi po namamaga po hindi po ako pumasook noon sa school ng ilan weak medyo namamaga po kasi ung byag ko naresetahAn po ako ng gamot gumaling po ako ung sa bayag ko parang po may maliit na ugat sa loob nakakapa kopo kasi pero maskit po nag pacheck po ulit ako pa ultra sound ko daw po ung maari daw po ako mabaog pero doc noon panahon na yun wala po kaming sapat na pera ngaun po hindi pa po ako nag kakaanak ngaun po may sapat na kong pera papacheck ko po ulit doc ano po ma ipapayo nyo po sakin ung po tlaga problema kopo sana po matulungan nyo po ako
Recommend Report abuse
May Gablinez
is in United States
I'm not a doctor. pa-check-up ka sa doctor para sa tests and for us to see how worse your issue issue.
Recommend Report abuse
Ryan Jay
is in the Philippines
Doc, when i was 5y/o nakuryente ako almost dead na daw sav nila mama but i survived after an hour of reviving, but my concern is would that cause infertility sakin? Magkakaanak pa po ba ako? Im now 26 yo. Please reply... Thanks...
Recommend Report abuse
May Gablinez
is in United States
I'll tell you the same thing as what I've said to Jeffrey. Hindi manghuhula yung doctor. Your conditions should be checked. pa-cehck-up kayo sa doctor for possible tests.
Recommend Report abuse
Sandra Gomez
is in the Philippines
hello doc. 5 yrs.na po kming nagsasama ng asawa ko .pero hanggang ngayon po wala pa rin po kaming anak. posible po kayang dahil ito sa pag inom nya ng alak araw araw ? 6 na beses sa isang linggo ho syang uminom at subra subra pa.salamat po.sana ay masagot ho ninyo ito.
Recommend Report abuse
May Gablinez
is in United States
I'm not a doctor, but yes, I can say na may epekto ang alak. hindi normal yung umiinom ng 6x a week.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
doc ! ask ko lng po. kung ang weight mu po b ay nasa 59 ? magkakaproblema na ho ba un sa di pag bubuntis ?
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hello po doc.,.,may question lang po ako.,may anak na po ako isa, 5years old na po.,gusto ko po sanang sundan kaso parati po akong bigo.,nagkasakit kasi ako nang std tapos matagal kong nalunasan pero ngayon wala na po.,sa tingin nyo doc??baog na po ba ako???at ano ang gagawin ko kung baog na po talaga ako???sana po matulongan nyo po ako.,.,maraming salamat po....
Recommend Report abuse
Jess Lorenzo
is a non-Filipino member from the Philippines
Hi doc . ask ko twice ako ngkaperiod sa nung april . firstweek 5 days normal po april 19-20 ngcontact kme ng husband ko then ngkaperiod ako ng 29 saktong 30 nawala na po i taking pills din po but the day that we do sex i forget . but i did take 1 in early morning also evening . what was that
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Magandang araw po Doc!
Tanong ko lang po sana kung may katotohanan po ba na nakakabaog ang madalas na pagpapagamit (bj) sa mga bakla?
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
hi po concern po ako about sa boyfriend ko doc. nakuryente po kasi sya noon. mahigit 10 taon na nakalipas doc. at dahil dun nasunog ang kanyang mga binti.. ngunit hanggang ngaun doc hnd pa rin gumagaling ung sugat. minsan nagiging ok pero pg nagbubuhat sya at nasosobrahan sa pagod namamaga po ung isang paa nya nagkakaron po sya ng mga sugat . ung mga naghilom nya pong sugat noon bumabalik. naaawa na po ako skanya madalas syang nilalagnat at umaabot ng 2 linggo ung pamamaga. gusto ko lang po malaman kung ano po ba pwd namin gawin para po hnd na sya magkaganon? at tatanong ko po my posibilidad po ba na magkaanak kmi sa kabila po ng nangyari skanya? thankyou po.
1 person likes this
Recommend Report abuse
Geronimo Lastimosa
is in Saudi Arabia
pag nag-sisiping kami ng aking asawa, kadalasan ang ari ko ay bigla na lang lumalambot habang nasa loob ito ng kanyang puwerta...may solusyon ba ito?...parehas na kami sa edad na 43...salamat po.
Recommend Report abuse
Dak Hernandez
is in the Philippines
Doc may tanong po ako. Babago po kaming kasal ng asawa ko. Nung april pa po kaming nagawa ng anak. Pero hanggang ngayun ay wala pa rin. Tapos nung last month nagkameron sya pero kahit puson ay hindi sumakit sa kanya. Habang naihi lang nasama yung pinaka dugo nya at wala sa napkin. Ano po kaya ibig sabihin nun??Paano po kaya namin malalaman kung ano po ang problema sa aming dalawa?? Nakukuha po ba sa lahi ang pagkabaog?? Gustong gusto na po namin magkaanak, kahit sa internet naghanap na po kami ng paraan para lang magkaanak pero hanggang ngayun wala pa din po. Nababahala napo kaso ako at baka ako ang may diprensya. Ano po kaya ang dahilan. Salamat po.
Recommend Report abuse
Hardflow Ocampo
is a non-Filipino member from the Philippines
doc san poba yung click nyo gus2 ko po sana mag pa check up qanun din ang aking asawa 4 years n po kasi kami mag k live in d pa po kami nag kaka baby
Recommend Report abuse
JASMIN FIGUEROA
is in the Philippines
Doc, may tanong po ako. Isa pong seaman ang asawa ko. Sa makina po siya naka-assign. Bale nung hindi pa po kami kasal ay nagtatry na kami. Pero until now po wala pa rin kaming nabubuo. Ano po ba ang maganda naming gawin? Gustong gusto na po namin magkaanak. Salamat po...
Recommend Report abuse
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.