Iniindang sakit na hirap sa paghinga-Difficulty breathing, ECG, Pulmonary function tests, x-ray normal

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Isa po ako OFW. Gusto ko lang po idulog ang matagal ko nang iniindang sakit na hirap sa paghinga...minsan di ako makahinga ng malallim...nagsisimula ito nung nag sit up exercise ako. Marami na akong napuntahan clinic..hospital pero di nila makita ang kung ano sakit...ilang beses na rin ako na xray pero normal..blood test, pulmonary (PULL-mun-ary) function tests, ECG Test, na xray dn ang sinus ko, pero normal...nagbibigay sila ng gamot pero d rin umubra..halos 3 years na ito..i need your advice...



Topic: I'm an OFW and would like to ask about my problem with difficulty in breathing. Sometimes I can't breath deeply. This started when I did sit up exercise. I've been to many clinics and hospitals but they coulnd't find out what the cause or problem or sickness is. I've also had x-ray several times but it was normal, including blood test, pulmonary function tests, ECG test, and sinus. But they were all normal. They prescribed some medicine, but to no avail. It's been 3 years. Can you please advice?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Maraming maaaring sanhi ng hirap sa paghinga (shortness of breath) o dyspnea. Kadalasan may kinalaman ito sa mga daanan ng paghinga (breathing passages), baga (lungs), heart o sa blood vessels.
Sabi mo nagsimula ito nung nag sit-up exercise ka. Maaaring sanhi ng pagkahirap huminga ang trauma dulot ng physical activities/exercise, tulad ng chest injuries. Maaaring makaramdam din ng kahirapan sa paghinga ang mga anemic kapag nasobrahan sa exercise. Nakakapagpalala rin ang anxiety o pagaaalala/pagkabahala.
Pinakamabuti na magpatingin ka sa isang pulmonologist, spesialistang doktor sa paggamot ng pulmonary (lung) conditions at diseases, para matukoy ang pinaka-sanhi ng iyong hirap sa paghinga. Maaari ka rin i-refer sa cardiologist (kung may kinalaman sa puso) o sa neurologist o orthopedic doctor (kung may kinalaman sa neuromuscular disorder)
Maaaring bigyan ka pa ng ibang karagdagang tests tulad ng high resolution CT-Scan (para makita kung may airway obstruction), EMG(para ma-assess ang neuromuscular disorders tulad ng muscular dystrophy) at exercise testing (para ma-check ang level ng physical fitness, o kung may lung or heart diseases).
Hardworker Sanayatin
is a Hosting in Qatar
Dear Dr Ed,

Unang una maraming salamat po sa information, ano po ba doctor ang una kong pupuntahan sa pulmonologist ba?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Oo, mas mabuti sa pulmonologist muna ka magpatingin. Ikwento mo mabuti ang medical history mo. Good luck.
Hardworker Sanayatin
is a Hosting in Qatar
Maraming Maraming salamt po..Doc Ed
Aliyah Evangelista
is in the Philippines
Hi Dr. Ed lagi po akong hirap huminga tapos lagi po masakit likod ko pero pag nahilot or reflex po ako lumuluwag po ang pag hinga ko..at lagi nalang po ako may ubo kahit bihira lang ako uminom ng malamig..sana po po mabasa niyo po ito..
De Leon Paolo
is in the Philippines
doc. meron po akong dextroscoliosis 20 degre ma po siya. tapos ngayon nakirot po siya tapos hirap ako huminga. tapos yung heart ko po bumagal yung tibok nasa 46 daw po siya sabi sa ecg q. ano po ba pwede qng gawin. sana mo masagot niyo.
1 person likes this
doc ed may diabetes po ako for 10 years na po,type 1 po ako insulin dependent po ako,ang tanong ko po doc e abnormal po ang bp at heartbeat rate ko po,minsan umaabot ako ng 160 plus / 95plus po,at hearbeat ko po umaabot sa 140 po minsan.marami na po akong clinic hospital na napuntahan,at maraming test na nagawa sa akin tulad ng cathether,ecg,ct scan,x-ray blood test...pero d nila makita kung saan nanggagaling ang abnormal na bp at heartbeat rate ko...madalas na nahihirapan akong huminga at parang may nakadagan sa gitna ng dibdib ko,pero d nila makita kung anong problema ng katawan ko.malaki malaki na rin po ang nagagastos ko sa pagpapatingin at gamot na natatake ko,pero la po akong makuhang magandang dahilan ng abnormal sa pangangatawan ko.madalas nga po d ko na magawa ang tungkulin ko bilang padre de pamilya dahil madalas d ako nakakapasok sa work dahil nahihirapan ako sa pakiramdam ko.sana matulungan nyo po ako kung ano at saan ako dapat pumunta o gawin para malaman ko kung saan ako magpapatingin...salamat po doc ed...:)
1 person likes this
Krizzhna Mehra
is a Dh in Hong Kong
Doc masakit po ang likod ko sa bandang gitna at hnd ako makahinga ng malalim dahil masakit sya. Mtagal ko na po ito iniinda pero pasumpong sumpong lng at ngyayari sa gabi kpg natutulog ako, ngaun nkramdam ako ng pananakit n ng likod mahigit isang linggo na masakit kpg huminga ako malalim.Ang ubo ko po d rin mawala wala may oras lng n sumusumpong sya at kadalasan sa gabi.Sna po mabasa nyo ito. Salamat.
Mark Fineza
is in the Philippines
Dk, tanong ko lang, meron kasi akong nanaramdaman, sa pag hinga, tulad po ng pag galing sa pagtulog po, nahihirapan ako huminga, meron din pong pagkakataon sa gitna ng akong dibdib may pain akong nararamdaman kadalasan second lang yung pain may kasamang hirap sa pag hinga,, pero minsan yung pain na yun umaabot ng buong araw na talagang iniinda ko di lang sa pag hinga kundi pati rin sa pag kilos kasi pag gumagalaw ako sumasakit sya lalo
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
dok meron po akong itatanong, meron po kasi akong nararamdaman lalo na sa pag hirap huminga, minsan sa pagtulog nahihirapan ako huminga, at may pagkakataon pa po na sa gitna ng aking dibdib ay meron pain, na minsan ay tumatagal lng ng second may kasamang hirap sa pag hinga. pero minsan umaabot ng buong araw yung sakit at hirap sa pag hinga, at hirap din gumlaw kasi pag gumagalaw ako lalo syang sumasakit
Junjie Celes
is a Entrepreneur/Business Consultant in the Philippines
Ano po kaya malamng sakit ng nahhirrapan sa paghing kc hangyan ung kapatid ko.,.Mahina katawan na para ang pagod at yun hirap sa paghinga

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.