KABAG O GASTRITIS: ANO SINTOMAS, SANHI, GAMOT, mabisang Lunas? Remedies, cures, symptoms

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ano ang Kabag?

Ang kabag o gastritis sa ingles ay ang pamamaga (implamasyon), iritasyon o erosion sa lining ng tiyan. Ang implasyong ito ay kadalasang dulot ng impeksiyon mula sa bacteria na nagdudulot ng ulcer sa tiyan. Samantalang pwede ring magdulot ng kabag ang pinsala sa tiyan, pag-inom ng alak, pag-inom ng pain relievers, stress, at talamak na pagsusuka. Kung minsan, maaaring magdulot ng ulcer ang kabag at pinapataas nito ang panganib na magkaroon ng stomach ulcer. Para sa ibang mga tao, hindi naman delikado ang kabag at madali itong agapan. Read more: Pinakamabisang gamot sa kabag na matatagpuan sa bahay:


Ano mga Sintomas ng Kabag? Senyales, Palatandaan, Symptoms


Magkakaiba ang sintomas ng kabag kada tao, at kung minsan, may ibang hindi nakakaranas ng sintomas nito. Pero maaaring maranasan ang mga sumusunod na sinyales at sintomas kapag kinakabag:

· Mahapding pananakit ng upper abdomen na maaaring mawala o lumala kapag kumain

· Nausea o ang paulit ulit na pakiramdam ng pagkasira ng tiyan

· Pagsusuka

· Ang pakiramdam ng pagkabusog sa upper abdomen pagkatapos kumain

· Abdominal bloating

· Indigestion

· Pagsinok

· Kawalan ng ganang kumain

Kapag nararanasan ang mga sintomas ng kabag ng isang linggo o higit pa, kapag nagsusuka ng dugo, tumatae ng dugo o maitim ang kulay ng tae, magpatingin kaagad sa doktor.

Iilan sa mga senyales ang kadalasang pag utot, pananakit ng tiyan, o pagkakaroon ng hangin sa tyan. Nakakahiya ito, lalo na kapag nangamoy ang utot. Normal lang naman ang umutot, at lahat ng tao ay umuutot ng 10-25 beses kada araw. Ngunit hindi na normal kapag lumagpas pa dito o mas madalas pa dito.
Kapag napapa-dighay ng madalas ang pasyente, maaaring madaming nahigop o nalunok na hangin. Kadalasang sanhi ng butod o panlalaki ng tiyan ang pagkain na mamantika o matataba na pagkain. Nagiging sanhi din ang iilang karamdaman sa kabag, tulad ng Crohn's disease. May ilang taong nakakaramdam ng pananakit ng tiyan o kabag dulot ng hangin sa intestine.


Ano ang Sanhi o dahilan ng Kabag? Bakit ako kinakabag?

Nagkakaroon ng kabag ang isang tao kapag humina ang protective lining ng tiyan o kapag nasira ito. May barrier ang tiyan na nababalutan ng mucus at ito ang prumoprotekta sa wall ng tiyan mula sa asido na tumutunaw sa pagkain. Kapag humina ang barrier na ito, nasisira ng asido ang lining ng tiyan at nagdudulot ng implamasyon. Maliban sa pag-inom ng alak, stress, pag-inom ng pain relievers at pagsusuka, maaaring makasira sa protective layer ng tiyan ang mga sumusunod:

· Ang bacteria na tinatawag na Helicobacter pylori na nakatira sa mucuos lining ng tiyan. Kapag hindi naagapan ang impeksiyon mula sa bacteria na ito, pwedeng maging ulcer o magdulot ng stomach cancer.

· Pagkakaroon ng pernicious anemia. Ang karamdamang ito ay ang kawalan ng kakayahan ng tiyan na mag-absorb at mag-digest ng vitamin B12.

· Ang bile reflux o ang backflow ng bile papunta sa tiyan mula sa bile tract.

· Ang pagkakaroon ng impeksiyon mula sa iba pang bacteria at virus.

Kapag hindi naagapan ang kabag, maaaring magdulot ito ng blood loss at pataasin ang panganib na magkaroon ng stomach cancer.

Mayroong iilang natural na dahilan kung bakit madalas umutot o flatulence. Maaaring sanhi ito ng iilang karamdaman na nakakaapekto sa pagtunaw ng pagkain, tulad ng tibi /constipation / hindi makatae, irritable bowel syndrome, coeliac disease, lactose intolerance (ayaw sa gatas) at gastroenteritis. Nalulunok ang hangin habang humihinga at kumakain. Kapag maraming hangin ang nalunok, nagiging sanhi ito ng kadalasang pagutot. Maliban dito, ang pagkain ng maraming carbohydrates ay nagiging dahilan din ng maraming hangin dahil habang tinutunaw ito ng normal bacteria, maraming hangin o gas ang nalalabas as flatulence. Ang mga pagkain na nagdudulot ng flatulence ay beans, broccoli, repolyo / cabbage, prunes, lentils, pasas / raisins at marami pa. Nagiging sanhi din ang mga pagkain o inumin na mayroong sorbitol at fructose at carbonated drinks tulad ng softdrinks.


Ano mabisang Gamot o Lunas sa Kabag o Gastritis? Medication, treatment, remedy, cure, halamang gamot na nakikita sa loob ng bahay

Kapag ang kabag ay dulot ng pag-inom ng pain reliever kagaya ng NSAIDs o kaya pag-inom ng alak, maaagapan ang kabag sa pagtigil ng pag-inom sa mga ito. Ini-iniksyon lamang sa taong may kabag ang vitamin B12 kapag pernicious anemia ang dulot nito. Iniinom din ang mga sumusunod na gamot para agapan ang kabag:

· Antibiotic para sa kabag na dulot ng bacteria kagaya ng Helicobacter pylori. Kadalasang nirereseta ng doktor ang amoxicillin, clarithromycin, metronidazole at tetracycline. Kung minsan, iniinom ang antibiotic ng dalawang linggo, pero depende pa rin ito sa uri at dami ng bacteria.

· Antacid para balansehin ang stomach acid at magbigay ng mabilisang ginhawa sa sakit ng tiyan. Maaaring ma-constipate o magtae kapag umiinom ng antacid.

· Mga gamot na pumipigil o bumabawas sa produksiyon ng stomach acid para mawala ang sakit ng tiyan at tumutulong sa paggaling nito. Halimbawa ng mga gamot na ito ay omeprazole, lansoprazole, ranitidine, cimetidine at iba pa.

Continue reading: Ano pinaka mabisang gamot o lunas sa Kabag na matatagpuan sa loob ng bahay?


Ano pangontra sa Kabag? Paano maiwasan o maalis ang kabag?

Maaaring gamutin ang kabag sa pagiwas sa iilang maling nakasanayan at paginom ng mga over the counter medications ba may laman na simethicone or bismuth, for lactose intolerance, pagbawas sa paginom ng mga pagkain na may lactose o gatas o over-the-counter lactase bago kumain o uminom. Pangontra sa kabag ang pagkain at paginom ng dahan dahan at pag nguya ng dahan dahan. Makakatulong din ang pagkain ng mga pagkain na mayaman sa fiber. Importante pa rin ang kumonsulta sa doctor.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Hello Dr. Ed binigyan po ako ng doctor ng omeprazole nagiging okay ang tiyan ko pero minsan bumabalik walang pain sa tiyan ko pero every morning kumukulo ang tiyan ko at sinisinok ako lagi noon pero nawawala din. Sa ngayon ang problem ko kapag dumumi ako lalo kukulo ang tiyan ko ang mafeel ko ulit ang dumumi. Bakit kaya ganun soft ung stool ko sa una den ung second medyo watery den may soft stool po ulit. Bakit kaya ganun normal lang po ba na ganun ung pagdumi ko. Salamat po
hello po ako po ay nakakaranas ng sharp pain po sa upper left ng tiyan ko po, recently my blood something po sa stool ko first day po ng second week ng january 2016 at sunday, nagpacheck po ak sa ospital at pinapa test po sa kin ang cocult blood test at sa routine feccalysis, di ko po muna pinarior nawala na po kasi yung bleed nya, afterwards naman po nakakaranas ako ng pangingilay naman ng back ko, pwede po humingi ng advice salamat po
Dr. Firas Mohamed Osman
is a Medical expert in Ireland
Hello Mathew,
Only gathered some of your post but read about sharp pain in your upper left quadrant of your stomach and blood in your stool. Although I only read part of what you wrote due to incomplete translation by google translate. I have read enough to be very concerned. Please attend a doctor as soon as possible.This is not something to be waiting on.
Do not hesitate to contact me for further questions you may have. How old are you?

Dr Osman
Jay Prz
is in United States
Gud day po magtatanong lang ako masakit po un upper part ng stomach ko tpos lgi po ako dighay ng dighay bgo un upper part ng stomach masakit po kapag ako ay nkahiga na bigla tatayo parang may namamaga po sa loob anu po kaya un jayjay po ang name ko sana masagot nyo po eto
Ivy Joy Jorda
is in the Philippines
hello po... ask ko lang po may ulcer po kase ang kuya ko... epekto rin po ba ng ulcer ang sobrang pananakit ng likod? at kabag?
Dulce Llluvioso
is in the Philippines
Tanong po aqo doctor Osman.ung tiyan kopo parang puro hangin tapos sumasakit po likod ko at balakang pkiramdam kopo .pag nilalagyan po ng pagkain parang pkiramdam ko busog n busog napo ako. Minsan po nangangasim at kumukukuko at pag nag ipon ng hangin umaabot po hanggang lalamunan at para akong cinasakal ,hirap din po ako SA pagdumi.sana po matulungan nito ako. Nahihirapan po ako..salamat po
Kimyoung Shin Ah
is in Singapore
Hello po dr.ed...bigla nagsusuka baby ko 3yrs old plng cia...sa loob ng 2hrs..3x na cia nagsuka..anu po dapt gwin...
Allan Amancio
is a Casher in the Philippines
Doc can i ask some advice.doc i have been in stomach pain for almost 2 months.i have already go to a hospital in OPD.my symptoms are burning sensation in upper portion of my belly button, excessive stomach bloating with farting almost 20 to 30 times a day and pain in my left shoulder blade, after eating my meals the pain got worst it like there some irritation in my stomach.the doctor prescribed me omeprazole for 2 weeks but nothing happens.still in pain.i came back to the hospital (OPD) and the doctor request utrasound test and the results are all my organs are normal. They also have urinalysis and the result is also normal.they also did blood test but only CBC and it shows that my hemo concentration is a little bit higher than normal.they said its maybe ulcer or acute gastriris.they prescribe me a pantoprazole donperidone for two weeks .it lessens the hurt burns but my stomach bloating are still there and I always fart like 20 to 30 times a day.doc what should i do?
Tess Tershaw
is a Administrator in United Kingdom
Dear Doc, I need your second opinion. I am living here in London and "kabag" to me is not really a problem as I always have an efficascent oil to rub in my tummy.The oil was finished last month and I experienced this flatulence with vomitting and frequent bathroom visits particularly this month. A painful tummy as well. I remember that I wasn't able to get enough 8 hours sleep and due to that, I was trying to take berocca as a multivitamin supplement, didn't realize that it could give me the acidity. Anyway, for this past month, my life was really horrible. Since it was just an ordinary kabag,i thought,what I did was just taking paracetamol, niratadine and gaviscon. However, last sunday, I already asked my husband to bring me to the hospital as I cant take it anymore,the pain is too much, I was so weak, I cant take any food and even the liquids that Im taking, my body doesnt want to accept it anymore. The doctors conducted ecg, blood tests and has given me paracetamol (through IV). The pain was gone a little bit but the pain is still there. They released me and requested me to contact my GP for further examination. I am now in the house resting taking medications and cannot eat properly. I cannot go to work and still worried on what is really happening with my body. Is this just an ordinary Kabag? I have read above that they could have considered giving me an antibiotic but it seems they did not consider it. Can you advice me what to do?
Joeanne Juliano
is in United Arab Emirates
Good day po! Doc ako po ay nasa UAE, ano po Kaya itong nararamdaman ko kapag gutom at busog ako napakasakit ang tiyan ko at napakalaki agad, at parang punong puno ang aking tiyan, kapag diniinan ko ang aking sikmura napakasakit, Doc ano po ba magandang gawin po, salamat at God bless po
Bituin Tomasa Barte
is a Reservations Specialist (Europcar) in the Philippines Medical History
Hi Dr.Ed,

I am 31 years old, Female and have been suffering for frequent abdomenal pain. Mostly on the upper center part. I think it's kinda bloated. It harderns and I can't breathe well. Sometimes I feel loke vomiting and that my saliva is going up to my mouth from my throat. Sometimes my tummy feels like a balloon that iS going to pop. I am feeling so much hunger that my stomach is like rumbling. But when I eat, it hurts and I easily feel full and lost my apetite. It happens everyday. I wanted to know if there will be home remedies or over the counter medicines available. And if drinking ginger tea could help.
Thank you!
Hoping to get a response.
My email address is: [email protected]