NAKAKAUBOS BA NG DUGO ANG KUTO? Ano gamot sa KUTO at LISA paano matanggal? Home remedy sa bahay para mawala

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mga gamot sa bahay para alisin ang kuto sa ulo

 Nakakita na ba kayo ng tao na walang ginawa kundi kumamot ng kumamot ng ulo, sabay tiris? Naku! malamang may kuto yun. O di kaya ay naranasan niyo na bang magkakuto? Aba! Di biro ang magkaroon nito. At hindi nakakatuwa magkaroon nito. Alam niyo ba kung bakit? Imagine mo na lang, yung ramdam na ramdam mo may gumagapang sa ulo mo. Diba sobrang nakakabagabag at hirap kang magconcentrate?

Ang mga kuto sa ulo ay maliliit na linta na namumugad sa anit at mga hibla ng buhok kung saan sumisipsip sila ng dugo. Karaniwan itong problema sa mga bata.

Maaari kang magkakuto sa pamamagitan ng pagdikit sa isang taong may kuto habang naglalaro, nasa eskwelahan, naglalaro ng isports, nakikitulog sa ibang bahay at iba pang mga pagtitipon. Maaari ka ring mahawa sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit ng taong may kuto, panghihiram o pagpapahiram ng mga personal na gamit tulad ng brush at suklay na may kuto, at paghiga sa kamang hinigaan ng taong may kuto. Ang dalawa sa pinakakaraniwang sintomas ng pagkakaroon ng kuto ay ang pangangati ng ulo at pagkakaroon ng mga pulang pantas sa anit.

Dahil mabilis silang dumami, napakahirap tanggalin ng mga kuto sa loob ng ilang araw lamang. Maaari mong suyurin ang mga ito upang maalis, ngunit masyadong matagal ang prosesong ito. Maraming gamot sa bahay na mas epektibo sa pag-alis ng problemang ito.

 

Narito ang sampung pinakaepektibong gamot sa bahay para alisin ang kuto sa ulo:
1. Bawang
Mababahuan ang kuto sa malakas na amoy ng bawang, at sa kalaunan ay ikamamatay nila ito.
Magdikdik ng 8 hanggang 10 bawang, gawing paste at lagyan ng dalawa hanggang tatlong kutsarita ng katas ng lime. Ilagay nang mabuti ang mixture sa anit. Hayaan muna nang kalahating oras at pagkatapos ay banlawan nang maayos gamit ang maligamgam na tubig.
O kaya, maaari kang gumawa ng malapot na paste sa pamamagitan ng pagkukumbina ng sariwang katas ng bawang at kaunting mantika, katas ng kalamansi, green tea at kaunting shampoo at conditioner. Pahiran nang maayos ang buhok ng paste at balutin ng tuwalya o shower cap ang iyong anit sa loob ng kalahating oras. Pagkatapos ay banlawan ang iyong buhok gamit ang iyong regular na shampoo. Ulitin ang remedyong ito linggo-linggo sa loob ng isa hanggang dalawang buwan.

2. Baby Oil
Para sa isa pang madaling natural na gamot sa kuto, kakailanganin mo ng baby oil, sabong panlaba, at kaunting sukang puti. Pinaniniwalaang nakakatulong din ang baby oil upang malagot ang hininga ng kuto.
Maglagay ng kaunting baby oil sa iyong buhok at suklayan ito nang marahan upang dahan-dahang malaglag mula sa iyong ulo ang mga kuto.
Pagkatapos ay banlawan ang iyong ulo gamit ang sabong panlaba at mainit na tubig.
Bago matulog, maglagay ng kaunting sukang puti sa iyong buhok at takpan ang iyong ulo gamit ang shower cap o tuwalya. Hayaan ito hanggang mag-umaga.
Sa umaga, banlawan ang iyong buhok gamit ang iyong regular na shampoo at maglagay ng conditioner.
Ulitin ang prosesong ito nang hindi bababa sa tatlo hanggang apat na araw upang magkaroon ng mga positibong resulta.

3. Olive Oil
Mahihirapang huminga ang kuto sa olive oil at ikamamatay nila ito.
Maramihang maglagay ng anumang uri ng olive oil sa iyong buhok bago matulog. Magsuot ng shower cap o balutin ng tuwalya ang iyong ulo upang panatilihin ang oil sa iyong buhok hanggang umaga. Sa umaga, suyurin ang maliliit na parasite at banlawan ang iyong buhok gamit ang herbal na shampoo na may tea tree oil.
Ang isa pang pwedeng gawin ay maghalo ng isang tasang olive oil at kalahating tasang conditioner at kaunting liquid na sabon. Ilagay ang pinaghalong ito sa iyong buhok at hayaan lang sa loob ng isang oras. Pagkatapos ay banlawan ang iyong buhok at maglagay ng conditioner. Suklayin nang mabuti ang iyong buhok upang tanggalin ang patay na kuto. Ulitin ang remedyong ito matapos ang isang linggo upang magkaroon ng pinakamagandang mga resulta.

4. Asin
Maaari ring gumamit ng asin upang patayin ang kuto sa pamamagitan ng desiccation o pagpapatuyo ng mga kuto.
Maghalo ng sangkapat na tasang asin at sangkapat na tasang suka. Haluin nang mabuti.
Dahan-dahang i-spray ang pinaghalong asin at suka sa buhok hanggang sa mabasa ito nang kaunti. Magsuot ng shower cap at hayaan sa loob ng dalawang oras.
Banlawan at lagyan ng conditioner ang buhok.
Ulitin tuwing tatlong araw upang magkaroon ng mga positibong resulta.

5. Petroleum Jelly
Maaaring mapigilan ng petroleum jelly ang kuto sa paggalaw.
Maglagay ng makapal na petroleum jelly sa anit bago matulog.
Balutin nang maigi ang iyong ulo gamit ang shower cap o tuwalya. Hayaan hanggang umaga.
Sa umaga, gumamit ng baby oil upang tanggalina ng petroleum jelly.
Suklayin nang mabuti ang iyong buhok upang tanggalin ang kuto.
Ulitin ito sa loob nang ilang gabing sunud-sunod.

6. Tree Tea Oil
Ang tea tree essential oil ay natural na pamatay ng insekto, na siyang dahilan kung bakit epektibo itong pamatay ng kuto.
Maghalo ng isang kutsaritang tea tree oil, isang ounce ng natural na shampoo at tatlong kutsara ng langis ng niyog o olive oil.
Dahan-dahang ilagay ang solution sa iyong buhok at balutin ang iyong ulo gamit ang shower cap o tuwalya. Hayaang nakabalot ang ulo sa loob ng kalahating oras at pagkatapos ay banlawan nang maigi gamit ang mainit na tubig.
Bilang panghuli, suyurin ang buhok habang basa upang alisin ang patay na kuto.
Paalala: Huwag maglagay ng tea tree oil mismo sa anit.

7. Langis ng Niyog
Ang madulas na katangian ng langis ng niyog ay makakapigil sa kuto na malayang kumilos, at makakapigil sa pagdami nito.
Una, banlawan ang iyong buhok nang mabuti gamit ang apple cider vinegar at hayaan itong matuyo.
Pagkatapos ay punuin nang maigi ng langis ng niyog ang buhok at anit. Balutin ang iyong ulo gamit ang shower cap o tuwalya at hayaan ito sa loob ng anim hanggang walong oras o hanggang kinabukasan.
Sa umaga, suklayin ang iyong buhok at magshampoo tulad ng karaniwan mong ginagawa.
Ulitin araw-araw sa loob ng isang linggo upang ubusin ang kuto. Upang mas maging epektibo ang paggagamot, maglagay ng ilang patak ng anise essential oil sa langis ng niyog bago ilagay sa buhok.

8. Sukang Puti
Ang isa pang ligtas at murang paraan ng pag-alis ng kuto sa ulo ay gamit ang sukang puti. Mayroong acetic acid ang sukang puti, na makakapatay sa kuto.
Haluan ng tubig na kasingdami ng sukang puti.
Lagyan nang marami ang buhok at anit at balutin ng tuwalya sa loob ng isa hanggang dalawang oras.
Susunod, magsawsaw ng suklay sa sukang puti at suklayin ang iyong buhok, habang nagpopokus sa maliit na bahagi sa bawat pagkakataon.
Maaari mo ring banlawan ang iyong buhok gamit ang sukang puti bago at pagkatapos mag-shampoo.

9. Sesame Seed Oil
Mataas sa mga katangiang antibacterial, antifungal at natural na pamatay ng insekto, ang sesame seed oil ay maaari ring gamitin upang solusyonan ang problema sa kuto.
Maghalo ng sangkapat na tasa ng sesame seed oil, one-eighth na tasa ng neem oil, isang kutsaritang tea tree oil, kalahating kutsaritang eucalyptus at rosemary essential oil, at nasa 10 patak ng lavender essential oil.
Banlawan ang iyong buhok gamit ang apple cider vinegar at hayaan itong matuyo.
Ilagau ang pinaghalu-halong oil sa buhok at anit, balutin ng shower cap o tuwalya at hayaan hanggang kinabukasan.
Sa umaga, suklayin nang mabuti ang iyong buhok upang tanggalin ang patay na kuto. Pagkatapos ay magshampoo tulad nang karaniwan mong ginagawa.
Ulitin ang paggagamot na ito araw-araw sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

10. Mayonnaise
Maraming mantika ang mayonnaise, at may lapot na makakapigil sa paghinga ng mga buhay na kuto.
Maglagay ng maraming full-fat na mayonnaise sa iyong anit.
Balutin ang iyong buhok gamit ang shower cap o tuwalya at hayaan ito sa loob ng walong oras o hanggang kinabukasan.
Magshampoo at suklayin ang buhok upang maalis ang mga natitirang kuto.
Ulitin ito araw-araw sa loob ng isang linggo.
Kailangan mong magkaroon ng maraming pasensya at sipag upang gamitin ang mga remedyong ito at lubusang maalis ang iyong problema sa kuto.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.