BAKIT MAY LAGNAT ANG BATA SA TUWING GABI TEMPERATURA 39 0 40? ANO MABISANG GAMOT LUNAS SA SINAT

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Sa panahon ng unang ilang buwan ng buhay ng iyong sanggol, magbigay ng partikular na atensyon kung sa palagay mo ay nilalagnat siya. Hindi pa gaanong malakas ang kanyang resistensya upang labanan ang mga impeksyon kumpara sa kapag nasa 3 o 4 na buwan na siya.

Lagnat bata sanggol baby sinat mabisang gamot lunas temperatura
KAILAN MASASABING LAGNAT ITO?
Ayon sa karamihang doktor, may lagnat ang isang sanggol kung ang temperatura niya ay 38 degrees Celsius (100.4 Fahrenheit) o higit pa. Pinakamainam na kunin ang kanyang temperatura sa pamamagitan ng kanyang tumbong. Kunan siya ng temperatura makailang beses kapag maayos ang kanyang pakiramdam upang malaman mo kung ano ang kanyang karaniwang temperatura.

KAILAN DAPAT PUMUNTA SA DOKTOR?
Kung mas mababa sa 3 buwang gulang ang iyong anak at siya ay nilalagnat, dalhin siya sa doktor. Para sa unang 6 na buwan ng kanyang buhay, tawagan ang iyong doktor anumang oras na mayroon siyang lagnat.

Sa susunod na checkup ng iyong anak, maaari mong tanungin ang doktor kung mayroon bang “patakaran sa lagnat”. Mabibigyan ka noon ng mas maraming kaalaman kung kailan mo kailangang tumawag. Kung nag-aalala ka, manigurado ka na: Tawagan mo na ang doktor.

Bahagi lamang ng buong kwento ang lagnat. Minsan, maaaring may sakit ang isang sanggol kahit na wala siyang lagnat. Mas mahalagang tanong ang: Nagpapakita ba ng ibang sintomas ng sakit ang iyong sanggol? Tawagan ang doktor kung ang iyong sanggol ay:

· Iritable

· Hindi aktibo

· May kabagalang kumilos

· Hindi kumakain

· Nahihirapang huminga

· Mayroong butlig-butlig sa katawan

· Nagsusuka

· Nagtatae

BAKIT MAY LAGNAT ANG BATA O SANGGOL? ANO DAHILAN NG LAGNAT?
Maraming maaaring maging dahilan kung bakit nilalagnat ang iyong sanggol, ngunit ang pinakakaraniwan ay impeksyon. Ang mga simpleng bagay tulad ng sipon ay maaaring magdulot ng lagnat, ngunit gayundin ang mga malulubhang impeksyon tulad ng meningitis. Kung ang iyong anak ay mas bata sa 3 buwang gulang at may lagnat, pumunta ka na sa doktor o pediatrician. Matutukoy ng doctor ang sanhi ng paglagnat at mabibigyan kayo ng doktor ng reseta o mabisang lunas o gamot sa sinat o lagnat ng bata.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello po gud morning,ang aking anak ay 1month n 17days old po sya...Immunize po sa penta nya kahapon then matanung ko lang po yung temp.Nya minsan mataas umabot sa 38°C.Minsan nman ay pababa pinaintake ko lang po sya nang paracetamol tempra to lessen aches also ..My question is ok lang po bang once ko lang sya pinaintake nang meds.O kailangan po ba talaga sundin ang dosage na 3x a day ?may maliit na ubo po din sya at halong sipon..Pinahot compress ko lang din po ang paa nya para hindi nya masyado mafeel ang kirot..I hope mabibigyan nyo po ako nang mgandang advice..Am just worried po kasi ...Kahapon tinanong po ako na may karamdaman po ba ang anak ko iyun sinagot ko na may kaunting ubo at halong sipon po sya,kaso tinuloy nila ang immunize hindi po ba iyun mkakasama sa kanya???maraming salamat po
Diana Delfin
is in the Philippines
Hi po my baby is 4months old palng po at every gabi po nilalagnat siya pangalawang araw po ngayon hindi pa po siya ng dudume pangatlong araw na po ano po kaya ang sanhi ng pag lalagnat ng aking anak at ano po ang dapat kong gawin