Maaari bang magka-baby kapag may type 1 diabetes? Paano ko masisiguro ang pagkakaroon ng healthy pregnancy?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Importante ang particular na pag-iingat sa pagkontrol sa blood glucose level bago at sa kabuuang pagbubuntis. Kapag hindi ma-manage ng mabuti ang diabetes, maaaring mauwi sa seryosong komplikasyon kalagayan mo at ng iyong baby.

Explanation:

Para masiguro ang pagkakaron ng healthy pregnancy, kailangan mong magkaroon ng mabisang blood glucose control bago ka magbuntis at ma-maintain ito habang nagbubuntis. Ang hindi maingat na pag-manage sa diabetes habang nagbubuntis ay maglalagay sa iyo sa mga seryosong komplikasyon, tulad ng:

· High blood pressure (pre-eclampsia) – pwedeng makaapekto ito sa iyo at sa iyong baby at mauwi sa mga seryosong problema sa kalusugan

· Pabalik-balik na skin, vaginal at urinary tract infections

· Miscarriage or stillbirth

Meron ding panganib sa iyong baby. Maaaring hindi siya madevelop ng maayos at pwedeng magkaroon ng jaundice (pandidilaw ng balat) at problema sa paghinga. Maaring mas malaki ang iyong baby kaysa sa normal sa panganganak kapag hindi mo maiging nakontrol ang iyong diabtes. Kaya malaki ang posibilidad na kailangan mong manganak sa pamamagitann ng caesarian.

Kapag ikaw ay may diabetes at may planong magka-anak, importante ang pakikipag-usap sa doctor o diabetes specialist nurse. Kailangan mo itong planuhing mabuti para masiguro ang healthy at matagumpay na pregnancy. Ikaw ay magkakaroon ng regular monitor, bago at habang nagbubuntis, ng mga doctor at nurse na experienced sa pagma-manage ng diabetes sa pagbubuntis.

Maaring bigyan ka ng advice at impormasyon ng iyong doktor o diabetes specialist nurse kung paano masiguro ang pagkakaroon mo ng healthy pregnancy. Ito ay ang mga sumusunod:

· Kung kinakailangan, magbawas ng timbang bago magbutis dahil ang sobrang timbang ay nagpapataas sa pagkakaroon ng mga komplikasyon.

· Magkarron ng general health checks upang masigurong walang natatagong problema sa iyong kidneys o puso, na maaaring magpataas sa iyo sa mga komplikasyon.

· Maaaring kailanganin mong baguhin ang regular na insulin o iba pang medikasyon (tulad ng statins o ACE inhibitors). Ito ay dahil ang ilang medikasyon ay nakakasama sa developing baby.

· Importane ang patuloy na pagkain ng masustansiya, balanseng diet pero pwedeng kailangan mong gumawa ng changes para masiguradong nakukuha mo ang lahat ng bitamina at mineral na kailangan.

· Gumawa ng daily record ng iyong glucose levels at i-monitor ito apat hanggang pitong beses sa isang araw para magkarron ng mabisang control dito.


Habang ikaw ay nagbubuntis, kinakailangan mong mong magkaroon ng extra tests at regular na monitoring, dahil ang iyong insulin needs ay magbabago habang ikaw ay nagbubuntis. Pwedeng mangangailangan ka ng mas maraming insulin sa unang bahagi ng pagbubuntis.at kunti naman mula sa eight to 16 weeks (lalo na kung walang ganang kumain o morning sickness). Tataas ang insulin needs habang nagpro-progress ang pagbubuntis.


Ano ang Diabetes Mellitus at paano ito nakukuha?

Palaging nauuhaw, diabetes ba?

Ano ang Diabetic Retinopathy? Sanhi at sintomas

Ano sintomas, senyales, palatandaan ng Diabetes?

Ano lunas at gamot sa Diabetes?


Ano ang ibat-ibang klase ng insulin?

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.