Mabaho ang hininga : Paano matanggal ang bad breath at ano gamot?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Bakit mabaho ang hininga ko at ano ang dapat gagawin para mawala ang bad breath?


Ano ang bad breath? Ang bad breath o ang tinatawag na halitosis, ay ang pagkakaroon ng masamang amoy ng hininga o bunganga. Paminsan-minsan, panandalian lamang ang bad breath ngunit maaari din itong magtuloy tuloy sa matagal na panahon. Nakakahiyang kondisyon ito para sa mga apektado at maaari ding magdulot ng pagkabalisa para sa iba. Kapag hindi magandang ang dental health habits ng isang tao, nagreresulta ito sa bad breath. May mga pagkain din na nagdudulot ng di magandang amoy ng hininga at may mga karamdamang nagdudulot din nito. Maraming mga nabibiling mouthwash, gums at mints para lutasan ang amoy ng hininga, ngunit ito ay panandalian lamang at hindi nito tinatanggal ang tunay na dahilan ng bad breath.









Mga Sintomas ng Bad Breath

Ang mga sintomas ng bad breath ay magkakaiba at depende sa dahilan ng pagkakaroon nito, tulad ng dental hygiene,o gum diseases. May mga taong di nakakahalata na masama na pala ang amoy ng kanilang hininga, at may iba naman na sobrang nag-aalala sa amoy nito kahit wala naman silang bad breath. Kadalasang ibang tao ang unang nakakahalata ng bad breath kung saan sinasabi nila ito sa taong apektado o dumidistansya na lamang. Siyempre, ang pinaka-nahahalatang sintomas ng bad breath ay ang pagkakaroon ng hindi magandang amoy mula sa bibig o hininga. Narito ang ibang mga karagdagang sintomas ng bad breath:


· Hindi magandang panlasa o pagbabago sa panlasa

· Nanunuyong bibig

· Pagkakaroon ng coating sa dila


Mga Sanhi at dahilan ng Bad Breath

Marami ang mga posibleng dahilan na nagdudulot ng masamang amoy ng hininga. Ang ilan sa mga dahilan ay ang mga sumusunod:

· Pagkain. Ang mga pagkain ang pangunahing dahilan ng masamang amoy mula sa bibig. Ang mga pagkain kagaya ng bawang, sibuyas, maanghang na pagkain, mga exotic spices kagaya ng curry, mga ibang klase ng keso at gulay ay maaaring mag-iwan ng amoy sa bibig at magdulot ng bad breath. Kadalasan dito ay pang mabilisang pangangamoy lamang. Ang nanguyang pagkain ay maaaring sumingit sa mga ngipin na nagpaparami ng bacteria sa bibig. Ang pagdami ng bacteriang ito ang nagdudulot ng bad breath.


· Paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng masamang amoy ng bibig at hininga. Maaari din ito magdulot ng gum disease na isa sa mga dahilan ng bad breath.

· Mababang dental hygiene. Kapag hindi nagsisipilyo at floss araw-araw, ang mga naiiwang pagkain sa bibig ay mabubulok at magdudulot ng masamang amoy. Ang mababang dental hygiene ay nagdudulot din ng amoy mula sa plaque. Ang plaque naman ay nagdudulot ng gum disease na dahilan din ng bad breath. Maaari din pagmulan ng bad breath ang hindi nalilinis na dila, pustiso at braces na maaring tirahan ng bacteria. Sa madaling salita, ang hindi malinis na bibig ay nagdudulot ng bad breath.

· Nanunuyong bibig. Ang kondisyong ito na tinatawag na xerostomia ay nagdudulot ng pagbaba ng produksyon ng laway na maaaring magdulot ng bad breath, dahil tumutulong ang laway na linisin ang bibig mula sa mga naiiwang pagkain. Ang “morning breath” ay dulot din ng pagbaba ng produksyon ng laway sa pagtulog.


· Impeksiyon sa bibig. Ang bad breath mula sa impeksiyon ay maaring dulot ng oral surgery kagaya ng pagbunot sa ngipin o mula sa tooth decay, gum disease, tulad ng gingivitis o pagdugo ng gilagid, at iba pa.


· Mga gamot. May mga gamot tulad ng antihistamine at diuretics na nagdudulot ng bad breath mula sa panunuyo ng bibig na dinudulot ng mga ito.


· Mga ibang karamdaman. Ang mga karamdaman kagaya ng cancer at metabolic disorder ay nagdudulot ng katangi-tanging amoy ng hininga mula sa mga chemical na kanilang nilalabas. Ang pag-reflux ng stomach acid na dulot ng gastroesophageal reflux disease ay nauugnay din sa bad breath. Ang mga bagay na naiwan sa ilong kagaya ng maliit na laruan, ay nagdudulot naman ng bad breath sa mga bata.

 

 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Bulanadi Jojo
is in the Philippines
ano po ba gamot sa taong pag natutulog tumutulo ang laway, salamat po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
ano po gamot sa nangangati balat, pag kinamot butlig maliliit, wala naman po ako alam my allergi ako kahit na ano, ngaun lang uto nagyari sakin, nagtatake ako celestamine, pinpahiran ko din katsalis minsan nawawala, tuwing gabi lang po kumakati binti at hita at braso lang naman
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
ano po gamot sa hindi nawawala sipon, dahak ng dahak, taon na hindi pa din nawawala, pakiramdam ko hnd sa lungs nag gagaling sipon thnks
S C
is in Taiwan
Anu2x pa po ang herbal na gamot para sa mabahong hininga?.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano po ang pwedeng inuming gamot para sa bad breath? At pano po malalaman kung ito ay nagmula sa bibig o may karamdaman ng iba?
Clinton Pateña
is in the Philippines
May badbreath po ba na nagmumula sa lalamunan ganyan po ata ang nangyayati sa akin kasi po kpag ka dudukutin ko lalamunan ko may maaamoy akong mabaho kaya bumabaho hininga ko ano po ang hagawin ko may solusyon po ba to