Oo, may ilang pagsasaliksik na nagpapatunay na ang breastfeeding sa unang buwan ng sanggol ay nakakatulong upang bumaba ang tsansa na magka-asthma ang bata.
Ang pagpapasuso sa bata ay maraming pangmatagalan na benepisyo. Halimbawa, nakakatulong itong maiwasan ang maraming sakit tulad ng infection sa tenga, problema sa tiyan, mga sakit sa balat at asthma.
Isang bagong saliksik ang nakadiskubre na ang breastfeeding sa unang mga buwan ng kapanganakan ay nakakabawas sa tsansa ng sanggol na magka-asthma. Subalit, marami pang pananaliksik ang kinakailangan upang makompirma ito dahil hindi pa rin malinaw kung ito ba ay may kinalaman sa pag-develop ng asthma sa mga susunod na taon o kung may epekto ba ito sa allergic asthma.
May panukala ang mga eksperto na magpa-suso o breastfeed sa sanggol sa unang anim na buwan mula sa kanilang kapanganakan na purong gatas lamang ng ina ang ibibigay at walang tubig, inumin, o pagkain na ibibigay sa bata. Matapos ang unang anim na buwan na ito, maaari na silang bigyan ng solid foods at inumin habang nagbe-breastfeed pa rin.
Kung merong katanungan sa breastfeeding at asthma, kausapin ang iyong doctor.