Maldita o Suplada: Paano maiwasan lumaki ulo at baguhin masamang ugali ng bata?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Masasamang ugali ng mga bata - Paano ba babaguhin at maiiwasan katigasan ng ulo?

Sa panahon ngayon na pabago-bago, pati ugali ng mga bata eh nagbabago na din. Talaga namang ibang-iba na ang mga bata sa ngayon at mas pahirap ng pahirap ang pagdidisiplina sa kanila.

Baka nasanay kana na makipagsigawan sa anak mo sa tuwing ayaw niyang sumunod. Yung iba, hindi nalang nila pinapansin ang sumpong ng mga anak nila. Sabi pa nga nila, myentras pinapansin mo, mas lalo silang mangu-ngulit. Nakakatulong ba talaga kung ganon ang gagawin ng mga magulang? Sa totoo lang, walang nangyayari sa ganitong sistema. Malamang na babalik at babalik lang sila sa masasamang ugali at nakasanayan nila. Ang reyalidad? Nakasalalay ng malaki sa mga magulang kung anong klase ng tao sila kapag malaki na. Kung hamon sayo kung pano sila didisiplinahin, makakatulong sayo ang mga sumusunod. Pero alamin muna natin ang ilan sa mga masamang ugali at paano ba ito maalis at maiiwasan.


- Pagiging mapilit, matigas ulo at pagdadabog kapag hindi napag-bigyan. Yung ilang bata, kapag hindi napag-bibigyan, nagwawala sila at nagsisira ng mga gamit. Baka nga naranasan mo ng mapahiya sa harap ng madaming tao. Paano mo ba sila mahi-hindian? Maging matatag. Ipakita mo na ang Oo mo ay Oo at ang Hindi ay Hindi. Makakatulong din kung sasabihin mo sakanila palagi kung ano ang magiging resulta kung mag mamatigas sila. Bilangan siya ng hanggang tatlo at sabihing didisiplinahin mo siya kunh di siya susunod. Bigyan siya lagi ng pagkakataon na sumunod sayo at sabihan ng "very good anak" o "napakamasunurin talaga ng anak ko" sa tuwing susunod sila. -Pagiging lapastangan at pakikipag-away sa ibang bata. Nung minsang hindi mo nabigyan ng ice cream, sinabihan ka niya ng: Nakakainis ka Mommy! Tandaan na dahil bata pa siya, palagi lang siyang nakapokus sa sarili niya. Wag mong gaanong seryosohin ang nasabi niya. Hindi naman nila talaga gustong sabihin yon sayo. Mas maging maunawain. Sa gantong sitwasyon, maging mahinahon ka at kapag hindi ka na galit, kausapin mo siya at sabihing hindi iyon magandang asal. Maging halimbawa sa pag galang lalo na kapag nakikipag-usap ka sa ibang tao o kahit sa mga kasama mo sa bahay. Syempre pa, dahil ikaw ang madalas niyang makasama, gagayahin niya kung ano man ang nakikita niya sayo. Wag na wag magsawang turuan ang mga anak mo ng mabuting-asal kahit paulit-ulit pa.


-Pagiging bugnutin.- Walang masamang magalit. Ang masama, yung magbabasag na siya o magsisira ng mga gamit. Kung makikita niya na may parusa ang kahit anong maling gagawin niya, maaaring iwasan niya na gawin yon. Sinasabi nang iba na hindi tama ang mamalo. Iba-iba tayo ng pananaw, pero kung pagbabasehan ang bibliya, hindi nito ipinagbabawal ang pamamalo na nasa tamang antas lang. Hindi makakatulong kung magiinit ka sa galit at papaluin siya ng papaluin. Malamang na lumaki siya ng naghihinanakit. Maganda din kung sasabihin mo sa kanya kung bakit mo siya dinidisiplina sa malumanay na paraan. Kung ganyan ang gagawin mo, mas mararamdaman niya na mahal mo siya at malamang na magsikap siyang sumunod sayo.


-Pang-aasar. Baka tinanong mo ang anak mo kung nakapag-ligpit na siya ng gamit. Inaasahan mong susunod siya, pero sinabihan ka pa niya ng “ Aba Nay! Trabaho mo yan!”. Malamang na maiinis ka talaga. Sa halip na magtanong, derektang sabihin sakanya na inuutusan mo siya. Baka nakuha niya yan sa kaibigan o sa mga napapanood niya. Kaya bantayan din ang mga pinapanood niya sa TV o ang impluwensiya ng mga kaibigan niya.


Hamon talaga ang magpalaki ng anak. Pero maging positibo. Malamang na pasasalamatan ka nila at ipag-mamalaki kung matuturuan mo sila na lumaking resposable. Sana nakatulong ang artikulo na to sayo.



About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.