Masama ba NAALIMPUNGATAN? Bangag bagong gising, nagmumuni-muni pa, Lutang pa

Medical Team
is a Medical expert in United States

MAALIMPUNGATAN - Paano ba maiiwasan ang alimpungat? English Translation meaning Sleep Drunkenness

Nararanasan mo din ba yung maalimpungatan, kung saan hindi mo alam kung nasaan ka o kung sino yung mga tao sa paligid mo pagkagising mo? Ang mga taong apektado nito eh kumikilos ng kakaiba, nagsasalita ng mabagal, o kung ano ano ang sinasabi at parang lutang pa. Kapag bigla kang nagising, halimbawa, sinipa ka o sinigawan, baka bigla kang tumayo at tumakbo palabas. Yung iba nga, kung ano yung una nilang mahawakan eh basta basta nalang nilang inihahagis. Halos lahat naman nararanasan yan pero iba na kung magtatagal yan ng mga tatlumpong minuto o higit pa. Kapag wala na ang epekto ng alimpungat, hindi na niya naaalala ang mga nangyari.

Nangyayari yan kapag natulog ka sa kalagitnaan ng umaga o tanghali. Pero kadalasan na sa hating-gabi kapag masarap na masarap ang tulog mo. Bakit ba yan nanyayari? Kung minsan dahil yan sa genes. Baka may kamag-anak ka na nakakaranas din ng ganyan kaya pwedeng namana mo din. Pwede rin naman na dahil yan sa stress, depression, pabago-bagong oras at haba ng tulog, sobrang pagod sa maghapon o sobrang pag-aalala. Kung minsan naman, dahil yan sa pag-inom ng alak, labis na pagpupuyat, pag-abuso sa droga, o baka naman dahil sa bigla kang ginsing habang nasa kalagitnaan ka ng mahimbing na tulog. Mas madami ang kabataan na nakakaranas niyan at yung mga edad 35 pataas. Babae ka man o lalaki, pwede kang magkaroon ng ganyang kondisyon.


Lagi ba yang nangyayari sayo? O naitanong mo na ba minsan o baka may nakapagkwento sayo na nagiging agresibo at mapanakit ka kapag umaatake yan sayo? Ang totoo, higit pa yan sa basta alimpungat lang. Baka sintomas na yan ng mas malalang sitwasyon sa hinaharap. At syempre baka nahihiya ka sa iba na naapektuhan ng kondisyon mo. Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na yan, baka may confusional arousal(sleep drunkenness) kana at kailangan mo na kumunsulta sa isang spesyalista. Papayuhan ka ng doktor na magkaroon ng dalawang linggong kompletong tulog at sa pamamagitan ng Sleepiness Scale, malalaman ng doktor ang talagang problema. Kailangan mo din na ipa-video o iparecord sa isang mapagkakatiwalaang kapamilya o kaibigan ang nangyayari sayo kapag inaatake ka ng confusional arousal.



Syempre ang talagang solusyon eh kung sisikapin mo na magkaron ng kompletong tulog, sapat na dami ng tubig at pahinga. Maganda din at makakatulong kung tahimik at maginhawa ang tulugan mo. Iwasan na maglagay ng alarm clock o mga gamit na pwede mong ihagis sa tabi mo kapag natutulog. Alisin din ang labis na pagkakape o pag-inom ng alak.Mag set ka din ng tamang oras ng pagtulog at pag-gising. Iwasan mo yung pagtetext o pagbbrowse sa cellphone mo kapag nakahiga ka na. Hindi din makakatulong ang laging pag-inom ng sleeping pills. May side effect yan sa hinaharap. Sikaping matulog ng walong oras at kung magpupuyat ka man, bawiin mo agad ito. Kung sa loob ng sunod sunod na 1 linggo eh magpupuyat ka, mas lalala ang kondisyon mo. Alamin mo din kung kailan ka ba madalas na ma-alimpungatan. Iwasan na matulog ng labis labis sa tanghali at kulang na kulang naman sa gabi. Madami ang naka-recover sa sakit na yan kaya kaya mo din at wag kang masyadong mabahala.



About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.