Ang non-wheezy asthma ay ang pagkakaroon ng asthma na walang tunog habang humihinga, sa halip ay ang pagkakaroon lamang ng dry cough. Umaapekto ang ganitong asthma sa mga bata at matatanda.
Isa sa pinaka-kilalang sintomas ng asthma ay ang “wheezing”, sumingasing o may tunog habang humihinga. Subalit posibleng magkaroon ng asthma na walang wheezing – at sa halip ang sintomas lamang ay dry cough. Ang ganitong klase ng asthma ay tinatawag na “atypical asthma”, “hidden asthma”, “cough-variant asthma” at “cough-type” asthma. Ito ay karaniwan sa mga pamilyang may lahi ng allergy, at bagamat apektado nito ang kahit anong edad, ito ang pinaka karaniwan na sanhi ng matagalang ubo ng mga kabataan.
Ang ubong dala nito ay tuyo at pabalik-balik, at makakaranas ang anak mo nito sa araw ngunit mas madalas itong umaatake sa gabi. Mapapansin mo ring gumagrabe ito kapag ang iyong anak ay mayroong sipon, kapag siya ay nag-eexercise o nakakalanghap ng maginaw na hangin. Kung mayroong sintomas ang iyong anak gaya ng nabanggit, importanteng kumunsulta sa doktor.
Kadalasang pareho sa regular na asthma ang gamot sa non-wheezy asthma. Bibigyan ang iyong anak ng “short-acting inhaler” tulad ng salbutamol (Ventolin), at sinisinhok na steroid medicine tulad ng beclomethasone.
Kung may mga katanungan sa ganitong klase ng asthma, makipag-usap sa iyong doktor.