Menopause o menopos: Pagtigil ng regla o pagwala ng menstruation pagtanda, symptoms, sign

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano ba ang menopause? Unsa ang menopause o tagpang?

Ang menopause ay parte ng natural at unti-unting proseso ng obaryo kung saan ay gumagawa na lamang ito ng mas kaunting “female hormones”, ang “estrogen at progesterone”, at ang buwanang-daloy ay unti-unting nang nawawala. Para sa maraming kababaihan, ang prosesong ito ay tahimik na nagsisimula sa edad na 40 taong gulang kung kailan ang buwanang-daloy ay mas hindi nagiging regular. Ang panahon na ito ng pagbabago ay tinatawag na “perimenopause o premenopause”. Ang karaniwang edad kung saan nakokompleto ng kababaihan ang menopause ay sa bandang edad na 51 taong gulang. May ibang kababaihan na nakakaranas ng menopause sa mas maagang edad dahil sa “premature ovarian failure”, “cancer therapy” o operasyon kung saan tinanggal ang dalawang obaryo.

Menopause marks the end of a woman’s menstrual cycle occurring 12 months after the last menstrual period. It can happen at the age brackets between 40s or 50s and is a natural phenomenon undergone by women.

Ano ang sintomas ng menopause? Unsa ang mga sintomas sa tagpang? (Signs, symptoms)

Bawat isang kababaihan ay paiba-iba ang dinaranas kapag nagme-menopause. Ang pag-iiba ng antas ng “hormones” ay maaaring magdulot ng ibat-ibang sintomas na pwedeng tumagal ng ilang buwan o taon o mas matagal pa. May ibang kababaihan na dumaranas ng kaunting hindi magandang pakiramdam o ang iba naman ay mas malubha ang dinaranas. Ang iba naman ay walang anumang dinaramdam. Kapag ni isa sa mga ito ang nagpapahirap sa iyo, makipag-usap sa iyong doktor. Ang mga pinaka-karaniwang sintomas ay:


· Pagbabago sa buwanang-daloy. Ang isa sa mga pangunahing sintomas ay ang pagkakaroon ng hindi regular na pagdurugo. Ang iba ay mas mahina ang daloy, ang iba ay mas malakas at nagdurugo ng mas maraming mga araw. Maaaring ito ay mas madalas at mas mahaba at may “spotting” sa gitna ng daloy.


· “Hot flashes”. Ang “hot flash” ay ang biglaang pagdaloy ng init sa itaas na parte ng katawan o sa buong katawan.


· Problema sa ari at sa pantog. Mararamdamang ang ari ng babae ay mas tuyo, nangangati o kaya’y parang umiinit at nagdudulot ng sakit sa pakikipagtalik. Ang impeksyon sa ari ay mas nagiging karaniwan. Ang ilang kababaihan ay mas nagkakaroon ng “urinary tract infection” o problema sa pag-iimbak ng ihi.


· Pakikipagtalik. Ang ibang kababaihan ay napapansing nag-iiba ang kanilang pakiramdam sa pakikipagtalik. Ang ilan ay nagkakaroon ng tuyong ari na nagpapahirap sa pakikipagtalik. Ang iba naman ay mas nagiging malaya dahil hindi na sila nababahalang mabuntis.


· Problema sa pagtulog. Ang ilang kababaihan ay napapansing mas nahihirapan silang makatulog. Maaaring hindi sila makatulog agad o napakaaga nilang gumising.


· Pag-iiba ng ugali. Maaaring mayroong relasyon ang pagbabago sa antas ng “estrogen” at sa pakiramdam ng babae.

The decreasing level of estrogen and progesterone which are the female sex hormones are directly related to the symptoms women experience during menopause. They mainly effect the symptoms as they have very big impact on the functioning of the female body. Estrogen regulates so many of the body’s systems. As a result, women experience symptoms all over her body. These symptoms include changes in menstrual cycle, hot flashes, dryness of the vagina and pain upon coitus, sleep problems, frequent urination or incontinence, urinary tract infections, decreased sexual drive, atrophy of the vagina, depression, changes in the skin and hair.


Maaapektuhan ba ng menopause ang aking kalusugan? Makaapekto ba ang menopause sa akong lawas?

Mayroong dalawang problema na maaaring magsimulang mangyari kapag nagme-menopause ka na: ang “osteoporosis” at sakit sa puso.


· Osteoporosis. Sa kada araw, ang iyong katawan ay ginagamit ang mga matatandang buto at pinapalitan ng malusog na buto. Ang “estrogen” ay tumutulong na magkontrol ng pagkawala ng buto, kaya naman ang kawalan ng estrogen sa panahon ng menopause ay nagsasanhi sa mga kababaihan na mawalan ng buto kaysa sa napapalitan. Pagdating ng panahon, ang buto ay nagiging mahina at madaling mabasag. Makipag-usap sa iyong doktor kung kailangan mo ba ng “bone density test” kung ikaw ay mataas ang tsansang magkaroon nito. Ang iyong doktor ay maaari magrekomenda sa iyo ng mga pamamaraan upang maiwasan o lunasan ang osteoporosis. Ang mga “weight-bearing exercise” at pagkain ng mga pagkaing mataas sa calcium at Vitamin D ay nakakatulong.

Complex hormonal changes trigger menopause. There comes a time when the number of viable eggs in the ovaries decrease. At the start of a girl’s menstrual period, she has an average of 400,000 eggs gradually lost throughout her lifetime. By the menopausal period, a woman may only have lesser than 10,000 eggs. Percentages of these eggs are lost through normal ovulation and degeneration of ovarian follicles that are still immature. A hormone called follicle-stimulating hormone (FSH) is responsible for the growth of eggs. As menopause draws nearer, the eggs that are left become resistant to FSH which result to the reduction of the ovaries’ production of estrogen. Estrogen affects many organ systems including the cardiovascular, skeletal, reproductive, urinary, integumentary and nervous systems. A decrease in sexual drive is also evident.


Mga maaaring gawin sa bahay ukol sa sintomas ng menopause. Mga pwede buhaton sa balay kung bation sa sintomas sa menopause o pagtagpang.


Buti na lang, marami sa sintomas ng menopause ay panandalian lamang. Sundin ang mga hakbang na ito upang mabawasan o maiwasan ang kanilang epekto:


· Gawing malamig ang “hot flashes”. Magsuot ng damit na komportable, uminom ng malamig na tubig o pumunta kung saan malamig ang lugar.


· Bawasan ang hindi magandang pakiramdam sa ari. Maaaring gumamit ng mabibili lamang sa botika na “water-based vaginal lubricants” o mga “moisturizers”. Pumili ng mga produkto na walang halong “glycerine” dahil nakakapag-dulot ito ng pagkasunog o iritasyon para sa mga sensitibo sa kemikal.


· Magkaroon ng sapat na tulog. Iwasan ang mga kape, at pag-inom ng alak na pwedeng makadisturbo sa tulog.


· Kumain ng balanseng mga pagakin. Kumain ng prutas at gulay. Umiwas sa taba, mga mantika at asukal.


· Huwag manigarilyo.


· Mag-ehersisyo araw-araw.

Because the female hormones are greatly responsible for the symptoms of menopause, the treatment is geared towards normalizing it. This is through Hormone Replacement Therapy (HRT). There are also medications indicated for it like low-dose oral contraceptives (birth control pills), medications to reduce hot flashes, over-the-counter drugs for vaginal dryness and other prescription medicines like estrogen creams and tablets.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Egie Soriano
is in the Philippines
Normal po ba na mawalan ng regla ang 30 yrs old ? Pagkatapos manganak.
Recommend Report abuse
Lagi pong nasakit ulo ko gawa din poba ito ng menopouse
Recommend Report abuse
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.