ANO SANHI O DAHILAN NG MALAKAS NA REGLA? MENSTRUAL PROBLEMS

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines

Ang labis na pagdugo habang nireregla ang isang babae o ang tinawatawag na menorrhagia ay ang medikal na term para sa regla na matagal at malakas. Kung ikaw ay may menorrhagia, ang panahon ng iyong buwanang dalaw o pagkakaroon mo ng regla ay may kasamang sakit sa tiyan at labis na pagdugo. Kung ikaw ay nakakaranas nito ng ilang beses, kumunsulta sa iyong doctor upang matuklasan ang sanhi nito.

ANO MGA SENYALES O SINTOMAS NG SOBRANG MALAKAS O LABIS NA PAGREGLA?
Maraming mga gamot ang epektibo laban sa menorrhagia. Ang mga palatandaan at sintomas ng menorrhagia ay ang mga sumusunod:
- Sanitary pad o napkin o tampon na punong-puno kahit ilang oras pa lang ang nakakaraan
- Nangangailangang gumamit ng double sanitary proteksyon upang makontrol ang iyong daloy ng regla
- Nangangailangang gumising upang palitan ang sanitary proteksyon sa panahon ng gabi
- Dumudugo ng sobra pa sa isang lingo o mas matagal pa
- Mga clot ng dugo sa regla
- Hindi makakapagtrabaho ng maayos araw-araw dahil sa malakas na regla
- Sintomas ng anemya, tulad ng pagkapagod o hirap sa paghinga

Dapat kang kumunsulta sa iyong duktor kung nakakaranas ka ng labis na pagdugo na pumupuno sa iyong napkin tuwing dinadatnan ka, kahit ilang oras pa lang ang nakakalipas, kung ang regla mo ay hindi regular at kung ikaw ay dinudugo pa rin kahit na ikaw ay menopos na.

Ano kaya ang dahilan ng malakas na pagregla? (Causes) Ito ay maaring dahil sa hormonal imbalance. Kung ang isang babae ay may hormonal imbalance, ang kanyang endometrium ay labis na dumadanak at lumalakas ang kanyang pagdugo. Kung minsan, ang labis na regla ay dahil din sa problema sa ovary, mga maliliit na bukol sa bahay bata o uterine fibroids, adenomyosis, pagkakaroon ng Intrauterine device (IUD) at komplikasyon sa pagbubuntis. Kung minsan, ang labis na regla ay dahil din sa kanser, sa mga sakit sa dugo na namamana, mga gamot at iba pang mga sakit.

Ang ating susunod na tatalakayin ay ang tungkol sa kung paano gamutin ang anemia .

1 person likes this

About the author

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia

Internal Medicine/ Adult Medicine/ Palliative Medicine. Online Consultation at https://www.facebook.com/bediamedicalclinic/
Profession: Internal Medicine
Bedia Medical Clinic
Office Address: Meds at Sea Pharmacy, Tabucan, Barotac Nuevo, Iloilo
Philippines , Iloilo , Iloilo City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Karen Ong
is in the Philippines
doc hello po may tanong lang po makukunsidera po ba na menorrhagia po lahat ng palatandaan ay naranasan ko maliban lang po sa hindi ko naransan yung isang linggo, tumagal lang po ito ng tatlong araw. salamt po sa sagot
Karen Ong
is in the Philippines
doc hello po may tanong lang po makukunsidera po ba na menorrhagia po lahat ng palatandaan ay naranasan ko maliban lang po sa hindi ko naransan yung isang linggo, tumagal lang po ito ng tatlong araw. salamt po sa sagot
Karen Ong
is in the Philippines
tsaka po na delay po ako ng isang linggo tapos yung mens ko po ay sobrang lakas naka tatlong pack po ako ng pads
Medical Team
is a Medical expert in United States
Kapag sobrang malakas ang daloy ng iyong regla, maaaring menorrhagia yan. Maraming maaaring dahilan o sanhi nito, tulad ng hormonal imbalance, pelvic inflammatory disease o ibang medical conditions. Kaya pinakamabuti na magpatingin ka sa ob-gyn, upang masuri mabuti. Take care.
Karen Ong
is in the Philippines
pero sa sitwasyon ko po ba may chansa pa rin na buntis po ako? kasi po napakalakas ng mens ko po di po yun gpangkaraniwan ko na period po…tapos nag PT po ako negative po ang result…naguguluhan po ako kasi po unang beses pa lang ngyari sakin po ito. maraming salamt po doc
Mayla Ambal
is in the Philippines
Hello doc! nakaranas po aq ng malabis na padurugo at mahabang pagdurugo starting the day na makaexperience aq ng menstruation at the ge of 13! Simula ng mareach q ang age na 16, 10 days nlang ang maximum days ng period q pero paminsan minsan dumadanas ako ng halos isang buwan ng spotting pero wala nman po akong nararamdaman na pananakit ng puson o sa iba mang part ng katawan ko. Salamat po sa sagot :-)
Medical Team
is a Medical expert in United States
Kapag wala ka naman ibang nararamdaman na sakit, konti lang daloy ng regla at hindi lumalagpas ng 10 days, maaaring normal lang naman ito sayo. Pero importante ang magpatingin ka sa doctor o ob-gyn upang ma-diagnose kung may problema at mabigyan ng treatment. Pa-check up ka lang, at wala naman mawawala.
Sraah Galano
is in the Philippines
Hello po doc, yung nanay ko po kasi eh 48 years old na at this month po eh higit 2 weeks na malakas ung mens nya.. ano po ba ang gamot na pwede inumin para huminto na po ung pagdurugo?
Meg Furton
is in the Philippines
ang akin pong tiya ay nkakaranas nang labis na pagdurugo na halos ilang buwan na din nyang nararanasan at sa ngayon nga po ei masyado na syang maputla, galing n po sya sa doctor, sya po ay naraspa na, pero hanggang ngayon po ay ganun pa din ang kanyang sitwasyon, anu po bang pwede pa naming gawin, at meron po bang mga gamot na pwede po kayong isuggest para sa kondisyon nang aking tiya?salamat po!
Kai De Jesus
is in the Philippines
Hi doc. Paano po kung kakatapos ko lang mag mens. After 2weeks nagkaroon nanaman ako. Then, nagulat ako ksi ngayon lang nangyari to. Then yung.blood ko, sobrang buo na malalaki. Then sometimes para akong naihi ng dugo s lakas. 3 days na po to up to now meron pden po ako. Ano po kaya ito? Ngayon ko lang naexperience yung ganitong blood eh. Thanks doc.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hello doc

ang mama ko po ngayon ay nakakaranas ng malakas na pagdurugo
47 yrs old na po sya
well may mayoma po sya
hindi po sya nakakaranas nito noon
dahil noon paunti unti lang po and pagdurugo na nararanasan nya
almost 1 month na po syang nagdurugo
sign of menopausal po ba ito o dahil sa mayoma?
ano po and dapat gawin?

maraming salamat
sana po makasagot kayo agad,
Shiela Agujetas
is in the Philippines
magandang umaga po dok,may konting tanong lang po ako.normal ba itong nakaranas ko qng darating na dugo ko or 1day nag start na menstration ko sakit ng pus on ko..takot kasi ako dok,tapos may mga dugo na lumalabas na parang circle cxa..parang dugo na sticky..ano ba tawag niyan sa tagalog..
Shiela Agujetas
is in the Philippines
salamat po dok..sana masagot mo tanong ko..
Joana Panquico
is a non-Filipino member from United States
Hi doc, ask ko lang po pano po kung 3 weeks na po ako meron ngayon mahina po sya pero buong buo mga dugo... last month naman po meron naman din ako pero normal kang kasi 3-7days lang sya tumagal.. madalas din aq nahihilo at sumasakit tyan ko, minsan sa gilid ng tyan mag kabilaan minsan naman sikmura..ano po kaya to normal pa din ba sya or need ko na ipatingin irregular po kasi talaga ako pero ngayon lang ulit umulit to na mag 3 weeks na.. 20yrs old pa lang po ako
Hello Do, tanong ko lang po kc ang regala ko ay 5 months ng abnormal ang first 3months ko ay spotting lang (5 days a month) then yung pang apat na buwan ay 12 days akong nireglaang panglimang buwan niregla ako ng 7 days then after 2 days niregla ulet ako ng 7days din..ano po kaya yun Doc?
Lozano Jhen
is in the Philippines
hi doc ask ko lang po possible po ba na mabuntis kung 2 weeks na nireregla pero mahinto hinto minsan malakas minsan nmn po spotting lang pero kulay brown po sia?? 2 weeks na kc ganito ung mens ko 1st day ko nung july 19 den 2nd day ngstop po sia den 3rd-4th days po patak lang den 5-7th days po ngstop nnmn july 26-27 may patak nnmn po sia at kulay brown ulit july 28-29 medjo malakas po july 30-31 patak nnmn po ang lumabas lagi pong kulay brown aug 1 merun kunti lang.. tapos po every day sumasaket ang likod ko at prang laging may hangin ang tyan ko.. possible po ba na buntis yung ganyan o my ibang saket na? sana po masagot salamat
Rosemarie Castillo
is in Hong Kong
ano po gamot sa regla na di tumitigil?mag isang buan na po regla ko
merry christmass po doc. tanung ko lang po kung anung ibig pong sabihin ng pag reregla ko at hindi na mahinto
nov.18po niregla ako at nov.19 po nag stop
dec.3 po dinatnan po ako ulit hanggang dec.14 po pagkatapos po nito ay nag pills po ako 5 araw po may nanayari po samin ng bf ko at pagkalipas ng 2 araw dinatnan po ako ng regla hanggang ngayon na po ay dinurugo parin po ako ngunit hindi naman po ito malakas. anu poba dapat kong gawin?
Carmina Betchoso
is in Singapore
Hai po,,may tanong ako,may nararamdaman po akong di normal sa katawan ko,palagi po akong pagod at masakit po palagi ulo ko at tagiliran ko,excessive urination po,at sweating po sa gabi,,pero bago po nangyari po yan,ngkalagnat po ako at masakit tlaga tagiliran ko,,nanginginig po ako,,pagod at nasusuka po,,sana masagot nyo po ,,
Cates Ramos
is in the Philippines
doc nung jan. 16 po nagkaroon ako tapos natapos po ako ng Jan 20 tapos po nung jan. 23 bigla pong may dugo na naman ... normal po ba yun?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello po doc, tanong q lng po, matagal na po itong regla q minsan mahina siya at minsan d Malakas hindi po nahihinto yung pag reregla q mga 2months na po aq ni reregla na d nahihinto panu po ba ito.. Salamat sa pagsagot
Charmain Lacdao
is in the Philippines
Good morning po, nagpatingin na ako sa doctor at wala naman nakita sa Trans Vaginal Ultrasound, pero po mag 4weeks na kase akong nireregla at bukod pa dun maybmga malalaking o buo dugo ang lumalabas at agad agad napupuno ang sanitary pad ko kahit ang ggamitko ay yung malapad night use
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc dito po ako sa abroad at malayo sa aking asawa so sigurado pong ako ay hindi buntis or nabuntis.8 days na po kasing malakas parin ang regla ko. Ngayon lamang po ito nangyari. Regular naman po ang dating ng aking regla at tumatagal lamang po ito ng 3 araw. Ngunit hindi po kasi ako dinatnan nitong huling 3 buwan na at ngayon naman po ng ito ay dumating halos 8 araw na po at sadyang malakas po. At natatakot po ako dahil marami pong lumalabas na maitim at buo-buo na dugo.
Dia Escoba
is in the Philippines
Doc ako po 8 days nako nireregla normal pa ba yan doc ?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.