More than 3 months delayed but negative test...

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Good Day po!


Ask ko lang po sana kasi ung friend ko po hindi sya dinantnan ng buwanang regla mula moong January hanggang ngayun nasa 45yrs. old na rin po sya. Ang huling regla nya ay noong Dec. 10, 2014. Nag test sya ng Urine, pero negative, nagpa ultrasound sya follicle ang nakita. Pero ang mga sintomas ng pagbubuntis ay kanyang nararamdaman. At kapag pinisil ang kanyang nipples ehh may gatas na nalabas... Anu kaya po ito Dok, buntis po kya sya or nag start na kaya ang menopausal nya...


Salamat po at ang inyong kasagutan ay aming hihintayin.


God Bless po!

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hi sa yo at sa friend mo!

Kumusta na ang friend mo? napakabuti mo namang kaibigan at concerned ka. Mas kailangan ka nya ngayon kasi baka kinakabahan na siya sa kung ano ang naiisip nyang dahilan ng kanyang nararamdaman

Isa-isahin natin ang nabanggit mo. Normal naman ang follicle na makita talaga sa ultrasound ng isang babae. Kahit pag menopaused ka na ay makikitaan ka parin ng follicle sa UTZ mo. Kung sintomas ng pagbubuntis ang nakikitaan sa friend mo anu anu ang mga iyon maliban sa nipple discharge o likido na lumalabas sa utong? Ang sintomas ng pagbubuntis ay pwede mong makita sa internet sapagkat ito ay napakadami. Kung babae ka at nagkaanak na, alam mo rin ang mga ito. Isa isahin mo kayang itanong iyon sa friend mo?

Ang paglabas ng gatas/discharge sa utong ng babae na menopausal ay minsan normal. Basta walang makapang bukol, normal naman ang discharge. Ang friend mo ay 45, sa medisina, ang taong yaon ay nasa premenopausal o menopausal stage. Subalit iba-iba sa bawat indibidwal na babae kung kelan ba darating ang menopausal stage.

Maaring buntis ang kaibigan mo. Tandaan, MAARI lamang. Ang negative PT o pregnancy test sa unang kuha ay pwedeng insensitive o mali. Baka pwede niyong ulitin o di kayay pangatluhin. Mura lang nmn iyong kit diba?

Mainam pa rin na kumonsulta sa iyong gyne at sabihin lahat ang kanyang nararamdaman. Mahirap kasi pag nangangapa tayo. Alam mo ba na minsan may mga tumor din na nakakasanhi ng nipple discharge? Kaya dapat tignan natin lahat ng aspeto sa pagtrato ng kundisyon ng iyong kaibigan. Alam kong concerned ka at alam kung tutulungan mo siyang bumalik sa kanyang Gyne.Tama ba ako?

Doctor Randolf
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Dear Dok Randolf,

Magandang araw po sa inyo. Maraming salamat po sa inyong kasagutan. Ngayun po nag pa blood test po ang kaibigan ko at negative po ang resulta. Natatakot po kasi sya dahil sa kagustuhan po ng asawa nya na magka anak pa sila ng isa. Sabi po kasi sa akin ng friend ko na pinainom sya ng OB/Gyne nya ng Clomid noong 2nd day po ng dalaw nya noong Dec. after po ng clomid for 5days, pinasunod ang climen 21tabs. po at ayun na po hindi na sya dinatnan. Na depressed nga po sya today kc negative ang resulta even nararamdaman nya ang sintomas ng pagbubuntis.

Marami din po kc daw syang nababasa sa net na karamihan ehh ganun po, negative results pero pagdating ng 4months or higher ehh buntis pla...

Cge po Dok, pasensya na kau at baka nakulitan na kayu sa akin... Samahan ko pa rin ang friend ko na magbalik sya sa kanyang OB/Gynist.

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.