Muta: Ano sanhi, gamot, lunas? Bakit nagmumuta o nagkaka-muta? Gound rheum

Medical Team
is a Medical expert in United States

Bakit tayo nagkakaroon ng muta sa ating mga mata?

Tinatawag itong muta, para sa iba naman ay 'crust' o 'buhangin.' Tinatawag din ng mga doktor na 'mattering,' 'gound', at malimit na kataga ay rheum.' Ngunit anumang ngalan nito, alam mo kung ano ito kapag nakita mo - nay pagka dilaw na bagay sa iyong mga mata mla sa pagtulog.

Ang magaspang na bagay na ito ay binubuo ng isang grupo ng mga iba't ibang materyales, kabilang ang natapong cells, mucus at mga maliliit na bagay (kabilang na ang bacteria, mga langis mula sa eyelids, at alikabok), na nakokolekta mula sa eyelids at sa buong mata.

Ang ating eyelids ay sumasarado katulad ng isang siper, mula sa bahagi ng pisngi papunta sa ilong. Habang ginagawa nila ito, natutulak nila ang mga luha sa buong mata, at nakokolekta ang lahat ng mga iba't ibang maliit na bagay. Ang mga ito ay nakokolekta sa sulok ng mga mata o sa mas mababang talukap ng mata, at ang iba ay maaari ring makolekta sa itaas na talukap ng mata.

Para itong isang exfoliant sa iyong balat: Ikaw ay naglilinis ng mga patay na balat o anumang bagay sa iyong katawan na hindi mo gusto.

Malinis ba ito? Ito ay hindi sterile o malinis - kabilang na ang bahagi ng iyong mata, o kahit na sa iyong balat. Kaya kung ginagamit mo ang iyong mga kamay upang tanggalin ang mga ito (na hindi mo dapat ginagawa, ang isang mainit-init at basang panyo o washcloth ay mainam para sa paglilinis ng iyong mga mata) -isang magandang ideya na hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos.

Ang normal na muta ay bahagyang may kulay katulad ng tint, at maaaring maging darker kung ikaw ay naka-makeup. Ang isang aktibong bacterial o viral infection ay maaaring ring mapataas ang dami ng eye discharge, at ito’y nagiging mas yellow-o green-tinted (sa puntong ito, dapat mong ipakonsulta sa isang eye doctor ang iyong mga mata).

Ang eye discharge na medyo tuyo ay maaaring nagpapahiwatig ng isang tuyong kapaligiran. Bukod pa rito, maaaring magkaroon ng mas kapansin-pansing eye discharge kung mayroon pagtaas sa mucus - ang mga allergy ang dahilan nito.

Nakakalikha ang mata ng mga mucus dahil sa allergens sa hangin. Ang allergies tulad ng pollen, ay pumapasok sa mata [at] nagiging sanhi mga mucus [na] pumapalibot sa pollen at dinadala sa sulok ng mata.

Bukod dito, ang mga gumagamit ng lens ay maaaring magkaroon ng mas kapansin-pansing discharge dahil sa foreign body na ito (lenses) sa kanilang mga mata na ginagamit nila buong araw. Kahit angkop ang contact lens sa iyong mga mata, magkakaroon pa rin mucus production - at kung ang contact lens ay hindi masyadong angkop, at nahaharangan ang mga malilit na bagay (tulad ng pollen) sa ilalim ng lens, ang mga mata ay mas nakakalikha ng mucus.

Ang mga pagbabago sa dami ng muta sa mata ay maaaring isang palatandaan ng impeksiyon sa mata o iba pang mga problema. Samantala, kung mayroon kang pabalik-balik na discharge na hindi nagbabago (marami ang mayroon nito), maaaring ito’y dahilan ng ibang bagay, tulad ng iritasyon mula sa alabok o allergies. Kung ikaw ay may maraming eye crust sa iyong lashes sa puntong nahihirapan kang idilat ang iyong mga mata sa umaga, ito ay maaaring sign ng blepharitis, isang disorder na kung saan mayroong mababang pamamaga ng eyelids.



About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.