Nagiging sanhi po ba ng hika ang pagod sa pag-exercise o ehersisyo? Exercise-induced asthma, prolonged physical exertion, workout

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Nagiging sanhi po ba ng hika ang pagod sa pag-exercise o ehersisyo?


Topic: Can exercise cause asthma?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang exercise-induced asthma ay mga sintomas ng asthma na nararamdaman habang o pagkatapos mong mag-exercise. Maaari itong mangyari kahit anong oras at kahit wala kang sintomas ng asthma. Ang exercise ay karaniwang nakakapagsimula ng hika. Hindi pa natutukoy kung paano nagdadala ng asthma ang exercise subalit ito raw ay konektado sa paglanghap ng maginaw at tuyong hangin. Kapag kasi mabilis ang iyong paghinga habang nag-eehersisyo, nahihirapan ang ilong at daanan ng hangin na painitin at gawing mamasa-masa ang hangin na pumapasok dito. Ito ay nangangahulugan na ang hangin na pumapasok sa iyong daanan ng hangin ay mas malamig at mas tuyo kaysa sa normal. Ang mga sintomas ng exercise-induced asthma ay:
• Pag-ubo
• Paghatsing
• Hirap sa paghinga
• Masikip na dibdib
Mapapansin mong ang iyong mga sintomas ay nagsisimula habang nag-iexercise hanggang 15 minuto matapos kang huminto. Dagdag pa ay nagkakaroon ka lamang ng sintomas habang o kaya nama’y pagkatapos ng ehersisyo at hindi nagaganap sa iba mo pang mga gawain. Mahalagang magpunta sa iyong doktor kapag nagkaroon ng ganitong sintomas habang nag-eehersisyo upang malunasan ang nararamdaman.
Ang gamot ay karaniwang inhaler. O kaya naman ay maaari kang resetahan ng inhaled steroids. Ginagamit ang short-acting na inhaler bago magsimula sa pag-eehersisyo.
May ibang klase ng ehersisyo na nagpapalala sa mga sintomas. Ang mga matagalan at malayuang pagtakbo ay nagdadala ng sintomas kapag ang hangin ay maginaw dahil ikaw ay aktibo ng mahabang oras at walang pahinga. Ang mga team sports, tulad ng football, ay hindi malimit na nagdudulot ng sintomas dahil sila ay karaniwang mataas ang enerhiyang kinakailangan ngunit sinusundan ng mga pahinga. Ang swimming ay magandang ehersisyo para sa mayroong asthma dahil sa maligamgam na hangin sa pool. Ngunit ang pagsi-swimming sa malamig na pools na maraming chlorine ay maaaring maka-trigger ng asthma. Ang relaxation exercises at yoga ay nakakatulong rin para ma-relax ang katawan.
Kapag ikaw ay nagpa-planong pumasok sa adventure sports tulad ng scuba diving, mountaineering, at skiing, dapat munang makipag-usap sa iyong doktor at siguraduhing pinaalam sa iyong instructor ang iyong kondisyon.
Kapag ikaw ay mayroon nang asthma at tumatanggap ng lunas subalit mayroon pa ring sintomas kapag nag-eehersisyo, dapat tumungo sa iyong doktor. Ito ay karaniwang sintomas na hindi na-ma-manage nang husto ang iyong asthma. Makipag-usap pa rin sa iyong doktor kapag may katanungan sa exercise-induced asthma.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.