Naiiba po ba ang sintomas ng migraine sa mga bata? Adolescents constriction of blood vessels, inherited

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Naiiba po ba ang sintomas ng migraine sa mga bata? Sumasakit po kasi minsan ulo ng anak ko pag nagbabasa o nagaaral


Topic: Are symptoms of migraine different among children? My son sometimes has headaches when he is reading or studying.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Kadalasan katulad din sa mga matatanda ang mga sintomas ng migraine na nararanasan ng mga bata. Subalit kadalasan hindi nagtatagal ito sa mga bata, mga mula 1 hanggang 2 oras lamang. Kung may mga sintomas ng migraine ang iyong anak, agad i-konsulta sa iyong doctor.
Mga 1 sa 10 bata na nag aaral ang nagkakaroon ng migraine at maari itong maranasan ng kahit anong edad. Kadalasan magkakapareho ang sintomas ng migraine ng mga bata sa mga matatanda ngunit may mga ilang pagkakaiba ito.
Nakakaranas lamang ang mga bata ng saglit na pagsakit ng ulo na di aabot ng 4 na oras. Hindi rin ito sobrang masakit tulad sa mga matatanda na nararamdaman ang sakit sa buong ulo nila. Bihira din magkaroon ng “aura” (panlabo ng paningin at pagkahilo) ang mga bata bago magka migraine at kadalasan kaunti lang ang mga sintomas ng migraine nila.
Maaaring makaramdam ng sakit o pagsusuka ang iyong anak kapag may migraine. Maaari rin makaramdam ng sakit ng tiyan imbes na sakit ng ulo. Sa ibang mga bata ang pagkahilo sa biyahe ay palatandaan din ng sintomas ng migraine.Mas mabuting itala kung gaano katagal nagka migraine ang iyong anak. Subukan din alamin kung ano maaaring sanhi at ano ang nakapagpagaling nito. Kapag lumalala ang sakit ng ulot, ipatingin kaagad sa doctor.

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.