Habang nagbubuntis, ang iyong asthma ay maaaring gumaling, o grumabe o manatiling katulad pa rin sa dati. Kung ang iyong asthma naman ay kontrolado, maaaring konti lamang o wala itong epekto sa iyong pagbubuntis.
Dapat mong ipagpatuloy na inumin ang iyong gamot para sa asthma habang nagbubuntis. Sabihin sa iyong doctor na ikaw ay buntis, para masiguradong hindi nakakaapekto ang gamot na iniinum sa iyong pagbubuntis. Para sa maraming mga babae na kontrolado ang asthma, walang epekto ang kondisyon sa kanilang pagbubuntis, at normal silang nanganganak.
Subalit para sa mga may grabeng asthma na nagbubuntis, madalas na nararamdaman nilang lumulubha ang kanilang sintomas habang nagbubuntis. Kung ikaw ay may grabeng asthma, marapat na bisitahin ang iyong doktor sa regular na beses upang siguraduhing ang iyong sintomas ay hindi lalala. Kung ikaw ay may problema, ang iyong doktor ay maaari kang isangguni sa doktor sa baga.
Ang malubhang sintomas ng asthma habang nagbubuntis ay konektado sa mga komplikasyon tulad ng maliit na timbang ng sanggol, premature birth at pre-eclampsia. Gayundin, kapag ikaw ay naninigarilyo, dapat mo itong tigilan upang umepekto ang iyong mga gamot para sa asthma at ito rin ay nagdadala ng komplikasyon sa iyong kalusugan at sa sanggol. Kapag ikaw ay naninigarilyo habang nagbubuntis, ang iyong sanggol ay mataas ang tsansang magka-asthma rin.
Habang nagbubuntis, importanteng inumin ang mga gamot para sa asthma dahil kapag itinigil ito ay tumataas tsansang magka-problema sa iyong kalusugan pati na sa bata.
Ang iyong doktor ay mas tutukan rin ang iyong mga gamot upang ito ay ma-adjust base sa iyong pangangailangan. Makakatulong na kumonsulta muna sa iyong doctor kung may planong magbuntis. Kung ikaw ay naninigarilyo, siya ay maaaring may mga payo ukol sa paghinto nito.
Ang mga karaniwang gamot sa asthma tulad ng mga bronchodilators (halimbawa ang salbutamol, terbutaline, theophylline) at mga sinisinhok na corticosteroids ay kilalang ligtas gamitin bago, habang, at pagkatapos manganak (pati na ring habang nagpapasuso). Kung ikaw ay nagbubuntis at ina-asthma, importanteng magbakuna laban sa influenza virus lalo na sa flu season dahil mas mataas ang tsansa ng mga buntis na magka-infection. Kung ikaw ay may iba pang mga tanong tungkol sa asthma at pagbubuntis, makipag-usap sa iyong doctor.