Nangangagat ba tao ang pulgas sa pusa? Ano magawa para hindi kagatin-Flea bites tick

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Nakakita ako ng pulgas sa pusa namin. Nangangagat ba ng tao ang mga pulgas at kung nangangagat nga sila, ano ang magagawa ko para hindi nila ako kagatin? / Bag-o lang ko nakakita ug pulgas sa akong iring, gapamaak ba ni sila ug tao, unsa akong mabuhat para dili ko nila paakon?



Topic: Do fleas bite people? What could be done to prevent and remedy this?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Oo, ang mga pulgas ng pusa ay nangangagat ng tao subalit marami kang magagawa para magamot mo ang iyong pusa at iwasang kumalat ang pulgas sa kanilang katawan.
Ang mga kagat mula sa pulgas ng pusa ay karaniwang nag-gugrupo o nagkukumpol-kumpol. Mas pangkaraniwan kang makakakuha ng kagat mula sa pulgas sa iyong mga paa at sa ibaba ng tuhod. Kapag ikaw ay nakagat ng pulgas ng pusa, isang mamula-mula at namamagang lugar sa balat ang lumalabas sa matapos ang lima hanggang 30 minuto. Ang kagat ay magiging makati subalit huwag itong kamutin dahil makakapagdulot ito ng impeksyon.
Kung ang iyong pusa ay merong pulgas, mapapansin mong matindi ang pagkakamot nito. Kung ang iyong pusa ay may pulgas, importanteng gamutin ang iyong alaga at ng iyong bahay gamit ang insecticide. Ang mga pulgas ay tagadala ng bulate ng pusa at mga aso na maaaring makaapekto sa mga tao.
Mayroong maraming mga bagay na pwedeng gawin upang malunasan ang iyong pusa at maiwasang kumalat ang mga pulgas. Sundin ang mga hakbang na nakalista dito.
• Alisin ang mga pulgas mula sa iyong pusa gamit ang suklay na makikipot ang mg ngipin.
• Dalhin ang iyong pusa sa beterinaryo para mabigyan ng lunas sa pulgas.
• I-vacuum ang lahat ng basahan at carpets.
• Lapatan ng insecticide ang mga sahig at beddings, at pati na rin ang mga kagamitan at mga lugar kung saan nagpapahinga o natutulog ang iyong pusa.
• Labhan ang mga kumot gamit ang mainit na tubig upang masiguradong mapapatay ang lahat ng itlog nila.
Siguraduhin na hindi maaabot ng mga bata ang insecticides at malayo sa iyong balat at mga mata.

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.