Karaniwang kulay kayumanggi o kulay kape ang dumi (tae). Kapag nagbago ang kulay ng dumi, madalas na nag-aalala ang isang tao, magulang o tagapag-alaga.
Ang pagkakaroon ng bilirubin sa likidong apdo (isang breakdown na produkto ng hemoglobin sa red blood cells na karaniwang nawawasak matapos ang pagiging kapaki-pakinabang sa loob ng ilang linggo) ay karaniwang dahilan ng kulay ng dumi. Ang pagkokonsentro ng bilirubin ay makakapagpalit ng kulay ng dumi mula sa mapusyaw na dilaw tungo sa halos itim. Ang mga pagbabago sa kemikal na istruktura ng bilirubin ay maaaring maging dahilan para sa pagpapalit ng kulay ng dumi tungo sa pagiging berde o dilaw. Maaari ding magkaroon ng dilaw na dumi kung malabnaw ang dumi o mayroong pag-unti ng bilirubin na nililikha ng atay. Maaaring baguhin ng mga bacteria at digestive enzyme sa bituka ang bilirubin at baguhin ang kulay nito. Karamihan ng mga pagbabago sa kulay ng dumi sa pagitan ng mga pagdumi ay may napakaliit na pakahulugan.
Continue reading: Pagbabago ng kulay ng dumi o tae
Continue reading: Sintomas o sanhi ng pagbabago ng kulay ng dumi o tae