Paano ba palabasin ang gatas sa dede? Unsaon ba pagpagawas sa gatas nako? Expressing breastmilk by hand

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Paano po ba palabasin ang gatas sa dede? Unsaon ba pagpagawas sa gatas nako?


Topic: How do I express breast milk by hand?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Medical Team
is a Medical expert in United States
Ang pagpapalabas ng gatas ay nangangahulugan ng paggamit ng iyong mga kamay o ng breast pump upang mapiga palabas ang gatas mula sa iyong suso.
Maaaring gugustuhin mong pigain palabas ang gatas sa iyong dibdib dahil sa ilang mga kadahilanan. Halimbawa, maaari mong pigain ang gatas mula sa iyong dibdib dahil ikaw ay pupunta sa trabaho o magiging malayo ka sa iyong anak ng ilang mga panahon. O kaya’y gugustuhin mong magpiga na lamang ng gatas mula sa iyong suso dahil hindi maiging dumedede ang iyong anak mula sa iyong dibdib.
Maaari mong pigain ang iyong dibdib para sa gatas sa pamamagitan ng iyong kamay, o “hand pump” o “electric pump”. Sundin ang mga sumusunod na gabay upang matulungan kang palabasin ang iyong gatas sa pamamagitan ng paggamit ng mga kamay.
• Ihulmang parang tasa ang dibdib at damhin mula sa dulo ng iyong suso patungo sa parte ng iyong dibdib na kung humasin ay kakaiba ang tekstura. Ito ay ang mga lugar kung saan matatagpuan ang “milk ducts” o mga lagusan ng gatas.
• Marahan na pigain ang naturang lugar gamit ang iyong hinlalaki at hintuturo. Ang iyong hinlalaki at hintuturo ay dapat nakaharap sa isa’t-isa at mga 4 na sentimetro ang layo mula sa suso. Wala kang mararamdamang sakit mula dito.
• Bitawan ang presyur at ulit-ulitin ang pagpipiga hanggang magsimulang dumaloy ang gatas. Palipat-lipatin ang iyong kamay paikot sa dibdib upang ikaw ay makakuha ng gatas sa lahat ng mga labasan ng gatas.
• Kung and daloy ng gatas ay humihina, pigain ang isa pang dibdib. Magpalipat-lipat ng dibib hanggang sa tumigil ang pagdaloy ng gatas o humina ang daloy nito. Ito ay sumu-suma ng lima hanggang anim na pigain sa kada isang dibdib.
• Kung ang gatas ay hindi dumadaloy, subukang ilagay ang iyong mga daliri malapit sa suso o malayo dito. O subukang gumawa ng marahan na masahe sa dibdib.
Ang pag-aaral kung paano pumiga ng gatas sa dibdib ay isa talagang mahirap na gawain at pangkaraniwan na sa mga unang pagkakataon, tagaktak lang muna ng gatas ang iyong makukuha. Kailangan mong humanap ng paraan na nababagay sa iyo. Siguraduhing ikaw ay kalmado at nasa komportableng lugar na walang distraksyon bago ka magpiga ng gatas. Ang ibang mga ina ay sinasabing nakakatulong na kumonek muna sa kanilang mga sanggol, halimbawa sa pamamagitan ng pagtingin sa larawan ng kanilang sanggol at pagdala ng piraso ng damit ng sanggol kasama nila. Ito ay nagdudulot ng paglabas ng oxytocin na tumutulong sa pagpapadaloy ng gatas.
1 person likes this

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.