PAANO MAGPADIGHAY NG SANGGOL? PARAAN NG PAGDIGHAY NG BABY

Medical Team
is a Medical expert in United States

Habang dumedede ang mga bagong silang na sanggol ng breast milk o baby formula, nakakalulon din sila ng maraming hangin. Ang hanging ito ay kalimitang namamalagi sa esophagus ng mga sanggol na mas bata sa 2 buwan na kalimitan ay nakahiga lamang. Ang resulta ay gas.

Paano magpadighay ng baby sanggol balikat shoulder burpresize

Ang baby burps na tinatawag o dighay ng mga sanggol ay may rason. Ang mga belches na tulad nito ay nagpapalabas ng hangin na nakapamalagi sa tiyan ng iyong anak para mas maka relax siya at makakain ng maayos.


Mas maraming hangin ang nalululon ng anak mo, mas mataas ang posibilidad (at dalas) na siya ay duduwal. Kung ang iyong anak ay hindi mukhang komportable habang kumakain, malikot o lumalayo at umiiyak, subukang padighayin iyo. May mga magulang na nagpapadighay sa mga anak nila sa gitna ng pagdede ng bote – o doon naman sa nagbbreastfeed, kapag nagpapalit ng suso.


Huwag nang padighayin ang anak kung mukha naman na siyang kuntento o nakakatulog matapos mapasuso. Pwede mo siyang tulungang dumighay sa gitna o pagkatapos ng bawat kainan. Kung pinapadede mo siya sa bote, ibig sabihin padidigyahin mo siya matapos siyang makainom ng 2 o 3 ounces, o kalahati ng bote, at isa pa pagkatapos kumain. Kung ikaw naman ay nagpapasuso, padigyahin siya kapag nagpapalit ka ng suso at pagkatapos din.

Kung matapos ng ilang linggo ay nakikita mo nang hindi na siya naduduwal o naiiyak siya kapag iniistorbo mo ang kanyang pagdede, maaari nang maghintay hanggang matapos siya. Kung siya ay umiiyak, mas makakalulon siya ng hangin at hindi siya magiging komportable.


May ilang mga paraan para mapadighay ang iyong anak:

1. Sa taas ng dibdib o balikat. Ilagay ang iyong anak sa taas ng iyong balikat. Panatilihing mas nakakataas ang ulo kesa sa kanyang tiyan para maitaas ang hangin na nasa loob niya. Maaari ding sumayaw ng marahan habang karga siya.

Paano magpadighay ng baby sanggol balikat shoulder burpresize

2. Kandungin siya. Paupuin ang iyong anak sa iyong mga paa ng humaharap sa iba. Gamitin ang isang kamay para suportahan ang katawan niya, ang palad ay sumosuporta sa kanyang dibdib at ang iyong mga daliwi ay sumosuporta sa kanyang baba. (Siguraduhing hindi mo siya sinasakal) Itabingi ang iyong sanggol ng kaunti paharap at marahang haplusin ang kanyang likod gamit ang isang kamay. Marahang haplusin o tapikin ang kanyang likod o puwitan gamit ang daliri o palad ng iyong libreng kamay. Huwag na huwag aalugin ang sanggol dahil makakadulot ito ng neurological damage. Bago subukan ang paraan ito, lagyan ng bib ang iyong anak o tela sa iyong paa para mahuli ang anumang suka o duwal niya.

Burp baby Kandong kandungin sanggol mabisang paraanresize

3. Nakaharap pababa sa iyong kandungan. Ihiga ang iyong sanggol ng nakaharap pababa para nakahiga siya sa iyong kandungan, perpendicular sa iyong katawan. Suportahan ang kanyang baba gamit ang isang kamay. Siguraduhing hindi mas mababa ang ulo niya kumpara sa ibang parte ng kanyang katawan, para hindi uakyat ang dugo sa kanyang ulo. Tapikin o haplusin ang kanyang likod gamitng isa pang kamay. Bago subukan ang paraang ito, lagyan muna ng tela o twalya ang kandungan mo para sa kanyang laway o suka.

Paraan ng pagdighay sa sanggol baby nakatihaya resize

Kung siya ay hindi dumighay matapos ng apat na minuto, maaaring hindi na niya ito kailangan.



Sa edad na 2 hanggang 3 buwan, hindi na kakailanganin ng sanggol mon a regular na padighayin. Sa edad na ito, ang mga sanggol ay mas gusto nang laging gising at nakaupo, sa mga upuang pang sanggol at strollers kaya kaya na nilang dumighay na sila lang.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.