Paano magpaligo o pag banyos ng bagong panganak sanggol baby?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Para sa una o higit pang linggo, makabubuting I sponge bath ang iyong sanggol gamit ang maligamgam at basing bimpo. Hugasan ang kanyang mukha at kamay nang madalas, at masusing linisin ang bahagi ng kanyang ari bawat pagpapalit ng diaper.

Pagpapaligo sa sanggol sa isang bath tub

Matapos matuyo ang umbilical cord, matanggal at gumaling ang bahaging iyon, maaarin mo nang bigyan ang iyong sanggol ng tub bath kada ilang araw. Pinakamadaling gumamit ng maliit at plastic na baby tub na puno ng maligamgam na tubig sa halip ng pangkaraniwang tub.

Kahit na karamihan sa mga magulang ang araw araw na pinapaliguan ang kanilang mga sanggol araw araw, hanggat hindi pa kayang maglakad at magkalat, hindi kailangang higit pa sa tatlong beses sa isang linggo sa loob ng unang taon paliguan ang kanilang sanggol. Ang madalas na pagpapaligo sa iyong sanggol ay nakakadulot ng pagtuyo ng kanyang balat.

Para sa ilang mga sanggol, nakakarelax ang maligamgam na tubig. Kung ito din ang pakiramdam ng iyong sanggol, hindi makakasama kung magtagal siya sa tub. May iba namang umiiyak buong liguan – diyan mo gugustuhing paluguan at alisin siya agad. Hindi kailangang matagal ang pagligo: sapat na ang limang minute para malinis ang iyong sanggol bago masyadong lumamig ang tubig.

Kung papaliguan mo ang iyong sanggol, natural lang na matakot ka sa una. Ang paghawak nga naman sa malikot, basa at masabong bagay ay kakailanganin ng pagsasanay ang confidence kaya maging kalmado at hawakan ng mabuti ang iyong sanggol.

Huwag na huwag iwanang mag-isa ang iyong sanggol ng kahit isang minuto man lang. Kung tumunog ang telepono ang and doorbell at kailangan mo itong sagutin, gumamit ng twalya, kunin siya at isama sa’yo.

I-set ang iyong water heater sa temperaturang 120 degrees Fahrenheit. Ang isang sanggol ay maaaring magkaroon ng third-degree burns ng mabilis pa sa isang minute kapag higit pa sa 140 degrees ang tubig.


Bawat Hakbang: Paano paliguan ang iyong sanggol

1. Kolektahin ang lahat ng mga bagay na gagamitin (mild soap, bimpo at plastic cup), maglatag ng twalya, malinis na diaper at mga damit. Siguraduhing komportable ang kwarto at medyo mainit para hindi lamigin ang iyong anak.

2. Punuin ang tub ng mga 3 pulgada ng tubig na maligamgam sa pakiramdam, ngunit hindi masyadong mainit kung susubukan sa loob na parte ng iyong galanggalangan – mga 90 degrees Fahrenheit (32 degrees Celsius) o mas mainit lang ng kaunti.

3. Dalhin ang iyong anak sa paliguan at hubaran. (TIP: Kung umiiyak ang iyong anak kapag pinapaliguan, huwag munang hubaring ang diaper. Mas magiging komportable siya sa tubig.)

4. Dahan-dahang ilagay siya sa loob ng tub una ang paa, gamit ang isang kamay para suportahang ang leeg at ulo. Buhusan ng cups ng tubig pampaligo para hindi siya masyadong nilalamig.

5. Gumamit ng mild soap at huwag sobrahan gamitin (kapag masyadong palaging ginagamit, nakakatuyo ito ng balat ng sanggol). Hugasan siya gamit ang kamay ong bimpo mula ulo hanggang paa, sa harap at likod. Umpisahan sa paghugas ng kanyang anit ng basa at may sabong bimpo. Banlawan ang sabon mula sa bimpo at gamitin ito para marahang linisin ang kanyang mata at mukha. Kung may natuyong muta o sipon ang anak mo, dampian ito ng ilang beses bago punasan. Para naman sa ari ng anak mo, regular na paghugas lamang ang kakailanganin.

6. Banlawan ng mabuti ang iyong anak gamit ang plastic cup, at punasan gamit ang malinis na bimpo. Tapos, marahang kunin siya palabas ng tub, ang isang kamay ay nakasuporta sa leeg at ulo at ang isa ay nakahawak sa puwitan niya. Paikutin ang mga daliri sa isang paa. (Madulas ang mga bata kapag basa.) Kung pwede, magpatulong sa isa pang nakakatanda para kuning ang iyong anak ng tuyong twalya.

7. Balutin ang iyong sanggol ng hooded na twalya at dampian ng mabuti hanggang matuyo. Kung ang kanyang balat ay namamalat pa rin pagkatapos ipanganak, pwedeng lagyan ng mild na baby lotion matapos maligo, pero ito ay karaniwang patay na balat na na kailangang matanggal at hindi natuyong balat. Suotan siya ng diaper, bihisan at halikan ang mabangong bumbunan.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Doc, nagkaroon napo ako kagabi tapos nagsex kami nung nov.4&5 ibig sabihin po ba hindi ako buntis? pero 16 papo ang expected date ko eeH. ano po ba ibig sabihin nun doc?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.