Paano maiwasan tigyawat? Nakaka-tagyawat ba pagpuyat? Pangontra mawala

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mga dapat at di-dapat kainin pangontra tigyawat, pimples o acne!


Problema mo din ba ang sobrang dami ng tagyawat sa mukha at libo-libo na ang nagastos mo sa mga creams o gels pero wala namang nangyayari? Madaming paraan para mawala o maiwasan ang tigyawat o acne ng hindi ka naman gumagasta ng malaking halaga.



Ang totoo, nagkakaron ng tigyawat ang isang tao dahil sa mga pag-babagong ginagawa niya sa araw-araw. Baka nag-bago ka ng ginagamit mong shampoo, sabon, sabong panlaba o cream na pang-hilamos. Heto ngayon ang mga paraan para maiwasan mo ang nakakabawas ng kumpyansa na mga tagiyawat:


- Totoo bang nakaka-tigyawat ang pagpupuyat? Kapag nagpuyat ka, late na matulog o kulang sa tulog, mapapansin mo na mas maraming sebo ang ilinalabas ng kutis mo, kaya’t nagkakaroon ka ng pimples of tagiyawat. Isa pa, kapag kulang ang isang tao sa tulog, nakakadagdag ng stress sa kanyang katawan at nagiging sanhi ito ng pagdami ng cortisol sa katawan na dahilan ng tagyawat.


- Pumili ng mga Acne-friendly na make-up. Ang make-up na ginagamit mo at ang dami ng inilalagay mo? Malaki ang epekto niyan! Kapag bibili ng make-up tignan ang label at siguraduhing ito ay oil-free o non-comedogenic. Iwasan ang mga make-up na may cocoa butter o mineral oils.


- Palitan ang punda ng unan mo linggo-linggo. Lahat ng mga dumi at langis na nasagap mo sa mag-hapon, kahit na nag-hilamos ka na eh pwedeng pwede na maiwan sa unan mo. Kung hindi mo papalita ang punda, kakapit at kakapit lang din yan sa mukha mo na magdudulot ng tagyawat o taghiyawat.


- Gumamit ng mga moisturizer. Malamang na may mga cream ka na pangontrol sa tagyawat. Pero kadalasan na, nakaka-dry yan ng balat at mas nagpapadagdag pa nga ng tigyawat. Tiyakin na ang mga ginagamit mo ay nag-momoisturize din. Bago maglagay ng cream, basain muna ang mukha.


- I check ang shampoo at sabon na ginagamit mo. Napansin mo ba na mag-mula ng ginamit mo ang isang uri ng shampoo eh mas dumami ang tagyawat mo? Kapag masyadong mabango ang isang shampoo, matapang ang kemikal niyan na makaka-apekto naman sa mukha mo. Banlawan muna ng maigi ang buhok mo sa umaagos na tubig bago ka maghilamos. Pag dating naman sa sabon na gagamitin mo, icheck din ang tapang ng amoy nito at iwasang gamitin sa mukha, upang hindi maging sanhi ng tighiyawat.


- Palaging maghilamos gamit ang mga acne-fighting na cream o solution. Palaging tiyakin na malinis ang mukha mo at iwasan ang laging pag-hawak o pagpisa pa nga sa tigyawat mo. Magdudulot lang yan ng impeksyon. Isa pa, pwedeng malipat ang dumi galing sa kamay mo at mapunta yan sa mukha mo. Kadalasan ng yung mga mahilig humawak sa mukha nila ang mas tinitigyawat.


- Uminom ng tubig at iwasan ang stress at puyat.


Eto naman ang mga pinakamabisang lunas at gamot, o pagkain na dapat at di dapat kainin:



- Wag magpalabis sa matatamis at alkohol. Mahirap iwasan ang matatamis kasi nasa paligid lang yan at halos lahat ng pagkain natin ay may kasamang asukal. Pero kung masosobrahan ka sa matatamis, mas lalala ang mga acne o tagyawat mo. Ganyan din ang alkohol o mga beer. May mga kemikal yan na nagdadagdag ng stress mo at mas magpapalala ng tagyawat.


- Iwasan din ang sobrang ma lalangis na pagkain gaya ng taba ng karne o mga ulam na masyadong mamantika. Kasama din jan ang mga dairy products gaya ng keso. Walang masama sa mga yan, pero kung sobra-sobra magpapadami yan sa tagyawat mo dahil nagtataglay ang mga yan ng lactose na isa ding uri ng asukal. Iwasan din ang mga tsokolate dahil bukod sa nakakataba yan, mayaman din yan sa asukal.


- Sinasabi din na dapat umiwas sa mga maaanghang na pagkain. Pero hindi pa yan tiyak. Mas maigi na kung iiwasan nalang ang sobra-sobrang pagkain ng maaanghang. Ang pagkain din ng mani ay pwedeng nakakapag palala ng tagyawat pero depende yan sa genes mo. Hindi pa napatutunayan na may epekto nga yan sa tigyawat. Pero base sa ilang pagsusuri at sa karanasan din ng iba, kapag sobra-sobra ang pagkahilig ng isa sa mani, mas nagiging tigyawatin siya.


- Kumain ng pipino at mga gulay at prutas na mayaman sa alkaline. Makakatulong ang mga prutas na matubig gaya ng pakwan o melon. Ang mga prutas din na mayaman sa antioxidants gaya ng beri at ubas ay makakapag hydrate ng balat mo na makakalaban sa tagyawat. Napatunayan din na mahusay ang oyster o talaba, buto ng pakwan at kalabasa at pag-inom ng green tea. Siguarduhing laging may sapat na dami ng tubig ang katawan.


Nakadepende talaga ng malaki sa araw araw na gawain at kinakain mo ang paglago ng tagyawat o tigyawat. Sana nakatulong sayo ang artikulo na yan.



About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.