Paanong Makakagawa ng Matatalinong Sanggol ang mga Buntis?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Dapat seryosohin ang pagbubuntis. Malala ang magiging kapalit kapag hindi ka naging responsable. Ngunit sa halip na pag-usapan dito ang mga masasamang epektong ito, mas magpopokus tayo sa mga bagay ng maaaring gawin ng mga nanay upang lumikha ng matalinong anak. Kagaya ng iba pang bagay, walang iisang teorya ang mga eksperto hinggil sa mga dapat gawin ng mga nanay para magkaanak ng matalino, ngunit mayroon naman silang mga pinagkakaisahan sa isang banda. May ilang mga pagsusuri nang ginawa upang malaman kung saan tumutugon ang mga sanggol, at ito ang aming nalaman.

Paano makagawa ng bata sanggol matalino

Maghanda ng mga kwento!

Bagama’t hindi pa nakakaunawa ang mga sanggol, ang pagbabasa sa kanila ng kwento ay makakaapekto sa kung paano nila maaalala at ano ang mararamdaman nila sa tuwing maririnig ang iyong boses. Kailangan mo ring malaman na nabubuo ang mga pundasyon ng wika sa sinapupunan, at sa ikatlong trimestre ay maririnig na at maaalala ng iyong sanggol ang mga tunog. Hindi kailanman maituturing na masyadong maaga ang pagbabahagi ng iyong paboritong kwento sa iyong anak, kaya’t huwag kang mag-alinlangan na basahan siya anumang oras.


Araw-araw na Pagbibilad sa Araw

Ang Vitamin D, bitaminang nakukuha sa sikat ng araw, ay mahalaga para sa iyo at sa iyong sanggol. Bilang nagdadalang-tao, kailangan mo ng humigit kumulang dalawampung minuto na pagbibilad sa araw araw-araw. Tiyakin lamang na maglagay ng proteksyon para sa iyong balat, tulad ng mga cream. Ang bitamina D ay esensyal sa pagpapatigas at pagpapalusog ng mga buto ng iyong sanggol. Ayon sa ilang mga eksperto, ang kakulangan sa bitamina D ay may kinalaman sa pagkakaroon ng autism, kaya’t dapat lamang na siguraduhing nakakakuha ng sapat na bitamina D.

Pakikipagbonding sa Pamamagitan ng Masahe

Kung nais mong mas maging malapit pa kayo ng iyong anak bago pa man siya maisilang, pupwede mo iyong gawin sa pamamagitan ng iyong mga haplos. Paglagpas ng ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis, mararamdaman na ng sanggol ang mga haplos dahil sapat na ang pagkakabuo ng nervous system. Ayon sa ilang mga pagsusuri, alam ng mga sanggol ang pagkakaiba ng haplos ng ina at ama. Ano pa ang iyong hinihintay? Bigyan ng nakakaginhawang masahe ang iyong tiyan gamit ang mga essential oil. Ang paglalagay rin ng mga oil na ito ay makakabuti para sa mga buntis, sapagkat pinipigilan nito ang paglitaw ng mga stretch mark, at nakakapagparelaks din.


Malusog na mga Ritmo para sa Malusog na Isip

Bukod sa kakayanan ng mga sanggol na tumugon sa pakikipag-usap, kaya nitong tumugon nang higit pa sa mga ritmo at musika. Kapag inaawitan ang iyong tiyan, natutulungan ang iyong sanggol na lumikha ng serotonin at iba pang kemikal na pampasaya. Kung hindi ka marunong kumanta, maaari mo itong patugtugan ng musika, o pupwede mong gamitin ang mga tono na iyong kinakanta at pinapatugtog upang pakalmahin ang iyong anak.


Diyetang May Pagkakaiba-iba

Sagpangin mo ang lahat ng pagkakataon. Kainin mo ang lahat ng pagkaing iyong maiisip, maliban doon sa mayroong mercury. Madalas itong matatagpuan sa mga isdang tulad ng pating, tuna, at swordfish, kung kaya’t kailangan mo itong iwasan. Makabubuti naman sa iyo ang mga isa na mayaman sa fatty acids tulad ng salmon. Mahalagang magsaliksik muna bago kumain upang maiwasan iyong mga makakasama. Mahirap lamang ito sa simula dahil sa paglilihi at pagsusuka, ngunit lilipas din ang panahong iyon. Kapag nalagpasan mo na ang panahon ng paglilihi, kailangan mong kumain nang sapat, regular, at masustansya.


Kailangan ng Balanse ang mga Buntis

Habang nagbubuntis, mahalagang pakinggan ang sinasabi ng iyong katawan. Bawal ang sobrang pagpapagod sa loob ng siyam na buwan ng pagdadalangtao. Gayunpaman, mahalagang maging aktibo pa rin sa buong panahong iyon dahil kailangan mo at ng iyong sanggol ng ehersisyo. Marami nang mga gadget ang maaari mong magamit upang maitala ang distansyang iyong nailalakad, at nakakatulong ang mga iyon upang lumikha ng routine na gagawin nang tuloy-tuloy. Kailangang mapuno ng mahahabang pahinga, masustansyang pagkain, at ehersisyo ang iyong mga araw. Anumang bagay maliban sa mga ito ay hindi na dapat binibigyan ng panahon.


Bawal ang Mapagod at Ma-stress

Sa sandaling malaman mong buntis ka, kailangan nang ipagbawal ang stress at pagod sa loob at labas ng iyong tahanan. Lahat ng tao at bagay na nagdudulot sa iyo ng pagkabalisa at pag-aalala ay kailangang isantabi nang pansamantala. Nararamdaman ng iyong anak ang lahat ng iyong nararamdaman – at pareho kayong maaapektuhan ng anumang problemang darating. Mas mabuting magsanay na pahabain ang pasensya gamit ang pagninilay-nilay at yoga. Ang dalawang ito ay makakatulong upang mabawasan ang stress sa iyong katawan at isip. Gayunpaman, kung hindi mo pa nasusubukang magyoga noon, huwag mo nang tangkaing magsimula pa ngayon. Ang patakarang iyon ay maipapatupad sa lahat ng mga gawain. Ang pagsisimula ng ehersisyo sa panahon lamang na malaman mong buntis ka ay makakasama lang at makakapagod ng iyong katawan. Huwag mong hayaang mangyari ito.


Ngayon alam mo na ang mga paraan kung paanong makakagawa ng matalinong sanggol ang mga buntis na ina. Ganunpaman, kailangan mo pa ring magbasa hinggil sa iba pang bagay na iyong makakaharap, at tanungin ang iyong doktor bago mo pa sundin ang anumang pamamaraan, simple man o kumplikado ang mga ito. Magkakaiba ang bawat pagbubuntis, at maaaring maging komportable at nakakakalma ang isang bagay sa isang babae, ngunit maging kabaligtaran sa iba. Magdahan-dahan lamang, pag-isipang mabuti ang bawat desisyon na gagawin, at siguradong magiging maayos ang kalagayan ng iyong sanggol.



About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.