Pagbabago ng Kulay, Anyo, at Itsura ng DUMI o Tae

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Mga katotohanan tungkol sa pagbabago ng kulay, anyo, at itsura ng dumi

Ang kulay ng karaniwang dumi (tae) ay madalas na mapusyaw hanggang matingkad na kulay-kape.

Bagama’t maaaring maging normal ang pagpapalit ng kulay ng dumi, karamihan ng mga pagbabago ay dapat masuri.

Ang mga sintomas na may kaugnayan sa pagbabago ng kulay ng dumi, kung mayroon man, ay mga sintomas ng tunay na dahilan ng pagbabago, halimbawa ay mga pagkain, inumin, kundisyon, o mga sakit, kagaya ng:

- diyeta (beets, diyetang mayaman sa mga berdeng gulay, anis),

- sakit sa apdo,

- sakit na celiaco,

- ulcerative colitis,

- sakit na Crohn’s,

- mga tumor,

- diverticulosis,

- mga kanser, o

- almuranas.

Ang mga pagbabago sa kulay ng dumi ay maaaring dahil sa pagtatae; pagdurugo sa bituka; mga sakit sa bituka, atay, o lapay; at mga gamot.

Ang berdeng dumi o tae ay karaniwan nang kulay ng dumi kapag nagbabago ito. Maaaring dahil iyon sa likidong apdo na nasa dumi dahil masyadong pinabibilis ng pagtatae ang paggalaw ng pagkain sa bituka nang sa gayon hindi na natutunaw ang kemikal, o maaari ding ang berdeng kulay ay dahil sa mga partikular na pagkain tulad ng berdeng madadahong gulay o berdeng food coloring.

Ang pula o itim na dumi ay maaaring senyales ng pagdurugo sa GI tract (mula sa lalamuan, tiyan, small intestine o bituka) at hindi dapat isawalang-bahala.

Kapag nagbabago ang kulay ng dumi, ang mga pagsusuring kailangang isagawa ay nakabatay sa pinaghihinalaang dahilan ng pagbabago ng kulay ng dumi. Halimbawa, maaaring kailanganin ang gastrointestinal endoscopy upang suriin ang mga duming kulay pula o itim kung naghihinala ng pagdurugo.


Ang paggagamot sa pagbabago ng kulay ng dumi ay paggamot sa pinakadahilan nito.

Continue reading: Sintomas at sanhi ng pagbabago ng kulay ng dumi o tae

Lunas sa pagbabago ng kulay ng tae


About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Paano po ung sa kakaunti lang ang idinudumi?may iniinom po kasi akong gamot omeprazole,hindi ko po alam kung side effect ba ng gamot o may iba pang problema.ung tipong kelangan ko pa po iiri ng sobra bago lumabas tas sobrang kaunti lng ng nailalabas ko.d po akma ung dami ng dumi sa kinakain ko sa isang araw.ultimo pag utot hirap ako.ano po kaya ito