Pagdadalaga: Pagbabago sa Katawan ng Babae, Ugali, Suso, Buhok Singit, Tagihawat,PMS

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Pagdadalaga– isa itong napakakakaibang panahon. Nagbabago ang iyong katawan, gayundin ang lahat ng iba pa sa iyong buhay. Ngunit ano nga ba ang dahilan ng lahat ng pagbabagong ito?

Alam mo bang sinasabi ng halos lahat na ang pagdadalaga ay punung-puno ng nag-uumapaw na hormones? Medyo totoo ang kasabihang iyon. Biglang nagigising ang matagal nang tulog na mga hormones sa iyong katawan, na siyang nagbibigay ng senyales sa iyong katawan na pumasok sa punto ng pagdadalaga. Maaaring isipin mong hindi ito gaanong mahalaga, ngunit ang mga hormone ang siyang nagdudulot ng mga pagbabagong dala ng pagdadalaga:

- Oras ng Pagdadalaga

- Mga Suso

- Mga Buhok sa Singit o Bulbol

- Paglaki

- Mga Tagihawat


Panahon ng Pagdadalaga

Hindi magkakasabay na nagdadalaga ang lahat, at iba-iba rin ang tagal ng panahon ng pagdadalaga para sa iba’t ibang tao. Maaari itong magsimula nang ‘sing aga ng 8 taong gulang o ‘sing huli ng 13 taong gulang. Maaaring tumagal nang isa at kalahating taon hanggang anim na taon ang sunud-sunod na bahagi ng pagdadalaga—mula sa paglaki ng mga suso hanggang sa buong pagka-mature ng katawan.

Minsan, mahirap ito para sa mga babae dahil mayroong ilan sa kanilang mga kaibigan na nagdadalaga na o ‘di kaya ay tapos na sa pagdadalaga bago pa man sila magsimula. Gayunpaman, walang paraan upang pabagalin o pabilisin ang prosesong ito, bagama’t dadaan at dadaan ang lahat sa pagdadalaga, kaya huwag kang matakot dahil mangyayari rin ito sa iyo!

Maaaring narinig mong mas nagma-mature ang mga babae kaysa sa mga lalaki, at bahagyang may katotohanan iyon, dahil kadalasan ay nauunang magdalaga ang mga babae nang 2 taon kaysa sa pagbibinata ng mga lalaki.

Nasa ibaba ang pangkalahatang time line para sa mga pisikal na pagbabago na nagaganap habang nagdadalaga ang mga babae:

Pangyayari

        • Paglaki ng Suso: 8-13 years old
        • Pagtubo ng buhok sa singit o bulbol: 8-14 years old
        • Paglaki ng katawan: 9-14 years old
        • Unang regla: 10-16 years old
        • Buhok sa kili-kili: 2 taon matapos tumubo buhok sa bulbol
        • Tagihawat: Halos kasabayan buhok sa kili-kili

Tandaan, hindi magkakapareho ang pagdadalaga para sa lahat, kaya’t mayroong ibang babae na tutubuan muna ng buhok sa singit/bulbol bago lumaki ang kanilang mga suso, at ito ay karaniwan lamang.


Dagdag na Impormasyon sa Bawat Pisikal na Pagbabago:

Mga Suso

Nagsisimulang lumaki ang mga suso sa pagitan ng 8 hanggang 13 taong gulang at nagpapatuloy sa buong panahon ng pagdadalaga.

Nagsisimula ang paglaki ng mga suso sa paglaki ng pantay na bahagi sa paligid ng utong (areola) at pamumuo ng ilang breast tissue sa ilalim ng utong. Kapag nakumpleto na ang paglaki ng mga suso, ang bawat suso ay may pagkakaiba at hindi na magmumukhang namamaga ang utong.

Nag-iiba-iba ang sukat ng dibdib sa bawat babae, at walang ibang paraan upang palakihin o paliitin ang iyong suso maliban sa pagsailalim sa plastic surgery, na hindi palaging ligtas o mabuti sa katawan.

Buhok sa Singit/Bulbol

Nagsisimulang tumubo ang buhok sa singit/bulbol sa kahabaan ng vaginal lips, ang bukana ng iyong ari. Nagiging mas maitim at magaspang at tumutubo na tila baligtad na tatsulok ang buhok sa singit/bulbol. Minsan, umaabot ang buhok/bulbol sa singit ng mga hita.

Paglaki at pagtangkad

Ang pagdadalaga ay nagdudulot din ng growth spurt o biglaang paglaki, na nagreresulta sa karaniwang paglaki na nasa 3.5 pulgada kada taon.

Ang iyong ulo, mga kamay, at paa ang unang lumalaqki o humahaba. Pagkatapos ay lalaki o hahaba ang iyong mga braso at hita, at sa wakas ay lalaki na ang iyong katawan at balikat na aayon sa iyong buong katawan.

Kung makakagaan ng iyong pakiramdam, magandang isipin na lahat ng tao ay dumadaan sa nakakailang na yugtong ito, kaya hindi ka nag-iisa! Ang pagtangkad, siyempre, ay may kasabay na pagbigat ng timbang.

Ang pagbigat ng timbang na ito ay sadyang karaniwan at isang bahagi ng pagdadalaga. Hindi ka tatangkad, magkakasuso, o magkakaregla kung hindi madadagdagan ang iyong timbang.

Tagihawat

Sa wakas, tumutubo na ang buhok sa iyong kili-kili, at nagsisimula nang magdebelop ang iyong mga sweat at oil gland (na lumilikha ng pawis at langis), na sa kalaunan ay hahantong sa tagihawat kapag nabarahan ang mga gland na ito.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga tagihawat, maghilamos ng mukha nang dalawang beses araw-araw. Kung madalas ka pa ring magkatagihawat, magandang kumonsulta sa isang dermatologist.


Impluwensya ng Pagdadalaga sa Pag-uugali ng Babae

Kapag nagdadalaga ang isang babae, maraming nangyayaring pagbabago sa kanyang katawan. Bilang karagdagan sa pagbabago sa kanyang hitsura, maaari ring humantong ang mga pagbabagong ito sa ilan sa mga sumusunod na pag-uugali:

- Madalas na pagtulog

- Pabago-bago ng mood

- Masturbation o pagsasalsal


Ang ilang mga babae ay nakakaranas ng premenstrual syndrome (PMS) sa panahon ng kanilang mga regla. Maaaring kabilang sa PMS ang pananakit ng ulo, pananakit ng likod, pagkairitable o pabago-bago ng mood, pagkalungkot o pagiging emosyonal, pamamaga ng puson, at pananakit ng mga suso. Ang ibang babae ay hindi nakakaranas ng mga sintomas na ito, habang ang iba ay nararanasan ang lahat at malamang may iba pang dagdag. (Ang pagbabawas ng maaalat na pagkain at caffeine ay makakatulong na bawasan ang mga sintomas na ito.)


Continue reading: Emosyonal na pagbabago sa pagdadalaga


Continue reading: Pagbabago sa katawan ng lalake sa pagbibinata


Continue reading: Epekto ng maagang pagdadalaga o pagbibinata


About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Kevin Leyva
is a chef in the Philippines
baki po di ma copy need po aksi sa assignment thanks po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc yung anak ko babae 5 years old. sabi ng pedia nya dalhin namin sa pedia-endocrinology. nakapa kasi namin na may breast bud na sya sa right side na dede. dapat na po ba ako mag worry?? napaka bata pa po kasi. nagbabasa ako sa google once nag start na dede, 2-21/2 yrs eh pwde na mag regla, pagnagktaon doc 7 years old lang po sya nun. wala pa kamuwang muwang.