Paghilik o Snoring: Ano sanhi, gamot at lunas

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Paano tigilan o gamutin ang malakas na paghihilik?


Ang paghihilik ay isang kondisyon na maaaring makaapekto sa kahit sino, ngunit mas karaniwan ito sa mga kalalakihan at mga taong overweight. Nangyayari ang paghilik kapag naglalabas o gumagawa ang isang tao ng magaspang na tunog o ingay habang natutulog (a loud, harsh breathing sound that occurs during sleep). Hindi naman ito seryoso o delikado sa kalusugan ngunit nakakaistorbo ang ingay para sa ibang kapwa tao. Kung minsan, maaari ding indikasiyon ito ng iba pang problema sa kalusugan. Nabubuo ang tunog sa paghilik kapag nababara o kaya ay nahaharangan ang paghinga habang natutulog. Dumadaan ang hangin sa mga relaxed tissues kung saan nagva-vibrate ang mga ito habang humihinga. Ang pag-vibrate na ito ang gumagawa ng tunog sa paghilik.


Sintomas at diagnosis ng Paghilik


Depende sa sanhi ng iyong paghilik, maaaring ang alin sa mga sumusunod ang sintomas:


· Ingay habang natutulog


· Sobrang pagka-antok sa umaga


· Hirap sa konsentrasyon


· Pagkakaroon ng sore throat


· Hindi mapakali sa pagtulog


· Choking o hieap makahinga sa gabi


· Mataas na presiyon ng dugo


· Pananakit ng dibdib sa gabi


Snoring is described as making a noticeable sound during sleep. It is both embarrassing and disturbing not only to yourself, but also to other people who sleeps with you. It usually happens when a person is in the deepest stage of sleep (around 90 minutes after falling asleep) and heard the loudest when a person sleeps on their back.


Snoring varies in frequency and is classified as Grade 1 (infrequent and not loud), Grade 2 (more than three days a week with mild to moderate breathing difficulties) or Grade 3 (every night and the sound is heard outside the room). On the other hand, if snoring interferes with sleep, other symptoms such as poor memory and concentration, headaches (particularly in the morning), irritability and a short temper, anxiety, depression and lack of interest in sex may also be experienced by the patient.

Kailangang magpatingin sa doktor kapag ang paghilik ay masyadong malakas at nakakaistorbo sa pagtulog ng partner o kaya kapag nagigising ang humihilik na nachochoke o naghahabol ng hininga. Maaari itong maging indikasyon ng mas delikadong karamdaman kagaya ng obstructive sleep apnea.


Dahilan ng Paghilik


Nangyayari ang paghilik kapag ang daanan ng hangin mula sa ilong o bibig ay nahaharangan. Ang mga sumusunod ang maaaring dahilan nito:


· Obstructed o barado na nasal airways (barado o nahaharangan ang daanan ng ilong) Para sa ilang mga tao, humihilik lang sila kapag may allergy o impeksiyon sa sinus. Ang mga nasal polyps at deformities ay maaari ding magdulot ng pagbabara o pagharang sa daanan ng hangin.


· Mababang muscle tone ng lalamunan at dila. Ang masyadong relax na muscles ay maaaring mag-collapse at mapunta sa likod na bahagi ng airway. Ang malalim na tulog, pag-inom ng alcohol at sleeping pills, at ang normal na aging process ay nagdudulot nito sa mga muscles.


· Malaki na throat tissue. Ang pagiging overweight ang nagdudulot nito.


· Anyo ng bibig. Ang mababa at makapal na soft palate ay nagdudulot ng paninikip ng airway. Ang mga overweight ay maaari din magkaroon ng karagdagang tissues na magdudulot ng paninikip. Kapag nagvibrate ang mga ito at nagkabangga-bangga, binabara nito ang airway at magdudulot ng paghilik.

Snoring occurs when the flow of air through the mouth and nose is physically obstructed. This obstruction is possibly due to various factors. For example, some people may snore during allergy seasons or when they have a sinus infection because these conditions may contribute to the obstruction of the nasal airways. On the other hand, poor muscle tone in the throat and tongue due to alcohol consumption and intake of some sleeping pills can also cause the tongue to fall back into the airway. Lastly, bulky throat tissue, which is often experienced by obese patients and children with large tonsils and adenoids as well as long soft palate or uvula can also obstruct the airway.


Gamot, remedies at cure sa Paghilik (Treatment, Cure)

Lifestyle changes at home remedies ang unang hakbang sa paggamot ng paghilik. Kadalasang epektibo ang mga sumusunod na agapan ang kondisyon na ito:


· Magbawas ng timbang kung kinakailangan.


· Matulog sa parehong oras gabi gabi at matulog ng matagal.


· Matulog sa tagiliran at hindi nakahilata.


· Iwasang uminom ng alcohol at sedatives bago matulog.


· Iwasang manigarilyo.


· Itaas ang pang-ulo na parte ng higaan ng 4 hanggang 6 na inches sa pamamagitan ng paglagay ng brick o kaya ay kahoy sa baba ng kama. Hindi uubra ang pag-angat ng ulo at upper body gamit ang unan lamang.


· Gamutin ang dahilan ng pagbabara ng ilong kagaya ng sipon o allergy. Kapag barado ang ilong, maaaring uminom ng nasal decongestant.


· Gumamit ng nasal strips para lumuwag ang nostrils at mag-improve ang airflow.


Ngunit kapag hindi umubra ang mga ito, may ibang mga paraan upang magamot ang paghihilik kagaya ng surgery, paggamit ng mouthpiece o kaya ang paggamit ng pressurized na mask sa tinatawag na Continuous Positive Airway Pressure (CPAP).

Since the root cause of snoring is obstruction of the airway, you may change some of your habits that can lead to this. First, you may change your sleeping position, from supine to side-lying position. Also, you can use bed wedge or extra pillows to open up the airway. You can also do some remedies such as taking hot shower before you go to sleep or steam inhalation to clear your nasal passages before you sleep. Moreover, if obesity is the main cause of snoring, losing weight can help you solve the problem. Lastly, minimize or avoid the use of alcohol and sedatives that can reduce the resting tone of the muscles in the back of your throat.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Maaari bang ang sleep apnea ay nananalatay sa magkakapamilya? Kini bang sleep apnea makuha sa mga magkaka-pamilya?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Sa kasalukuyan ay hindi pa ito matiyak at kakailanganin pa ng maraming pagsasaliksik. Ang sleep apnea ay maaaring dulot ng maraming sanhi, at posibleng ilan sa mga ito ay nananalaytay sa magkaka-dugo. Ang pagkakaroon ng kapamilya na may sleep apnea ay nagpapataas sa iyong tsansang magkaroon nito.
Ang mga kadahilanan tulad ng laki ng tonsil, malaking “uvula”, ay maaaring mayroon sa magkakapamilya at kahit alin sa mga ito ay nagpapataas sa iyong tsansa na magkaroon ng sleep apnea.
Ang pagiging sobrang taba rin at mabigat na timbang ay nagpapataas sa tsansa ng sleep apnea. Datapuwat ang sobrang katabaan ay konektado sa iyong pagkain at kung gaano ka kadalas nag-eehersisyo, posible rin na ang ilang mga tao ay namana ang “genes” ng katabaan na nagpapataas sa tsansa nilang maging mataba. Kaya naman may ibang pamilya na mas madalas na “nagsno-snore” kaysa sa iba.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Makakatulog po ba ako gamit ang continuous positive airway pressure (CPAP)?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Maaaring magbilang ng ilan pang mga gabi bago maka-adjust sa pagtulog na may CPAP, subalit, kapag ikaw ay nasanay na dito, mapapansin mong mas malaki ang mabuting dulot nito sa kalidad ng iyong pamumuhay.
Ang CPAP pumps ay maliliit at tahimik, kaya naman hindi sila ganoon kadisturbo sa iyong pagtulog. Ang pagsusuot ng mask ay hindi kaaya-aya sa simula subalit masasanay ka rin ng dahan-dahan dito. Ikaw rin ay makakatulog na ng mas mabuti at hindi na mapupuyat paggising sa umaga.
Maraming mga tao ang karaniwang ginagamit ang kanilang CPAP nang pangmatagalan. Subalit, kapag napapansin mong ikaw ay nagkaka-problema, dapat mong i-kontak ang sleep clinic kung saan mo nabili ang iyong makina. Maaari kang sumubok ng ibang mga mask, ibang makina, o “humidifier equipment” kung ang iyong bunganga ay tumutuyo. Maraming mga tao ang napapansing kailangan muna nila ng “troubleshooting” sa pagsisimula sa paggamit. Ngunit maraming tao ang nasasanay rin sa paggamit ng CPAP at maganda ang dulot nito sa kanila.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pwede ba magmaneho pag merong sleep apnea? Nahibal-an humihilik?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Magde-depende ito kung gaano kalala ang iyong kondisyon at kung ikaw ba ay sumasailalim sa gamutan upang mapabuti ang iyong sintomas. Bilang isang pangkabuuan na patnubay, hindi kailanman dapat magmaneho kapag ikaw ay inaantok. Ang mga taong hindi masyadong gising at inaantok habang nagmamaneho ay mas mataas ang tsansang magdulot ng trapiko at aksidente sa daan. Kaya naman, kapag madali kang inaantok sa umaga at madaling mapuyat, hindi ka na dapat magmaneho.
Lahat ng drivers ay mayroong responsibilidad na maging akma sa pagmamaneho – kasali na dito ang pagiging gising na sapat upang maging ligtas ang pagmamaneho. Kaya naman, sa pinakamadaling panahon na naturang meron kang sleep apnea, dapat mong ipag-bigyang alam sa driver and vehicle licensing agency o LTO ang iyong kondisyon. Makikipag-komunikasyon sa iyong doktor o sleep specialist at papayuhan ka sa iyong pagmamaneho. Ang iyong sintomas at progreso sa gamutan ay kanila ring susubaybayan. Kapag ang iyong mga sintomas ay hindi bumubuti, o kaya’y hindi mo ginagamit ang iyong therapy, mayroong tsansa na bawiin ang iyong lisensya, ngunit hindi naman ito madalas mangyari.
Kapag ikaw ay isang “commercial driver” (halimbawa, driver ng bus), kakailanganin mong sumailalim sa masusing pagsusuri sa iyong kondisyon at plano sa gamutan. Ito ay maaaring mangahulugang kailangan mong mag-renew ng lisensya kada taon.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Narinig ko na ang pagpapatunog ng didgeridoo ay nakakatulong daw po sa sleep apnea, totoo ba ito? Nadunggan nako nga ang pagtukar ug didgeridoo kay makatambal sa sleep apnea, tinuod ba ni?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
May mga ebidensyang nagsasabi na ang pag-aaral matuto at tumugtog ng “didgeridoo” ay nagpapabuti sa pakiramdam mula sa sleep apnea subalit ang saliksik na ito ay limitado lamang at kaunti lamang ang naisagawa. Ang pinakamalaking pananaliksik ay naganap noong 2006, ngunit wala nang iba pang naisagawang pag-aaral upang masuportahan ang naunang pag-aaral.
May ibang tao na napapansing ang pag-aaral tumugtog ng “didgeridoo” sa loob ng ilang mga buwan ay tumutulong sa mga may sleep apnea na makatulog sa gabi at nababawasan ang pagka-antok nila sa araw. Ito marahil ay ang pagpapatunog ng “didgeridoo” ay tumutulong na lumakas ang kalamnan ng daanan ng hangin sa pamamagitan ng pamamaraang ginagamit dito at yun ay ang pag-ihip nito nang malakas. Kapag ang kalamnan ng iyong daanan ng hangin ay mas nagiging malakas, mas maliit ang tsansang sila ay bumigay habang ikaw ay natutulog.
Subalit, ang pagtugtog ng “didgeridoo” ay hindi alternatibong gamot para sa malubhang sleep apnea. Marami pang pagsasaliksik ukol sa alternatibong pamamaraan ang nangangailangan ng pag-aaral bago matanggap na lunas. Sa kabilang banda, tulungan na lamang ang iyong sarili na gumawa ng pagbabago sa uri ng pamumuhay tulad ng pagbabawas ng sobrang timbang o pagtigil sa paninigarilyo. Ang iyong doktor o sleep specialist ay maaaring mag-rekomenda na patuloy kang gumamit ng continuous positive airway pressure o “oral appliance” upang mabawasan ang iyong sintomas.
Mark  Cruz
is in the Philippines
Tanong lang po nagigising po ako ng bigla na hindi mkahinga at parang kinakabahan at masakit ang dibdib sleep apnea po ba eto? Oh GERD?
JOEL GACOTE
is a SECRETARY in the Philippines
Isa po akong DJ sa isang Radio Station (101.5 Infinite FM) dito sa Carmen, Davao del Norte at ang aking program ay Kalusugan sa Tahanan kung saan pinag-uusapan namin ang karaniwang mga suliranin sa kalusugan sa loob ng tahanan. Malaking tulong po sa akin ang mga artikulo tungkol sa kalusugan. Maraming salamat at nawa ay marami pang artikulo ang aking mababasa dito bilang gabay sa aking programa. (DJ CUCAII)