Pagtanda: Karaniwang suliraning pangkalusugan kaakibat?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Anu-ano ang karaniwang suliraning pangkalusugan ang kaakibat ng pagtanda?

Ang pagtanda ay bahagi ng buhay ng isang tao na maaaring magdulot ng pagbabago hindi lamang sa ating panlabas na anyo kundi pati na rin sa ating kalusugan. Maaaring habang tayo'y tumatanda, mapapansin natin ang ilang pagbabago sa ating balat gayundin sa ating kakayahang gampanan ang iba't ibang tungkulin bilang isang miyembro ng pamilya at ng lipunan. Marahil noon ay kayang-kaya nating maglakad ng malayo o gumawa ng mabibigat na trabaho. Subalit kaakibat ng pagtanda, maaaring makaranas siya ng hirap sa paggawa ng mga bagay na madali lamang para sa kanyang gawin noon. Dahil dito, makatutulong na malaman natin ang mga posibleng maranasan sa ating pagtanda nang sa gayon ay magawa natin ang ilang mga hakbang nang sa gayon, kung maaari, ay maiwasan natin ang matinding epekto nito sa ating kalusugan.


1. Sobrang timbang at ang mga karamdamang dala nito. Ayon sa pananaliksik, sinasabing tatlong-kapat (3/4) ng mga taong edad 60 pataas ay sobra ang timbang na siyang nagdudulot ng iba't ibang sakit gaya ng diabetes, kanser at altapresyon. Ang posibilidad ng pagkakaroon ng mga sakit gaya ng nabanggit ay maaaring maiugnay sa sumusunod:

a. Sukat ng bewang na higit sa 40 pulgada para sa lalaki at 35 pulgada para sa babae

b. Triglyceride level na umaabot sa 150 mg/dL o higit pa

c. HDL level na mas mababa sa 40mg/dL para sa lalaki at 50 mg/dL para sa babae

d. Blood pressure na umaabot ng 130/85 o higit pa

e. Fasting glucose level na umaabot sa 110 mg/dL o higit pa

2. Rayuma. Halos kalahati ng tumatandang populasyon ang nakararanas ng rayuma at ang karamdamang ito ang isa sa mga pangunahing nakaaapekto sa kakayahang gampanan ang kanilang tungkulin. Upang maiwasan ito, makatutulong ang pagbabawas ng timbang, regular na pageehersisyo at ang pag-iwas sa madalas na pagtayo nang matagal.

3. Osteoporosis. Ayon sa National Osteoporosis Association, ang pagkakaroon ng osteoporosis ay hindi normal na bahagi ng pagtanda. Sa halip, ito ay resulta ng paninigarilyo, labis na pag-inom ng alak at hindi sapat na pagkonsumo ng pagkaing mayaman sa calcium. Bukod dito, karaniwan din itong nararanasan ng mga kababaihan lalo na kung sila ay nagdalang-tao sapagkat ang calcium ay kailangan para sa paglaki ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Dahil dito, kapag kulang ang nakukuhang calcium mula sa kanyang kinakain, kinakailangang gamitin ang calcium na nabinbin sa kanyang buto upang mapanatili ang normal na paglaki ng sanggol. Ang pagkakaroon ng osteoporosis ay maaaring magresulta sa madaling pagkabali ng buto (fracture).

4. Menopause. Ang menopause ay karaniwang nararanasan ng mga kababihang edad 45 taon pataas at sa panahong ito, hindi na maaaring magdalang-tao ang isang babae. Ang ilan sa mga sintomas ng menopause ay madalas na pag-init ng pakiramdam, pagpapawis sa gabi at panunuyo ng pwerta.

5. Pagiging makakalimutin. Gaya ng osteoporosis, ang pagiging makakalimutin ay hindi normal na bahagi ng pagtanda. Maraming taong kahit matanda na ay matalas pa rin ang memorya. Ang ilan sa mga hakbang upang maiwasan ang pagiging makakalimutin ay ang pagkakaroon ng disiplina upang mapababa ang cholesterol at blood pressure, pagpapanatili ng tamang timbang, pag-iwas sa paninigarilyo, regular na pageehersisyo at pakikisalamuha sa ibang tao.


Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga suliraning pangkalusugang kaakibat ng pagtanda. Upang maiwasan ang mga ito, makatutulong kung sisimulan mo sa pagsuri kung ano ang uri ng iyong pamumuhay nang sa gayo'y habang maaga ay makagawa ka ng hakbang upang mabago ang mga kaugaliang maaaring magdulot sa pagkakaroon ng karamdaman sa iyong pagtanda.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.