Para saan po kinakailangan ang in-vitro fertilization (IVF)? Procedure, cost, how transfer artificial insemination

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Para saan po ginagamit at kinakailangan ang in-vitro fertilization (IVF)?



Topic: What is in-vitro fertilization used for?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang IVF ay isang “fertility treatment” na ginagamit upang matulungan ang mga mag-asawang magkaanak. Ito ay maaaring gamitin upang maiwasan ang pagdevelop ng iba pang problema sa kalusugan.
Ang IVF ay nangyayari kapag ang itlog at ang “sperm” ay magkasamang hinahalo sa laboratory upang makalikha ng fertilisadong itlog. Ito ay kinokonsidera para sa mga taong may karamdaman. Ang mga karamdamang ito ay nasa ibaba.
• Ang IVF ay makakatulong kung ikaw ay may barado, nasira o namatay na “fallopian tubes”. Ang “fallopian tubes” ang nagdadala ng itlog mula sa iyong obaryo patungo sa iyong “uterus” o puson. Para sa ibang mga kababaihan, may operasyon na maaaring isagawa upang maisaayos ang “fallopian tubes” upang sila ay gumana uli nang mabuti. Ang IVF sa kabuuan, ay ang pangunahing pagpipilian para sa mga babaeng may malubhang depekto sa mga “fallopian tubes”.
• Ang IVF ay maaaring gamitin kung ikaw ay may “endometriosis”. Ito ay nangyayari kung ang “cells” na makikita sa iyong uterus (endometrium) ay tumutubo sa labas ng iyong puson. Ito ay karaniwang umaapekto sa mga obaryo. Ang IVF ay karaniwang ginagamit kung ang malubhang “endometriosis” ay nagdudulot ng problema sa fertilidad.
• Ang IVF ay maaaring gamitin kung ang lalaki ay mas kaunti ang dami ng “sperm” o hindi maganda ang kalidad ng “sperm”.
• Ang IVF ay maaaring pag-isipan ng mga kababaihang may problema sa “ovulation” na hindi nagreresponde sa ibang mga pamamaraan ng pagiging fertile. Halimbawa, sa mga kababaehang may “polycystic ovaries”, kung ang mas simpleng pamamaraan ng “ovulation induction” ay hindi nagging matagumpay.
Kung ikaw ay may mga katanungan o saloobin tungkol sa IVF, makipag-usap sa iyong doktor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hi doc arvin, may polycystic po aq at tuloy po ang paginom ko ng metformin at eveprim rose once a day lang ako nagtake ng parehong gamot, ang mga may polycystic cyst po ba sa ovary ay mahihirapan magkaanak? Nakasched na din po ako para sa pap smear para san po ba yung papsmear 29 yrs old po aq at 30yrs old na po asawa ko at 6mos pa lang po kami nagsasama, sana matulungan nyo po ako.... Salamat po

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.