Paraan sa paglagay ng benzoyl peroxide sa taghiyawat? Punggod, bugas-bugas-Fight against acne on face

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano po ang pinaka magandang paraan sa paglalagay ng benzoyl peroxide para sa taghiyawat? Punggod, bugas bugas


Topic: What is the best way to apply benzoyl peroxide for acne?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Dapat ilagay ang mga produktong may benzoyl peroxide isa o kung kinakailangan ay dalawang beses sa isang araw. Ang benzoyl peroxide ay mabibili sa iba’t ibang formulations. Maaring may mga hiyang sa iyo at yung iba naman hindi.
Ang benzoyl peroxide ay mabibili over the counter, maari itong cream, gel o wash. Pwede mong subukan ang iba’t ibang klase upang malaman kung ano ang pinaka epektibo sa iyo. Halimbawa, maaring ang ibang mga formula, tulad ng wash, ay mas mainam gamitin sa paggamot sa parte ng iyong dibdib o likod. Ang iba naman (tulad ng cream o gels), ay mas madaling ipahid sa iyong mukha.
Bago mo gamitin ang benzoyl peroxide treatment, dapat mo munang hugasan ang iyong mukha ng mild na sabon at maligamgam na tubig at hayaan mo muna itong matuyo ng 20 minuto. Importanteng mapatuyo mo ng mabuti ang iyong mukha bago ipahid ang treatment, dahil kung hindi, ang produkto ay magbubuo ng manipis na layer sa iyong balat, na sa katagalan ay mamamalat. Dapat mo itong maipahid sa lahat ng bahagi na apektado ng acne, hindi lang sa mga parte na mayroong marka. Huwag gumamit ng masyadong marami, halimbawa, ang sindami ng isang butil ng patani ay sapat na para sa iyong buong mukha. Maaring kailangan mo itong ulitin ng minsan o dalawang beses sa isang araw. Ang benzoyl peroxide ay maaring makapagdulot ng skin irritation, tulad ng pamumula, pangagati at paglalangib kapag ito’y una mong gagamitin. Ngunit, kapag binawasan mo ang dami ng beses ng pagamait, pero regular ang pagpahid, ang irritation ay magiimprove. Sa kabilang banda, maari ka din gumamamit ng mas mhinayang treatment. Dapat mong basahin lagi ang patient information leaflet na kasama ng iyong gamot, at kung may katanungan ka, sumangguni sa iyong pharmacist.

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.