Kamusta Po Kayong Lahat?
Ako ay bumabati sa mga bagong bayani ng bayan at sa lahat ng mga Pilipino sa mundo ng Manigong Bagong Taon! Ginhawa ng buhay, mas malalim na pananampalataya at mabuting kalusugan po ang aking kahilingan sa ating lahat.
Malugod po akong humihingi ng paumanhin sa mga hindi agad nasagot ang kanilang katanungan sa mga nakalipas na buwan. Ang BuhayOFW ay patuloy na nagninilay nilay ng mas maayos at mabilis na pakikipagpanayam sa inyong lahat lalo na sa usaping pangkalusugan. Pinapangako po ng Doctor's section o iyong pulong pangkat pangkalusugan na matutugunan na po namin ang inyong mga katanungan ng mas mabilis, malinaw at makatwiran. Dumadami na rin ang grupo ng mga mga mahuhusay na duktor na sasagot sa inyong katanungan sa susunod na mga araw.
Iniimbitahan ko po kayong lahat na magtanong at sumangguni sa inyong mga isyung pangkalusuguan. Ang website na ito ay ginawa para sa mga Pilipino. Dahil ang mga Pilipino ay nagdadamayan, saan mang panig sa mundo. Mabuhay po tayong lahat!
Lubos na Gumagalang,
Randolf B. Gucyam M.D
*I-like rin po at I-share ang ating website sa facebook(www.facebook.com/buhayofwcom/?pnref=lhc) para maipahayag ito sa lahat ng OFW's sa mundo. Maraming Salamat Po!