Pwede ba ipa-abort baby na 3 months? Cytotec hindi tumalab, What is safe abortion or how?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

DOC, PWEDE KO PA PO BANG IPA-ABORT YUNG BABY KO NA 3 MONTHS NA? DATI NA PO AKONG UMINOM NG CYTOTEC PERO HINDI TUMALAB EH.. MAY SAFE ABORTION PO BA NA IBA?


Translation: Can I abort 3 months baby/fetus in my womb? I drank Cytotec, but it didnt't work. Is there another safe abortion method or alternative?


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ano ang reason mo at bakit gusto mo ipalaglag ang pinagbubuntis mo? Meron ka bang sakit na magiging delikado ng buhay mo? O takot ka sa iyong mga magulang, di kaya nahiya kang malagay sa kahihiyan? Ako po ay concern lang sayo kaya ang maipapayo ko ay iwasan mo na ang pag-inom ng gamot pampalaglag at hayaan mo nalang na mabuhay ang baby sa iyong sinapupunan.

Kung ikaw ay nahihiya o natatakot sa maaaring sabihin ng kapwa mo lalo na sa pamilya mo, tiisin mo na lang dahil saglit lang yan at matatanggap din nila ang nangyari sayo. Kesa naman sa habang buhay mo itong dalahin ng konsensya mo.
Nasabi ko ang lahat ng ito dahil nasa ganyang sitwasyon din ako ng kabataan ko. Nabuntis ako na ang tatay ay hindi ako pinanagutan. Sobrang takot ako sa maaring sabihin ng mga taong nakapaligid sa akin lalo na sa aking mga magulang na ang laki ng tiwalang binibigay. Noong una naisipan ko din ang magpalaglag subalit natakot din ako sa maaring maging dulot nito at higit sa lahat takot ako sa Diyos. Kaya pikit mata kong hinarap ang lahat ng galit sa pamilya at panglilibak ng mga kapitbahay ko. Lumipas ang buwan hanggang sa manganak ako, natanggap na ng tao ang nangyari sa akin siguro nagsawa na din sila kakatsismis. Natanggap din ako ng pamilya ko. Ngayon malaki na ang anak ko na laging pumapawi sa pagod ko at nagpapangiti sa akin.

Kaya bago mo gawin ang bagay na yan lalo na kapag buhay ang pinag uusapan huwag kang magpadalos dalos ng desisyon at pag iisipan mong mabuti.
1 person likes this
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
kung may plano ka pala magpa-abort, hindi ka sana nagpabuntis in the first place. You should have been more cautious on the things that you are doing. Kapag di na abort yang bata at inattempt mo pa rin ipalaglag, just wish that there are no complications sa kanyang development ang pinag-gagagawa mo sa kanya!

I just don't know why people do F*** yet sasabihin wlang plano magpa-buntis.. Oh, common, I don't think you are that dumb not to know.
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello Mam,

Personally, we doctors swore an oath to save lives. Not to kill or severe anything about the life of a human person including your little angel inside your womb. Wag po kayo ma offend pero i can not answer that. I hope hindi niyo po itutuloy ang balak niyo. I was suppose to be aborted too when I was young dahil sa early pregnancy. Good thing hindi tinuloy. Look at what I have become.

Think hard and pray hard. I understand you. Godbless.Balitaan niyo po ako.

Doc Rands
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Buhayin mo nalang yung baby tapos ikaw nalang ang magpakamatay! wala kang puso!
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Napaabort mo ung baby?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ask ko lang po paano uminom ng pills kung irreg ang mens? nagkaroon po kase ako bandang jan 25 pero kaunti lang as in tas bandang 29 30 31 medyo malakas mga 1/2 ng napkin meron then humina na hanggang feb 3 hanggang sa mild stains na lang patch patch na lang ng dugo. Pano po ako iinom ng pills pagkaganjn? ok lang po ba mag pills ngayon?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Gawa gawa ,pasarap ng pasarap tapos pag angyan na ,ipalaglag lang pala. Wag ganun , wala nmn kasalanan ang baby ,sa uulitin isip muna bago gumawa

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.