Precocious Puberty o Maagang Pagdadalaga o Pagbibinata: Dahilan, Epekto, Sanhi

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ang salitang ‘precocious puberty’ sa ingles ay nangangahulugang maagang pagsisimula ng pagbibinata o pagdadalaga, na kadalasan ay bago mag-edad 7 o 8 ang mga babae at bago mag-9 na taong gulang ang mga lalaki.

Mga Dahilan

Hindi pa alam ang mga dahilan ng maagang pagdadalaga o pagbibinata, ngunit sa ibang kaso, maaaring dahil ito sa kawalan ng balanse sa mga hormone o pagkakaroon ng tumor sa utak. Ang iba pang pinaniniwalaang dahilan ay ang matabang diyeta o labis na katabaan.

Pinakamabuting kumonsulta sa iyong doktor at magpasuri kung may napapansin kang maagang senyales ng pagbibinata o pagdadalaga nang mas maaga kaysa sa karaniwang edad ng pagdadalaga o pagbibinata.

Sa mga babae, maaaring kabilang sa mga senyales na ito ang paglaki ng mga suso, pagtubo ng buhok sa singit/bulbol at kili-kili, pagtangkad, regla, pagkakaroon ng anghit sa katawan, at tagihawat.

Para sa mga lalaki, maaaring kabilang sa mga senyales na ito ang paglaki ng bayag, pagtubo ng buhok sa singit/bulbol, kili-kili o mukha, mabilis na pagtangkat, paglalim ng boses, tagihawat, at pagkakaroon ng anghit sa katawan.


Mga Epekto

Ang maagang pagbibinata o pagdadalaga ay maaaring magdulot ng maagang pagtigil ng paglaki sa parehong babae at lalaki. Dahil natatapos ang paglaki ng isang tao kapag natapos din ang pagdadalaga o pagbibinata, bagama’t sa una ay magiging mas matangkad ang isang bata sa kanyang mga kaibigan, mauuna naman siyang tumigil sa paglaki kaysa sa kanila.

Ang maagang pagbibinata o pagdadalaga ay maaari ring lumikha ng emosyonal at sikolohikal na pagkabagabag. Ang pagkakaroon ng mature na katawan bago ang iyong mga kaibigan ay malamang na iyong ikahiya, subalit hindi mo dapat ito ikahiya.


Makipag-usap sa maaasahang kaibigan, kamag-anak, magulang, o kahit isang tagapayong pangkalusugan kung nakakaramdam ka ng pagkailang sa iyong katawan at sa mga pagbabagong nagaganap dito.

Continue reading: Pagbabago sa katawan ng babae sa pagdadalaga

Continue reading: Pagbabago sa katawan ng lalake sa pagbibinata

Continue reading: Emosyonal na pagbabago sa babae at lalake



About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)