Psoriasis, soryasis, nanunuyong balat at kaliskis: Sintomas, gamot, lunas, sanhi ng sakit sa balat, symptoms, treatment

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ang psoriasis ay isang pangmatagalang sakit sa balat na sanhi ng pabalik-balik na pag-“inflame” nito. Itinatayang inaapektuhan ng psoriasis ang 3 porsyento sa populasyon ng buong mundo. Hindi ito nakakahawa at nakukuha ng mula sa isang tao patungo sa isa. Ang salitang psoriasis ay galing sa matandang salita sa Greece na “psora” na ibig sabihin ay “kati” at “sis” na ibig sabihin naman ay “kondisyon”. Kaya naman ang psoriasis ay nangangahulugan na “makating kondisyon”. Ang mga sintomas ng psoriasis ay karaniwang lumalabas sa edad na 10-35 na taong gulang datapuwat pwede itong lumabas sa kahit anong edad. Ang mga pinakaraniwang lugar na sino-psoriasis ay ang ulo, siko, at mga tuhod. Hindi sanhi ng “poor hygiene” o hindi malinis sa sarili ang psoriasis. May ibang mga psoriasis patient na nawawala ang psoriasis paglipas ng maraming taon at ang iba ay hindi kailan pa man inaatake. Ang mga pasyenteng may psoriasis ay mataas ang tsansang magkaroon ng iba pang kondisyon tulad ng sakit sa puso, depresyon o kalungkutan, “obesity” o sobrang katabaan, mataas na blood pressure, diabetes o cancer.



Ano sanhi ng psoriasis?


Ang psoriasis ay isang pangkaraniwang kondisyon sa balat na nagpapaiba-iba sa “life cycle” o buhay ng mga “cells” ng balat. Ito ay nagsasanhi sa mga cells na maipon nang mabilis na mabilis sa ibabaw ng balat. Ang mga extra na cells ng balat ay nagiging makapal, na kulay silver na parang kaliskis, na makakati, napakatuyo, at namumula na mga patches na kung minsan ay masasakit rin sa pakiramdam. Ang sakit na psoriasis ay isang pabalik-balik na sakit. May mga panahon na ang sintomas ay gumagaling. Kung minsan naman ay guma-grabe ang sintomas. Ang pangunahing layunin sa gamutan ay ang matigil ang pagdevelop ng cells ng balat sa napakabilis na panahon. Datapuwat wala pang naitatalang lunas sa psoriasis, may mga gamot na nagbibigay ng malaking ginhawa.




Ano sintomas ng soryasis?


Ang mga sintomas ng psoriasis ay nag-iiba-iba depende sa ibat-ibang tao at maaaring magkaroon ang iba ng ilan sa mga sintomas na ito. Mayroong namumulang “patches” o parte sa balat na natatabunan ng “silvery” ang kulay na parang kaliskis, mayroong maliliit na parte ng balat na parang kinakaliskis – ito ay karaniwan sa mga bata, mayroon ring iba na tuyong-tuyo ang balat at nagbibitak-bitak na, nangangati, parang sinusunog at masakit ang balat, ang mga kuko ay namamaga, at lubak-lubak, at namamaga at naninigas ang mga kasu-kasuan. Ang mga parte na may psoriasis sa katawan ay nare-range sa maliit at kaunting spots hanggang sa mga malalaking “eruptions” na tumatabon sa malalaking parte ng katawan. Maraming klase ng psoriasis ang sumasailalim sa “cycles”, “flaring” o guma-grabe ang sintomas ng ilang mga lingo o buwan, at nawawala rin ang sintomas pagkatapos nang ilang sandali at bumabalik na naman. Maraming klase ng psoriasis at narito ang mga ito. Mayroong plaque psoriasis, nail psoriasis, scalp psoriasis, Guttate psoriasis o iyong psoriasis na umaapekta sa kabataan at “young adults”. Ito ay nati-trigger ng bacterial infection. Mayroon ring “inverse psoriasis” na umaapekta sa balat ng kili-kili, singit, sa ilalim ng suso at sa palibot ng mga “genitals”. Mayroon ring “pustular psoriasis”, “erythrodermic psoriasis” na hindi pangkaraniwan na klase ngunit maaaring tumabon sa buong katawan at namumula at nagkakaliskis-kaliskis ang pasyente. Ito ay napaka-kati at mainit pa sa pakiramdam. Mayroon ring “psoriatic arthritis” kung tawagin na nagsasanhi ng lubak-lubak, nag-iibang kulay na kuko, namamaga na kau-kasuan.



Ano mga lunas at gamut nitong sakit sa balat?


Gaya na sa naunang nasabi, ang layunin ng paggamot sa psoriasis ay upang matigil ang cells ng balat sa mabilis na pagdami na nagpapababa sa “inflammation” at pag-form ng “plaques” o mga kaliskis at ang isa pang layunin ay ang mawala ang mga kaliskis at gawing makinis ang balat na ginagawang possible ng mga “topical treatments”. Ang mga gamot sa psoriasis ay kina-klasipika sa tatlo at ito ay ang topical treatments, light therapy at systemic na mga gamot. Kung creams at ointments lamang ang ginagamit, maaaring malunasan ang mild to moderate psoriasis ngunit para sa seryosong klase, ang mga creams ay maaaring i-combine sa light therapy. Ang mga topical na gamot sa psoriasis ay “topical corticosteroids”. Ito ay mabibisang pagpababa sa sintomas ng pamamaga at nagpapabagal sa pagdami ng cells ng balat. Ito rin ay nagpapawala sa kati. Ang iba pang gamot ay “vitamin D analogues” kung tawagin. Ito ay isang sintetikong klase ng vitamin D na nagpapabagal sa pagtubo ng skin cells.Mayroon ring “Anthralin” na gamot kung tawagin na pinapaniwalaang nagno-normalize sa DNA na gawain ng skin cells. At tinatanggal nito ang kaliskis kung kaya naman kumikinis ang balat. Mayroon ring “topical retinoids” kung tawagin na nagno-normalize rin sa gawain ng DNA sa skin cells at maaaring magpababa ng pamamaga. Pwede ring gumamit ng salicylic acid dahil ito ay nagtatanggal sa patay na cells ng balat.




Home Remedies at Prevention o paano maiwasan


Datapuwat hindi nalulunasan ang psoriasis ng simpleng pag-aayos, ito ay maaaring maka-improve sa nararamdaman ng may sakit sa kanyang sarili. Ang mga gawaing ito ay maaaring makatulong. Araw-araw na maligo. Ito ay nakakatulong mawala ang mga kaliskis at nagpapababa sa init. Iwasan lang ang mainit at masyadong nakakairitang sabon. Gumamit rin ng moisturizer. Ipakita ang balat paminsa-minsan sa araw. Iwasan rin ang nakaka-trigger ng psoriasis at iwasan ang pag-inom ng alcohol.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Paano po ba maaapektuhan ng psoriasis ang aking pagbubuntis?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang pagbubuntis ay maaaring makapagpabuti o makapagpalubha sa iyong psoriasis. Sa karagdagang impormasyon, ang iyong gamutan ay maaaring ibahin dahil may ibang mga gamot na hindi mo pwedeng inumin habang nagbubuntis.
Maaari mong mapansin na ang iyong psoriasis ay bumubuti habang ikaw ay nagbubuntis, datapuwat merong posibilidad na ang kondisyon ay mas lulubha matapos mong isilang ang iyong sanggol. Posible rin na ang iyong pagbubuntis ay makalubha sa iyong psoriasis.
Mismong ang psoriasis ay hindi nakakapinsala sa iyong sanggol. Subalit ang mga gamot para dito ay nagdudulot ng malubhang pinsala para sa hindi pa pinapanganak na sanggol. Kung nagpaplano kang magbuntis, makipag-usap sa iyong doktor upang siya ay makapag-payo sa iyo kung ligtas bang magpatuloy sa pagbubuntis.
Ang iyong doktor ay maaaring dahan-dahang babawasan ang iyong gamot bago mo subukang magbuntis, subalit huwag titigilang uminom ng kahit anong gamot nang walang pasubali sa iyong doktor. Siya rin ay maaaring i-adjust ang iyong gamutan upang mas bumuti ang iyong psoriasis bago ka magbuntis.
Maaari kang gumamit ng “creams at ointments”, tulad ng “emollients at steroid creams”, nang ligtas habang nagbubuntis, subalit tanungin muna ang iyong doktor ukol dito. Kapag meron kang mas malubhang psoriasis, ligtas na ikaw ay magpa “Ultraviolet (UV) B light therapy”. Ang Ciclosporin at azathioprine ay maaari ring gamitin kung kinakailangan. Subalit, ikaw ay hindi maaaring uminom ng “oral psoralen at UVA (PUVA) light therapy habang nagdadalang-tao.
Lahat ng mga gamot para sa psoriasis ay paiba-iba ang epekto, kaya importanteng makipag-ugnayan sa iyong doktor upang matukoy kung anong gamutan ang epektibo para sa iyong pagdadalang-tao.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano po pwedeng gawin sa psoriasis na nasa mukha?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
May ibang mga gamot na dinesenyo upang gamutin ang psoriasis sa mukha. Posible ring gumamit ng “special camouflage make-up” upang maitago ang psoriasis sa iyong mukha.
Ang balat sa mukha ay mas sensitibo kumpara sa balat ng iyong buong katawan, kaya ang ilan sa mga gamot na dinesenyo para sa iyong katawan ay maaaring maka-irita sa balat ng iyong mukha.
Ang iyong doktor ay maaaring mag-rekomenda ng mga gamot na maaari mong subukan para sa mukha. Ang ilan sa mga ito ay mga creams na naglalaman ng mas mababang antas ng “steroids” kaysa sa sa antas na kailangan ng iba pang parte ng iyong katawan. Maaari ring makakita ka ng mga gamot na naglalaman ng Vitamin D “derivatives” na nakakatulong sa psoriasis sa mukha. Ang paggamit ng “moisturizer” ay nakakatulong sa pagbawas ng pagkakaliskis.
Maaari ring gumamit ng “camouflage make-up” upang maitago ang psoriasis sa mukha. May mga “charities” na naghahandog ng serbisyo tulad ng pag-checheck kung ang make-up ay hiyang para sa iyo at nagsisiguradong hindi nito maiirita ang iyong balat, o magpipigil sa epekto ng creams at ointments na reseta sa iyo para malunasan ang psoriasis. Tutulungan ka nilang maghanap ng kulay na babagay sa iyong balat at tuturuan ka rin kung paano ito ilalapat sa iyong mukha. Ang iyong doktor ay maaari kang bigyan ng karagdagang impormasyon ukol sa “skin camouflage services”.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Kapag nagkaroon na ako nang nagka-erythrodermic psoriasis, ano ang tsansang makakakuha ako nito muli?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Hindi pangkaraniwan sa erythrodermic psoriasis na bumalik pang muli. Datapuwat bihira lamang na ikaw ay muling magka-erythrodermic psoriasis nang higit sa isang beses, may ibang tao na tila mataas ang tsansang makakuha nito kaysa sa iba.
Ang Erythrodermic psoriasis ay tila mas karaniwan sa mga taong may “unstable psoriasis” (isang klase ng psoriasis kung saan ang iyong “plaques” o kaliskis ay bigla na lamang lumalaki at may mga bagong kaliskis na tumutubo), o sa mga taong ang gamutan ay hindi masyadong epektibo. Ang iba pang mga dahilan ng biglaang pagsiklab ng sintomas ng psoriasis ay ang:
• Pag-inom ng iba pang mga gamot
• Pagtigil sa gamutan
• Impeksyon
Hindi masabi kung ano ang tsansang magkaroon kang muli ng erythrodermic psoriasis, dahi ito ay nag-iiba-iba sa bawat tao. Makipag-usap sa iyong doktor kung ikaw ay nangangambang magkaroon ng pagsiklab ng erythrodermic psoriasis.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maaari po bang gumamit ng deodorant kapag may psoriasis sa kili-kili?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kung ikaw ay may psoriasis sa kili-kili, ang deodorants ay mas nakaka-grabe sa kondisyon. Maraming produkto ang mahahanap na pwede mong magamit kung ayaw mong tumigil sa paggamit ng deodorant nang lubusan.
Ang deodorants kung minsan ay nakakapag-pasimula ng pagsiklab ng “flexural psoriasis” sa kili-kili. Ito ay dahil ang deodorants ay naglalaman ng kemikals at alkohol na nakaka-irita sa balat. Maaari kang bumili ng deodorants na naglalaman ng mas kaunting kemikals at alkohol- at perfume-free, upang mas maging kaaya-aya sila sa sensitibong balat. Ang iba naman ay naglalaman ng “moisturisers”.
Maaaring kakailanganin mong sumubok ng ibat-ibang produkto hanggang makakita ka ng hiyang para sa iyo. Ang iyong doktor ay maaaring makapayo sa iyo kung anong produkto ang pwede mong subukan.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pwede pa rin po bang makipagtalik kahit may genital psoriasis ako?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Oo, maaari ka pa ring makipag-talik kahit meron kang psoriasis sa iyong pribadong parte ng katawan. Hindi naman nakakahawa ang psoriasis, kaya naman hindi mo ito mapapasa sa iyong kasosyo sa pakikipagtalik.
Ang psoriasis na umaapekta sa balat ng iyong ari ay maaaring nakakapanglumo at sa ilang tao ay pumipigil na makipagtalik. Subalit, walang medikal na rason kung bakit ikaw ay hindi maaaring makipagtalik. Ikaw at ang iyong kasosyo ay maaaring makipag-usap sa iyong doktor upang makahanap ng sagot at kasiguraduhan.
Maaari mong maramdaman na hindi komportableng makipag-talik kapag ikaw ay may psoriasis sa ari. Sa pamamagitan ng condom at pampadulas o “lubricating jelly”, matutulungan upang mas maging komprtable ang pakiramdam. Subalit, ang “topical preparations” ay maaaring makabawas sa kontrasepsyon na dala ng latex condoms. Gumamit ng condom na gawa sa ibang materyal.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Bakit ko po kinakailangan magpa check-up habang umiinom ng gamot para sa psoriasis?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Lahat ng gamot na ginagamit sa paglunas ng psoriasis ay may potensyal na magdulot ng hindi kaaya-ayang epekto (side-effects) at ang ilan sa mga ito ay talaga namang napakaseryoso. Sa ganitong dahilan, importanteng ikaw ay regular na magpa-ckeck-up upang ma-monitor ng doktor ang iyong gamutan.
Marahil ikaw ay may check-ups sa iyong doktor para sa “topical” na gamot sa iyong psoriasis. Kakailanganin mo ng regular na hospital check-ups kapag ikaw ay umiinom o ini-ineksyonan ng mga gamot.
• Ang methotrexate ay nanghihimasok sa produksyon ng iyong katawan ng “blood cells” (sa iyong blood count), na maaaring magdulot ng kondisyon tulad ng anemia. Ang methotrexate ay maaari ring makasanhi ng pagkasira ng atay paglipas ng mahabang gamutan. Kakailanganin mo ng regular na blood tests upang ma-monitor ang iyong blood count at i-check kung gaano pa kalusog ang iyong atay.
• Ang Ciclosporin ay nakakasanhi ng pagkasira ng kidneys at magdulot ng high blood pressure pagkatapos ng mahabang panahon. Kakailanganin mo ang regular na blood pressure check-ups, at tests para sa iyong dugo at ihi upang ma-check ang kondisyon ng iyong kidneys.
• Ang Hydroxycarbamide ay nanghihimasok naman sa produksyon ng blood cells – kakailanganin mo ng regular na blood tests upang ma-check ang iyong blood count.
• Ang Acitretin ay nagdudulot ng pagkasira ng atay at kung minsan, problema sa pagtubo ng buto, kaya naman importanteng ipaalam sa iyong doktor ang kahit anong kirot sa kasu-kasuan at likod na nararamdaman habang iniinom mo ang gamot na ito. Mapapansin mong ang iyong psoriasis ay lumulubha sa simula at pinapatuyo nito ang iyong mata, ilong at bibig.
Karaniwang kakailanganin mo ng lingguhang check-up sa pagsisimula ng iyong gamutan. Ito ay mas dadalang na kapag ang iyong kondisyon ay mas “stable” na.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Gaano katagal ang dapat kong hintayin matapos kong uminom ng gamot sa psoriasis at pwede ko nang subukang magka-anak?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
May ilang gamot sa psoriasis ang nakakapinsala sa sanggol na nasa sinapupunan. Ilan sa mga ito ay nananatili sa iyong katawan sa loob ng mahabang panahon matapos kang uminom nito, kaya naman dapat mong sundin ang payo ng iyong doktor kung kailan ka ligtas at pwede nang subukang magbuntis.
Ang sumusunod na mga gamot ay maaaring makapinsala sa iyong hindi pa nasisilang na sanggol. Ang ilan ay maaari ring makaapekto sa “sperm” ng lalaki, kaya naman ang mga kalalakihang umiinom nito ay pinapayuhang huwag na munang gumawa ng bata.
• Acitretin. Ito ay nagdudulot ng malubhang depekto sa sanggol. Marapat na ikaw ay gumamit ng epektibong kontrasepsyon upang ikaw ay hindi magbuntis habang umiinom ng gamot na ito at sa loob ng 3 taon pagkatapos ng gamutan.
• Methotrexate. Hindi ka dapat magbuntis o magbuntis ang iyong asawa habang nasa therapy ng methotrexate at nang hindi bababa sa anim na buwan matapos ang gamutan.
• Hydoxycarbamide. Hindi ka dapat magbuntis o magbuntis ang iyong asawa habang umiinom ng hydroxycarbamide at matapos ang dalawang buwan.
• Ang ciclosporin ay hindi rekomendado sa iyo kung ikaw ay nagbubuntis o sinusubukang magbuntis. May kaunting ebidensya pa lamang ang nagsasabing nakakapinsala ang ciclosporin sa hindi pa pinapanganak sa sanggol, subalit hindi rin namang masabi na hindi ito nakakapagdulot ng malabhang “birth defects”. Kaya naman, ang iyong doktor ay maaaring magpayo sa iyo na uminom lamang ng gamot na ito kapag walang alternatibo.
• Oral psolaren and ultraviolet A light therapy (PUVA) ay hindi ginagamit habang nagbubuntis.
Importanteng pag-usapan ang kontrasepsyon kasama ang iyong doktor upang masiguradong epektibo ang iyong gamutan.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maaari po ba mag swimming kung meron akong psoriasis?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Oo. Maaaring ikaw ay mag-dalawang-isip sa konsepto ng pag-swiswimming kapag ikaw ay may psoriasis. Subalit, ang kondisyon ay hindi naman nakakahawa kaya walang dahilan upang pigilan mo ang iyong sarili na mag-swimming.
Maraming tao ang napapansing ang paliligo sa pool o dagat, o kaya’y gamit ang “hot tub”, ay nakakatulong sa kanilang psoriasis. Maaari mong mapansin na ang matagal na paliligo ay nagpapataas sa tsansa ng pangangati at iritasyon.
Posibleng ang paliligo sa dagat ay makakatulong kapag meron kang psoriasis. Ito ay marahil konektado sa matagal na pananatili sa ilalim ng araw.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Parang naapektuhan po ang psoriasis ko kapag mainit ang panahon. Pangkaraniwan po ba ito?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Oo, ang sikat ng araw, init ng hangin at temperatura ay maaaring may epekto sa iyong psoriasis. Ang pag-iiba-iba sa panahon ay nakakaapekto sa bawat taong may psoriasis sa ibat-ibang paraan. Subalit, sa kabuuan, karamihan sa mga taong merong psoriasis ay napapansing bumubuti ang kanilang pakiramdam kapag mas sinisikatan sila ng araw. Kung mahalumigmig (mas maraming “moisture” sa hangin sa paligid), ang iyong balat ay hindi mas madaling natutuyo, na siya ring nakakatulong sa psoriasis. Kapag taglamig, gayunpaman, ang kombinasyon ng tuyong hangin, mas kaunting sinag ng araw at malamig na panahon ay nagpapalubha sa psoriasis.
ASTERIA Malaza
is in the Philippines
Yung tatay ko may psoriasis din ilang taon syang naghihirap sa mga kati kati nya sa balat ang lakilaki na ng gastos sa pag pagamot sa kanya sa derma pero madali lang pala ang gamot sa psoriasis 2 days lng at nawala na ung mga flakes sa kanyang balat
Felina Cronela
is in the Philippines
Hi :)) paano nawala ung mga flakes ? Ung papa ko kasi 12 years ng may Psoriasis :((( araw araw nahihirapan siya. Grabe na kasi halos sa lahat na ng katawan nya meron. Pero may ginagamot naman siya sa sarili niya .. I think kailangan patong maimprove para hindi niya gaanong maramdaman ung kati at hapdi. Please help. God bless po
Godwyn Villajos
is in the Philippines
ung mga dulo po ng daliri ko ay nagbibitak bitak . anu po ba mabisang lunas na mabbili para mawala ito . ako po ay nagttrabaho sa malamig na workplace dahil po kaya ito doon