Sakit ng Likod o Low Back Pain: Ano ang Dapat Gawin at Lunas?

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines

Ano ang sakit ng likod o low back pain? 
Ang sakit ng likod ay sakit na nakaakaapekto sa lugar ng mga ribs papunta sa itaas ng mga binti. Ang mas mababang likod (lower back) ang nagseserbeng koneksyon ng upper at lower na katawan, at dinadala nito ang karamihan sa bigat ng timbang ng katawan. Kaya madaling mapinsala ang lugar na ito sa pabalik-balik na pag-angat mo ng mga bagay-bagay, o pag-abot mo. Sa katunayan, halos lahat tayo ay nakaranas na ng sakit ng likod ng paminsan-minsan.

Maraming maaaring sanhi ang pananakit ng likod o tagiliran. Isang malimit na dahilan ang pilay sa kalamnan ng dahil sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay, biglang pagikot o baluktot ng katawan, na nakakapagdulot ng hindi tamang paghatak sa mga masel o ligamento at nagkakaroon ng punit dito. Bukod dito, maaari rin na mas malubha ang sanhi tulad ng ng kapag ang ugat ng nerve sa gulugod ay naiipit o ang pagkakaroon ng isang hindi mapigilan na pagsira ng ng disc.

Upang hindi lumubha ang karamdaman o upang mabawasan ang karamdaman ng pananakit ng likod, mahalaga ang tamang paggamot at pagaalaga. Una, panatilihing tama ang pagtayo at pagupo. Iwasan na nakayuko ang likod habang umuupo o nakatayo. Huwag rin umuupo ng matagal, at tumayo rin paminsan minsan at gumalaw galaw at maglakad. Pangalawa, importante rin ang tamang timbang ng katawan, dahil ang sobrang katabaan ay nakakapagdulot ng bigat na nagpapahirap sa ating likod. Ang pagehersisyo at pagkilos ay nakakatulong sa pagiging matibay ng katawan. Ang mga exercises na hindi nakakadiin sa ating masel, tulad ng paglalangoy sa tubig at yoga ay nakakatulong magpababa ng BMI o body mass index. Mayroon ding mga halamang gamot tulad ng luya na mayroong anti-inflammatory na katangian (nakakabawas ng pamamaga at impeksiyon) ay maaari ring subukan sa bahay. Ipakulo lamang ang bagong hiniwa na luya sa mainit na tubig ng 30 minuto, at namnamin at sipsipin ng dahan-dahan.

Kapag ikaw ay walang gaanong oras para mag-ehersisyo, at nangangailan na nakaupo ka sa trabaho o nakaharap sa computer ng matagal, lubos na makakatulong ang tamang pagupo at paggamit ng upuan at lamesa na may tamang taas, sandalan at tamang disenyo. Halimbawa, ang screen ng computer ay dapat mga dalawang dangkal ang layo sa iyong mukha. Ilapit ang computer mouse sa keyboard. Panatilihing diretso ang kamay, pulso at bisig na diretso at kahilera ng sahig. I-relax ang balikat at braso na nakabitin na natural.

Kelan dapat magpakonsulta o tumawag sa duktor? Tawagan ang iyong doktor kung:
· Mayroon kang mga bagong pamamanhid sa puwit, genital, o binti.
· Mayroon kang kahinaan sa mga legs at hindi mo ito magagalaw.
· Mayroon kang bago o karagdagang sakit sa likod na may kasamang lagnat, masakit na pag-ihi, o iba pang mga palatandaan ng mas malalang problema o impeksiyon sa ihi.
· Mayroon kang pang-matagalang sakit sa likod na hindi madaling mawala kahit nakainom ka na ng mga gamot.
· Mayroon kang kasaysayan ng kanser o HIV infection, at nagkakaroon ka ng karagdagang sakit sa likod.
· Mayroon kang malubhang sakit na hindi mapabuti pagkatapos ng ilang araw ng paggamot sa ospital.
· Pinupukaw ka ng sakit mula sa pagtulog.
· Hindi nawawala ang sakit pagkatapos ng dalawang linggong paggamot.

Ano mga pinaka mabisang gamot o Natural Na Paggamot o Lunas sa pananakit ng likod?
Karamihan sa mga sakit ng likod ay hindi nangangailangan ng pagbisita mo sa doktor. Ang mga ito ay mga natural na paggamot na pwede mong subukan.

Uminom ng omega-3 fatty acids na supplement. May nabibili sa mga botilka nito ng mura na limang piso lang bawat capsula o mas mababa pa kapag binili ng maramihan. Ang omega 3 ay nagpapawala ng pamamaga ng katawan at hindi maaring makakapinsala sa iyo. Pwede ka ring kumain ng mga pagkaing mayaman sa omega-3 tulad ng mga sumusunod: Fatty fish (mackerel, tuna, salmon, sardines, trout and anchovies), seafoods, canola oil, soy and soy foods, and nuts and seeds.

Iwasan ang pagkain ng mga matatamis na pagkain at mga refined grain foods tulad ng mga white bread, at white rice. Ang mga pagkaing ito ay nagpapataas ng iyong insulin at leptin na maaring magpataas ng prostaglandin levels sa katawan mo na nagdudulot ng sakit.

Kumuha ng sapat na Vitamin D mula sa sinag ng araw. Kumain ka rin ng mga pagkaing may sapat na vitamin K2 levels tulad ng itlog, cheese, butter, chicken liver, salami at ground beef. Ang mga bitaminang ito ay nagpapalakas ng iyong mga buto para mawala ang sumasakit ng likod.

Pwede kang uminom ng mga supplements na ito upang maibsan ang pananakit ng likod:

· Astaxanthin – Ito ay isa sa mga pinaka-epektibong antioxidants na nagpapawala ng pamamaga. Dito sa Pilipinas ang Astaxanthin ay available na nakahalo sa iba pang mga multivitamins, tulad ng Men’s Mega Men 50 Plus at Women’s Ultra Mega 50 Plus Vitamins ng GNC. Ang pure Astaxanthin ay mabibili sa mga online stores.
· Ginger o Luya—Ang damong gamot na ito ay maaring maging lunas sa sakit at nagpapagaan ng tiyan. Maari kang maglaga ng tubig na may sariwang luya at inumin ang tea na ito.
· Curcumin – Ito ang pangunahing sangkap ng Turmeric. Ito ay nagpapawala ng sakit at nag papagaan ng paggalaw ng mga kamay at paa. Ang Turmeric ay nabibili sa mga supermarkets sa spices and seasonings section, tulad ng McCormick brand.
· Cayenne cream – Ito ay mula sa mga sili ay nagpapawala ng sakit kapag ipinahid ito sa likod. Kadalasan imported ang mga cayenne cream or ointments, pero pwede ka ring gumawa ng sariling bersyon. Bumili ka ng siling labuyo sa palengke, ichop, at ilagay sa lalagyan na may langis (mas mainam kung coconut oil ang gamitin mo). Pagkatapos ng ilang araw, pwede mo nang gamitin ang langis na pamahid sa likod.
· Boswellia – Tinatawag din na boswellin o "Indian kamanyang," ang damong-gamot na ito ay nagpapawala ng pamamaga sa rayuma. Mabibili ito bilang iniinom na food supplement sa mga botika tulad ng Arthrid at Arthrite.
· Bromelain – Ito ay sangkap na matatagpuan sa mga pinya na nagpapawala ng sakit at pamamaga. Hindi available at bromelain capsules sa Pilipinas pero maari kang kumain ng pinya para maranasan ang mga health benefits ng bromelain.
· Cetyl myristoleate (CMO) – Ito ay langis mula sa isda at mantikilya. Ito ay nagpapadulas ng mga kasukasuan at nagpapawala ng sakit at pamamaga. Dito sa Pilipinas, nabibili ito sa mga botika bilang Oleia capsule (iniinom na capsule)
· Evening Primrose, Black Currant, and Borage Oils – Ito ay may fatty acid na gamma linoleic acid (GLA) na nagpapagaling sa sakit ng rayuma. Ang evening primrose ay nabibili sa mga botika bilang Eveprim at Naturalle Evening Primrose Oil (mga iniinom na capsule). Ang Black currant ay kasama sa mga supplements tulad ng Men’s Mega Men 50 Plus at Women’s Ultra Mega 50 Plus Vitamins ng GNC. Ang borage oil naman ay mabibili bilang sangkap ng isang supplement na ALAnerve, na mabibili sa mga botika.

 

 

About the author

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia

Internal Medicine/ Adult Medicine/ Palliative Medicine. Online Consultation at https://www.facebook.com/bediamedicalclinic/
Profession: Internal Medicine
Bedia Medical Clinic
Office Address: Meds at Sea Pharmacy, Tabucan, Barotac Nuevo, Iloilo
Philippines , Iloilo , Iloilo City

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Nash Bau
is in the Philippines
gud am doc.
madalas po ako makaranas ng low back pain.
ang ginagawa ko po ay pinapamasahe ko po ito. at pinapatunog po ng masahista ko ito. naiibsan po ang sakit pagtapos po ako masahihin.
makasasama po ba kung madalas patunugin ang buto ko sa likod?
maraming salamat po and god bless
Recommend Report abuse
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Nakakatulong ang massage o masahe sa muscle tension. Maganda rin ang stretching, regular exercise, kahit maglakad lakad lang sa paligid. Kapag hindi nawawala ang sakit sa likod, magpatingin sa orthopedic spine specialist.
Recommend Report abuse
Socorro Jomar
is in the Philippines
Doc. Goodevening pag may scoliosis maari pobang bumagsak ako sa medical..
nag pa check muna ako bago mag pasa ng medical kc palagi pong nasakit ung likod ko ..neresitahan po ako ng painrelever ..na kalma nman po .
Pag nawla na po ung epekto ng gamot sumasakit po uli..
Nga tatlong araw po epekto ng gamot hanggang dalawa d sumasakit ..minsan khit naka inom ng gamot kumikirot po..
Ano po mapapayo nyo sakin doc.. godbless
Recommend Report abuse
Michelle Ferrrera
is a none in the Philippines
hello po
sumasakit po yung low back ko... akala ko po nung una nangangalay lang pero habang tumatagal po lumalala po... nandun yung hindi ko na po kayang yumuko ng maayos.. makakilos ng maayos kasi sumasakit na po talaga.. ngayon nga po kahit konting kilos lang sumasakit na po...
natatakot po ako.. 17y/o pa lang po ako kaya para sakin hindi naman po ito arthritis..
posible po bang symptoms po ito ng isang malalang sakit?
salamat po
Godbless po
Recommend Report abuse
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Maaaring sanhi ng pananakit ng likod (low back pain) ng iba't ibang problema mula sa muscle hanggang sa discs at joints. Kapag in-examine ka ng doctor, ma-determine niya kung ano ang sanhi nitong sakit at magrerekomenda ng mga medications, test, x-ray, atbp. Minsan maaaring may kaugnayan ang sakit sa likod ang infections, cancer, fractures o pati narin sa mga organs tulad ng kidney/bato. Kapag mahigit dalawang lingo ay sobrang masakit pa rin, kailangan mo agad magpatingin sa doctor.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Makakatulong po ba ang pag-eehersisyo upang maibsan ang pananakit ng aking likod o upang iwasan na itong bumalik? Makatulong ba ang pag-exercise para dili na magsakit o mubalik ang sakit sa akong likod?
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Oo. Ang pagsasagawa ng ehersisyo ay nakakatulong upang mabawasan at maibsan ang pananakit ng iyong likod at naiiwasan itong bumalik. Parating makipag-usap sa iyong doktor o “physiotherapist” bago magsimula sa isang bagong ehersisyo.
Mayroong napakaraming klase ng mga fisikal na gawain na pwede mong salihan upang maging malusog ang iyong likod. Ayon sa pananaliksik, ang pag-eehersisyo ay nakakatulong sa mga taong may back pain nang mas matagal na sa higit na anim na linggo. Maaari mong subukan ang:
• Walking (paglalakad-lakad)
• Yoga, “pilates” or “tai chi”
• Swimming (paglangoy)
• “cycling”
• “hydrotherapy” (o ehersisyo sa tubig)
Wala pang magandang ebidensya na nagsasabing merong mga partikular na gawain ang mas mainam kaysa sa iba.
Parating makipag-usap sa iyong doktor o “physiotherapist” bago magsimula ng bagong training program, lalo na kung wala kang ginagawang regular na aktibidades sa mahabang panahon.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Kung meron akong pananakit sa likuran, gusto ko lang po na mahiga. Bakit importante na manatiling aktibo? Kung gasakit akong likod, gusto ra ko muhigda, nganong importante man nga maglihok-lihok?
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Merong malinaw na ebidensya na ang pagpapahinga sa higaan o ang hindi paggalaw-galaw ay hindi nakakatulong sa pananakit ng likod at bagkus ay maaari pa itong makalubha sa kondisyon.
Sa isang punto ay pinaniniwalaang ang pananatili sa pagkakahiga ay nakakabawas sa pananakit ng likod. Ngunit sa kasalukuyan, ang payo ay ipagpatuloy na maging aktibo sa abot ng makakaya at bumalik sa iyong normal na mga gawain sa lalong madaling panahon. Kahit pa ang sakit sa iyong likod ay malubha, subukang huwag magpahinga sa higaan. Ayon sa mga ebidensya, ang paghiga sa higaan ay nagdudulot sa iyong kasu-kasuan na tumigas, ang iyong mga kalamnan ay nawawalan ng lakas at kadalasa’y mas nagpapatagal sa iyong paggaling.
Hindi kinakailangang maghintay ka na mawala ng tuluyan ang pananakit bago ka bumalik sa trabaho. Ikaw at ang iyong amo ay maaaring may mga pagbabagong gawin sa iyong trabaho upang dahan-dahan kang makabalik. Ang pagpapatuloy sa pagtatrabaho ay nagbibigay sa iyo ng distraksyon sa sakit na nararamdan at tumutulong sa iyong pagbabalik sa normal na mga gawain.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Marami po akong ginagawang pagbubuhat sa trabaho. Paano ko po ba maiiwasan ang pinsala sa aking likod sa panahon ng trabaho? Sige ko ug alsa ug butang sa trabaho, unsaon nako paglikay nga mabikil akong likod mintras gatrabaho?
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Marami kang magagawa upang ikaw ay makaiwas sa pinsala sa iyong likod buhat sa pagbubuhat at pagdala ng mga bagay. Marapat na parating pag-isipan at planuhing mabuti ang mga gawain bago ka sumubok na gumawa ng mabigat na trabaho. Ang pagbubuhat ng mga bagay (tinatawag ring “manual handling”) ay karaniwang parte ng ating pang-araw-araw na pamumuhay at maaaring karaniwang dahilan ng pananakit ng ating likuran. Ang mga gawain sa trabaho na sinasabing karaniwang nagdudulot ng pananakit ng likod ay ang:
• Pagyuko o pagsukot
• Pagbubuhat, pagtulak o paghila ng malaki at mabibigat na mga bagay
• Pag-uunat, pagpilipit at pag-abot ng mga bagay
• Pananatili sa isang posisyon ng mahabang panahon, na nagiging problema sa postura
• Mga trabaho kung saan ang iyong buong katawan ay nalalagay sa “vibration” at pag-alog (tulad ng sa pagdi-drill)
Upang maiwasan ang pananakit ng likod na dulot ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay, makakatulong ang:
• Pagyuko na mula sa iyong tuhod at hindi sa iyong likuran
• Umikot gamit ang iyong buong katawan; at huwag iikot ang iyong likod
• Buhatin ang mga bagay malapit sa iyong katawan
• Siguraduhing meron kang matatag na kinatatayuan habang may binubuhat, at iyong mga paa ay dapat nakabuka
• Huwag magbuhat ng napakaraming bagay sa isang buhatan lang
• Makisuyo sa ibang tao na tulungan kang magbuhat lalo na ng mabibigat na mga bagay
• Gumamit ng mga ekipo sa pagbubuhat ng napakabigat na mga bagay kung maaari
Bilang pinakamalaking alituntunin, pinakamaiging magbuhat na hindi ka mapapahamak at magbuhat lamang ng bagay na kaya mong dalhin. Pag-isipang mabuti parati bago ka magbubuhat ng kahit na ano.
Kung nananakit ang iyong likod at walang trabaho, importanteng agad na bumalik sa trabaho sa lalong madaling panahon. Ito ay maaaring makatulong pa sa iyong paggaling. Makipag-usap sa iyong amo ukol sa iyong pagbabalik sa traabho at kung ang iyong mga responsibilidad ay akma sa iyong kakayahan upang maiwasan ang iba pang pinsala sa likod.
Gayundin, kung ang iyong trabaho ay humihingi ng maraming pagbubuhat, maaari kang sumali sa mga “lifting at manual handling” na kurso. Ito ay karaniwang inaalok ng malalaking mga kompanya.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Marami po akong napansing ibat-ibang klase ng mattress, suporta sa likod at sintas na pinagbebenta sa telebisyon. Ang mga ito po ba ay epektibo at nakakatulong o nakakalunas sa pananakit ng likod? Daghan ko gakakita nga mga klase sa higdaanan, suporta sa likod ug liston nga ginabaligya sa TV, epektibo ba ni sila sa pagtambal sa sakit sa likod?
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Mayroong mararaming klase ng suporta sa likod ang mapagpipilian ng mga taong may problema sa likod. Ang ilan sa mga ito ay magagamit, ang iba naman ay walang benepisyong dala at ilan ay maaari pang magdala ng problema kaysa sa kabutihan. Hindi ka dapat gumamit ng mga produkto upang lunasan ang pananakit ng iyong likod kung hindi ka pa nakikipag-usap sa iyong doktor o “physiotherapist”.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga “support aids” o mga pangsuporta na pwedeng gamitin.
• “Medium-firm matresses”. Pinakamaigi dapat na ang iyong kutson ay sakto sa lambot upang sumuporta at humulma sa hugis ng katawan. Ito rin ay dapat matatag upang magagawa mong umikot sa isang gilid patungo sa kabila, na hindi mo kinakailangang paikutin ang iyong likod. Ayon sa mga ebidensya, ang katamtamang matatag na kutson ay nagbibigay ng mas magandang suporta kumpara sa napakatigas na higaan para sa mga taong may pangmatagalang pananakit ng likod.
• “Back supports, corsets, at braces”. Ang ilang mga tao ay ginagamit ang mga ito habang nagmamaneho at nauupo nang napakatagal. Subalit ayon sa mga ebidensya, ang ganitong mga klase ng kagamitan ay hindi nagbibigay ng benepisyo sa mga taong may pangmatagalan na pananakit sa bandang ibaba ng likuran.
• “Insoles” o sintas. Ito ay mga “support aids” na nilalagay ng mga tao sa kanilang mga sapatos upang tulungan sila sa kanilang postura. Merong maliit pa lamang na ebidensya na nagsasabing ang paggamit ng sintas ay nakakapigil o nakakalunas sa pananakit ng likod.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Anu-ano po ba ang mga pain-management na programa para sa pananakit ng likod? Unsa ang mga naglain-laing programa para sa gapanakit nga likod?
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang iyong doktor ay maaaring magrekomenda na ikaw ay sumubok ng programa ukol sa pain management kung ikaw ay namuhay na na parating merong pananakit ng likod. Maaari kang sumali sa mga “pain clinic”, kung gugustuhin mo, ay pwede kang sumali sa mga grupo na tinataguyod ang pagsugpo sa pananakit ng likod.
Kung ikaw ay may hindi matukoy, at hindi nawawalang low back pain, ang isang pain management na programa ay maaari kang matulungan sa paghahanap ng mga paraan upang makontrol at magpatuloy ang iyong buhay datapuwat merong mga sintomas. Ang pag-eehersisyo at ang pagkakaroon mong muli ng tiwala sa sarili ay importanteng mga parte sa pain-management na pamaaraan, at gayundin ang pagkakaroon ng kaalaman sa fisikal at saykolohikal na mga kadahilanan na nagdudulot ng kirot o pananakit.
Kasali sa programa ukol sa pain management ay ang “talking therapies” o pag-uusap ukol sa nararamdamang sakit, tulad ng “cognitive behavioural therapy (CBT). Maaari ka rin nilang turuan ng fisikal, saykolohikal at praktikal na mga pamamaraan upang makapamuhay nang mas aktibo. Ang mga sesyon ay pinangunguluhan ng halu-halong mga grupo ng “health professionals” tulad ng physiotherapist at counsellor o ng isa pang therapist.
Ang pain-management na programa ay karaniwang binibigay bilang “outpatient” na serbisyo at maaari kang sumali sa mga sesyon kasama ang grupo ng mga tao.
Sa kabilang banda, maaari kang magdesisyon na sumali sa isang “self-help group” na maaari kang bigyan ng kaukulang suporta at impormasyon.
Recommend Report abuse
Arnel Ayson
is in the Philippines
hi mam ganyan na ganyan ang sakit ng mama ko ilang lingo narin sya ganyan anu pwd pa namin gawin hnd sya nakakatulog sa sakit phopho sya hnd n sya nakakalakad masakit at makirot pho sya
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Maraming maaaring dahilan. Pwedeng may kinalaman ang back pain sa sakit sa buto (o arthritic changes) sa spine. Minsan may kinalaman ito sa infections, fractures o pati narin sa organs katulad ng kidney (bato), bladder (pantog), atbp. Kailangan magpatingin ang mama mo sa doctor, para ma-examine.
Sa examination, makikita ng doctor kung ano ang maaaring sanhi ng sakit ng likod at magrerekomenda ng gamot o x-ray, atbp.
Recommend Report abuse
Mary Joy Villanueva
is in the Philippines
good PM Doc.
madalas rin po ako nakararanas ng low back pain. hindi ko maexplain ang sakit, para pong palaging nangangalay. hindi rin po ako makatayo ng matagal o makaupo, dhil sa sakit. 17 palang nman po ako. at ilang buwan ko na po itong nararamdaman. ano po kya ang gagawin ko?
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Iba-iba ang pwedeng sanhi nito, mula sa muscles (kalamnan), sa discs at sa joints (kasukasuan). Posible rin na may kinalaman ito sa infections, fractures o sa organs tulad ng kidney (bato), bladder (pantog), atbp. Kailangan magpatingin sa doctor, para ma-examine.
Sa examination, makikita ng doctor kung ano ang maaaring sanhi ng sakit ng likod at magrerekomenda ng gamot o x-ray, atbp.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hi po.. ganyan din ang nararamdaman ko mula pa nung january.. masakit ang likod sa bandang kaliwa. dina po ako nakakatagal tumayo at maglakad ng matagal na bumababa na hanggang hita at binti ang sakit at pamamanhid. minsan sa sobrang sakit ay di na nkakapaglakad ng maaayos.. naipatingin ko na po ito sa doctor nung nkaraang buwan at pinax-ray niya ko pero di na po ako nakabalik kaya di ko rin po nalaman ang resulta.. ano po ba ito? at ano po ang dapat ko gawin? salamat po
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Maraming pwedeng dahilan tulad ng compression of spinal nerve sa back (sciatica), muscle strain sa lumbar spine o ruptured disk, atbp.
Kailangan mo kunin ang iyong x-ray results at bumalik sa iyong doctor. Sa ganitong paraan lamang malalaman kung ano ang sanhi at ano ang pwedeng gawin para mapagaling.
Recommend Report abuse
Mary Bodin
is in the Philippines
sobra po ang sakit ng upper back ko,pero normal nman daw ang xray physical examination ko s company.posible b magka tv or cancer kht hndi inuobo?dati nman hndi sumasakit likod ko, pero ngayon grabe ang sakit at para ako maiiyak. wla nman po me disc s likod nung last mri ko. mild thoracolumbar lang, pero hndi sya nasakit ngaun lang tlg.. natatakot n po ako. saang doctor po kaya ako magpapacheck up. tnx
Recommend Report abuse
May Gablinez
is in United States
I'm not a doctor, pero kung wla na man problema sa test results, baka stress ka lang masyado and you need to take some rest
Recommend Report abuse
Rodel Banilla
is in the Philippines
Doc masakit pa ang likod ko hindi ko malaman kung sa lower ribs ba..pag pinipisil ko or minamasage na didighay pa ako..gusto kung malaman kung anung sanhi nito at pa ano mawala ang sakit...maraming salamat po.
Recommend Report abuse
Mary Vergara
is in the Philippines
hi doc..bakit masakit yung lower back ko in particulary sa may baba ng beywang,in between sa hips pag uubo ako...
Recommend Report abuse
Susan Batin
is in Taiwan
Dok di ko pa masyadong maintindihan yong sakit na colitis intestine kasi po nagpagamot po ako yan ang sabi ng doktor dito sa taiwan na sakit ko po delikadobpo ba tong sakit na to.. Susan po ng taiwan
Recommend Report abuse
Roxie Enjambre
is in the Philippines
good pm po doc.

college pa po ako nararamdaman ko na sumasakit ang lower back ko. Akala ko po sanhi lang po ito sa pagkakaupo ko sa harap ng computer kaya binabalewala ko lang kasi mawawala naman talaga ang sakit. Pero ngayun araw araw na po sumasakit ang lower back ko lalo dn po siyang sumasakit pag nireregla po ako. 22 pa po ako posible po bang may sakit ako?
Recommend Report abuse
gud pm po mag ttanung po ako mron po kasi ako lumnar naipitan po ako ng ugat anu po ba ang pwedeng gawin para po Hindi na sumakit any akin likod
Recommend Report abuse
Leizel Cielo
is in Hong Kong
sumakit po ang kilod ni papa nun nagbuhat sya ng gasul. ano po kaya pwede igamot sa kanya, hindi po kasi sya makakilos at hindi na din po makatayo.
Recommend Report abuse
Cathyrene  Lugaya
is in United States
gud p.m p pwede p bang magtanong ung father 65 year old sumaskit ung likod at nilalagnat dn p sya pag makainom p sya ng gamot mawala namn p lagnat nya, kazo sya p ung inasahan s amin kaya pilitan sya mag wrk tapos pagkagbi p nilalagnat na po sya...censya na p sa abala.
Recommend Report abuse
Ruben Aquino
is in the Philippines
gud am Doc.
dati po hindi ko iniinda ang sakit sa likod lower part at baka sa buto ko .
pag naka sakay ako sa jeep at may lubak sumasakit po ang lower back ko po.
at pag baba ko naman sa jeep hindi agad ako makatayo kasi sumasakit din
parang sa spinal cord ko sa likod .
ano po ba ang dapat kong gawin ? kasi baka lumala po ito natatakot naman ako mag
pa check-up kasi wala nakong leave po.
thanks po and Godbless po.
Recommend Report abuse
Dominic Lalu
is in United States
Dok tanong ko lang po bakit po kaya sumasakit yun lower back ko lalo na pag matagal po akong naglalakad
Recommend Report abuse
Marie Jean Denoso
is in the Philippines
Doc.gud day po ask ko lang kasi 1wik na makirot yung likod ko nag pa xray po ako clear naman.makirot po sya sobra na halos n hnd ako mkahinga sa gitna po sya ng lungs ko yung makirot na parang may iniipit..wala na rin nmn po ako lagnat tnx and godbless po
Recommend Report abuse
James Asehan
is in Qatar
Doc Good afternoon po, may result na po yong MRI ko, disc bulge at may scoliosis na rin ako, yun ang nagin sanhi ng sciatica. lagi pong namamaga yong tuhod ko at masakit yong muscle ko simula sa balakang, sa may annus hangang paa. ano po ang maipapayo ninyo sa akin, para po maibsan yong araw araw na paghihirap ko. salamat po!
Recommend Report abuse
Donnard Quirante
is a Non-Uniformed Personnel PNP in the Philippines
Doc, yung father ko po mag 70yrs old na sa April 16, 1 week na pong sumasakit ang kanyang balakang lalo na pagmatagal ng naka upo, sumasakit pag tumayo na sya mula sa matagal napagkaupo.. ano po ang pweding gamot para doon sa kanyang nararamdaman..
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Doc naoperahan po ako sa bandang puwetan tapos nainjectionan ako ng anestisya sa spinal,makaraan ang 2 weeks napansin ko sumakit yung spinal ko sa bandang tinurukan,ngayon mga 3 Gabi na Hindi ako nakakatulog ng mahimbing ramdam ko ang pangingimay sa puwetan ko pababa hanggang sa paa...naramdaman ko po Ito after ng operasyon ko sa anus... Salamat po more power
Recommend Report abuse