Scoliosis o pagkakuba: Sanhi, lunas, gamot, sintomas, treatments, signs, symptoms

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ang scoliosis ay abnormal na pag-curve ng spine (galugod) o backbone. Maraming klase ang scoliosis base sa sanhi at edad kung kailan ito nagdevelop. Depende kung gaano kaseryoso ang pagkurba at ang tsansa nitong grumabe o kumuba, ang scoliosis ay nalulunasan sa pamamagitan ng observation, bracing, o surgery.

Ano ba ang scoliosis?

Ang scoliosis ay isang disorder na nagdudulot ng abnormal na pagkurba ng spine o backbone (galugod). Ang spine ay mayroong normal curves kung titingnan sa gilid ngunit kung titingnan sa harapan, dapat straight ito. Ang Kyphosis ay kurba na mapapansin kapag tinitingnan ang spine sa gilid at ang kurba nito ay bent forward. Lordosis naman ang tawag sa kurba o pagkakuba na mapapansin mula sa pagtingin sa gilid na ang spine ay bent backward. May normal na Lordosis sa upper (cervical) spine at lower (lumbar) spine. Ang mga taong may mga scoliosis ay nagdedevelope ng karagdagang mga kurba sa ibang sides at ang mga buto ng spine ay nag-titwist sa isat-isa, na gumagawa ng hugis na “C” o “S” sa spine. Ang scoliosis ay 2x na mas karaniwan sa mga babae kaysa sa lalaki. Karaniwan rin ito sa mga 10 years at pataas ang edad. Ang scoliosis ay hereditary o namamana.


Ano ang Sanhi ng Scoliosis? (Signs, symptoms)

Marami sa mga kaso ng scoliosis ay hindi alam ang sanhi nito. Ang scoliosis na ito ay tinatawag na “idiopathic”. Linalarawan ang scoliosis na ito base sa edad kung kalian nagdevelope. Para sa mga taong mababa sa 3 taong gulang, tinatawag itong infantile idiopathic scoliosis. Kapag nagdevelop ito sa edad na 3 hanggang 10 years, tinatawag itong juvenile idiopathic scoliosis, at ang 10 years pataas ay tinatawag na adolescent idiopathic scoliosis. Mayroon ring tatlong klase ng scoliosis. Ang functional, neuromuscular at degenerative. Ang mga ito ay maaaring sanhi ng neuromuscular conditions tulad ng cerebral palsy o muscular dystrophy, birth defects na umaapekta sa pagdevelope ng buto ng spine, at injury o infection sa spine.


The root cause of scoliosis depends on its type. The four types identified are congenital, neuromuscular, degenerative and idiopathic. Congenital scoliosis refers to a bone abnormality present at birth. On the other hand, neuromuscular scoliosis is due to abnormal muscles or nerves which is frequently seen in people with spina bifida or cerebral palsy or in those with various conditions that are accompanied by, or result in, paralysis while degenerative scoliosis may result from traumatic (from an injury or illness) bone collapse, previous major back surgery, or osteoporosis (thinning of the bones). Lastly, idiopathic scoliosis, which is the most common type, is known to have an unidentifiable cause though there are many theories suggesting a probable cause.


Ano mga Sintomas at Senyales ng Scoliosis?

Ang pinaka-karaniwang sintomas ng scoliosis ay ang abnormal na kurba sa spine, hindi pantay ang mga balikat, ang isang shoulder blade ay mas kapansin-pansin kumpara sa isa, hindi pantay na bewang, ang kabilang bewang ay mas mataas sa isang bewang. Kapag ang scoliosis ay mas seryoso na, ang spine ay magti-twist rin o iikot. Ang grabeng klase ng scoliosis ay nagdudulot ng masakit na likuran at hirap sa paghinga.


Scoliosis may seem a minor problem in some cases. However, if left untreated, there is a tendency that it may impair the patient's ability to do the activities of daily living and his over-all functional capacity. Moreover, it may also affect personality development especially in children.


The symptoms associated with scoliosis are one shoulder is higher than the other, one shoulder blade sticks out more than the other, one side of the rib cage appears higher than the other, one hip appears higher or more prominent than the other, the waist appears uneven, the body tilts to one side and one leg may appear shorter than the other.


Mga test upang matukoy ang scoliosis

Upang matukoy kung ang pasyente ba ay may scoliosis, ang doktor ay kukuha muna ng detailed medical history at mgtatanong kung ikaw ba ay tumangkad. Sa physical exam, maaaring makisuyo ang doktor na tumayo at magbend forward mula sa bewang at ang mga kamay ay nag-hahang loosely. Ito ay upang maobserbahan kung ang isang rib cage ay mas kapansin-pansin kaysa sa isa. Ang doktor ay maaari ring magsagaw ng neurological exam upang masuri kung meron bang panghihina ng muscles, numbness o abnormal na reflexes. Maaari ring kumuha ng x-rays upang makita kung gaano kalala ang spinal curvature.


Ano mga Gamot o Lunas sa Scoliosis?

Para sa maraming kabataan na mayroong scoliosis na mild lamang, maaaring hindi na kailanganin ang lunas gamit ang braces o surgery. Kung mild lang ang scoliosis ay maaaring kailanganin lamang ng pasyente na magpa-check-up kada 4 hanggang 6 na buwan para makita kung mayroon bang pag-iiba sa curvature ng spine. Ngunit para sa seryosong klase ng scoliosis, ang braces ay maaaring gamitin. Ang pagsusuot ng braces ay hindi makalulunas sa sanhi ng scoliosis ngunit maiibsan nito ang pag-progress ng kurba. Maraming braces ang sinusuot sa umaga at gabi. Ang effectivity ng braces ay nagdedepende sa kung ilang oras itong sinusuot. Ang pagsuot ng braces ay hinihinto kapag ang buto ay tumigil na sa paglaki. Ilan sa halimabawa ng braces ay ang underarm o low-profile brace at Milwaukee brace. Para sa napaka-seryosong klase ng scoliosis, kailangan ang surgery para maibsan ang kurba at hindi na ito grumabe pa. Matapos ang operasyon, kailangang protektahan ang pasyente laban sa bleeding, infection at pain o nerve injury.


Home Remedies at Prevention at paano maiwasan ang Scoliosis?

Datapuwat ang physical therapy exercises ay hindi napipigilan ang scoliosis, ang pag-eexercise o pagsali sa mga sports ay nagbibigay ng benepisyo sa pag-improve ng kalusugan at well-being.


May mga nagsasabing mayroong mga home remedies na nakaka-manage ng sintomas ng scoliosis. Isa na raw dito ang herbal oil from oregano, na merong likas na property na nakaka-relax ng mga muscles. Sa scoliosis, the musculature surrounding the spine undergoes tremendous strain because of the curvature of the spine. They are in an agitated condition. Kapag minasahe daw ang spine at ang mga surrounding areas ng herbal oils na galing sa oregano, the muscles will feel relaxed. Maliban dito, since build up of microbes in the spine is thought to cause scoliosis, to prevent microbe formation may mga nagsasabing maaari raw gumamit ng herbal oils such tulad ng thyme oil which is antibiotic in nature. According to some experts, this may reduce the build-up of microbes and contribute to slowing or stopping the progress of the disease.


About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
May side effects o dala po bang panganib ang pagkakaroon ng surgery kapag may scoliosis?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kahit anong uri ng surgery ay may dalang peligro o panganib. Irerekomenda ng iyong doktor ang surgery para sa scoliosis kung mas marami ang benepisyo na maibibigay nito kaysa sa mga risks. Ang mga risks ay depende kung anong uri ng operasyon ang gagawin sa iyong anak at sa kalusugan ng iyong anak.

Severe scoliosis is sometimes treated with a type of surgery called spinal fusion. Spinal fusion helps reduce the curvature of your spine and stops it from getting worse. In spinal fusion, several bones in the spine (vertebrae) are fused and two metal rods are attached to keep the spine straight. Gaya ng ibang operasyon, may mga panganib na kasama sa pagdaan sa mga ito. Ilan sa mga problema tungkol sa spinal fusion ay nakasaad sa ibaba.
• Maliit lamang ang tyansa na magkaroon ng damage sa spinal cord or nerve.
• May tyansa na magkaroon ng infection – maaaring mangyari ito pagkalipas ng ilang buwan o taon.
• Pseudoarthrosis. Ito ay kapag ang iyong spine ay hindi nasa ayos. Maaaring mangyari ito pagkalipas ng ilang taon pagkatapos ng surgery at maaaring kailanganin mo pa ng isang operasyon.
• Minsan ang mga humahawak sa iyong spine ay maaaring masira o kumalas. Ang isa pang operasyon ay maaaring kailanganin para maiayos ito.
• May ilang tao na nakakaramdam ng sakit pagkatapos ng operasyon. Hindi pa matuklas kung anong dahilan nito pero ang karagdagan pang operasyon ay ay makakatulong.

Maaaring kausapin ang iyong orthopedic surgeon para sa karagdagang payo kung ang spinal fusion para sa scoliosis ay nararapat sa iyo o sa iyong anak.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
May scoliosis daw po ako, sabi ng doctor. Lumalala pa po ba ito?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kung natuklasan na mayroon kang scoliosis bago maging tumanda o umabot sa adult stage, ang iyong scoliosis ay maaari pang lumala. Ang iyong edad, kasarian, at ang hugis at uri ng iyong scoliosis ay mga indikasyon kung paano ang magiging kalagayan ng iyong scoliosis. Hindi posibleng magkaroon ng tiyak na prediksyon sa bawat tao. Ang mga bata na may scoliosis ay maaring magkaroon ng improvement kahit na walang napagdadaanan na treatment. Maaaring hindi ito angkop sa lahat ng tao at pwedeng ikaw o ang iyong anak ay kailangan na dumaan ng mga treatment upang maiwasan ang paglala ng kalagayan. Mahalagang magkaroon ng regular check-ups sa iyong doktor kung ikaw ay may scoliosis. Ito ay makakatulong sa pagmomonitor ng kurbada sa iyong likod para malunasan ito bago magkaroon ng kargdagan pang problema.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ipagbabawal po ba sa aking anak ang paglalaro ng sports?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Madami sa mga taong may scoliosis ay nakakapaglaro ng sports at nakakapagehersisyo. Ang ehersisyo ay maganda para sa mga bata – nakakatulong ito sa pagdedevelop ng mga buto at muscles sa katawan at sa pananatili ng malusog na puso. Ang kayang gawin ng iyong anak ay depende sa kaniyang kalusugan, ang kalagayan ng kanyang spine at ang uri ng treatment na ibinibigay sa kanya. Kung mayroong mild scoliosis ang iyong anak, dapat subukan niyang magkaroon ng normal na buhay tulad ng pakikipaglaro ng sports. Kung mayroong back brace ang iyong anak, maaaring ipayo ng doktor na alisin ito kapag naglalaro ang iyong anak na may physical contact. Kausapin ang inyong doktor para sa karagdagang mga payo tungkol sa mga maaaring gawin ng iyong anak.
Rizza Solana
is in the Philippines
Bago Ko lang Po nadiscover na may Dextroscoliosis of the thoracolumbar spine ako, ano Po ba ito? Ani Po ang dahilan nito?
One_paolo1987@ymail.com De Leon
is in the Philippines
doc. may dextro escoliosis da po ako. nasa 20 degre na po siya. malala na po ba yun. ganun po ba pag escoliosis hirap sa pag hinga.
Dr. Firas Mohamed Osman
is a Medical expert in Ireland
Dear Dr Ed,

As am Orthopaedic spinal surgeon in training I am very interested in your article. I have only operated on the congenital forms of scoliosis so my experience is focused on those types. Those include over 30 adolescent cases.
I was a little disturbed to read about home remedies to prevent scoliosis section. Herbs and oils to treat microbes thought to be a cause of scoliosis?! Really? Thyme and Oregano? Please elaborate as you have my full and undivided attention.

Regards

Dr Osman
Orthopaedic Registrar
NURA PAIN
is in the Philippines
Dok maaari ka bang bumagsak sa medical kapag may scoliosis ka? balak ko po kasing mag trabaho e.
Ross Roman
is a non-Filipino member from Saudi Arabia
Doc may kapatid po ako may scoloisis baka ma surgery wala na po bang ibang paraan maliban sa surgery bata pa po kasi kapatid ko magkano po ba aabutin ng surgery? Biyan nyo ako ng payo para sa akin kapatid.
Socorro Jomar
is in the Philippines
Doc. mayron po akong scoliosis minor magdadalawang taon napo bata pa po ako
Karaniwan kopong nararamdaman sumasakit po yong likod ko bandang kaliwa pakpak or backbone..
D rin po pantay yong dibdib ko ..nag pa check up po ako bawal raw po mag buhat ng mabibigat neresitahan po ako ng gamot pain relever.
Saka na x-ray po ako
Doc maari pobang bumagsak ako sa medical kung sa kaling may gantong karamdaman..
Doc humihingi po ako sa inyo ng karagdagang payo..
Socorro Jomar
is in the Philippines
Doc. ano po ibig sabihin o sintomas ng paghina ng tuhod saka nawawalan ng pwersa minsan pag nka tayo ung isang tuhod palaging bumibigay ..o nawawalan ng pwersa..
Doc. pahingi po ako ng payo
Glen Gilbert
is in the Philippines
doc makaka apekto ba sa trabaho kung may 18 degre scoliosis masama ba ito
Roma MatanguihanLuistr
is a Student in the Philippines
Kailan ko lang napansin na hindi pantay ang hita ko. Ang isa ay mataas at ang isa ay mababa. Ano po kayang pwede kong gawin para umayos ang hita ko?
Arnel Corong
is a non-Filipino member from the Philippines
ako may scoliosis curve na masyado kuba na ako, kaso wala akung pangsurgery gusto ko sana para sa kinabukasan ng anak ko