Mabisang Gamot sa Singaw o Sugat sa Gilagid: Ano ang Canker Sores? Ano Sanhi, Dahilan Lunas, Sintomas Mouth sores Natural Remedies

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines

Ano ang Singaw o canker sores o mouth ulcer?
Ang singaw ay maliliit at mababaw na mga ulser na lumilitaw sa bibig at madalas nagdudulot ng sakit kapag ikaw ay kumain o nakikipag-usap. Continue reading: Ano pinakamabisang natural na gamot o halamang gamot sa Singaw?


May dalawang uri ng singaw:
- Simpleng singaw. Ito ay lumilitaw mga tatlo o apat na beses sa isang taon at tumatagal ng isang linggo. Karaniwang ang mga ito ay nagaganap sa mga taong nasa edad 10 hanggang 20 taong gulang
- Komplikadong singaw. Ang mga ito ay madalang, bihira o hindi karaniwan at nagaganap nang mas madalas sa mga tao na dati na nakaranas nito.

Gaano katagal bago mawala ang Singaw? Kailan o ilang araw antayin para maalis ang singaw?
Canker sores, o mas madalas na kilala sa tawag na mouth sores, ay mga maliliit at mababaw na sugat na manaknak (ulcers) na makikita sa bibig at kadalasan nagiging sagabal sa ating pagkain. It may be classified as either simple or complex. Simple canker sores ay maaaring makita sa isa hanggang sa apat na beses sa isang taon at tumatagal ng mga isang linggo. Karaniwan nagkakaroon ang mga nasa 10 hanggang 20 anyos. Sa kabilang dako, ang complex canker sores ay madalang at nagkukuha ng mga taong nagkaroon na nun dati.

Dagdag pa dito, maaaring umangal ang mga taong may singaw ng pananakit o mahapdi na sugat sa loob ng bibig, sa dila, o gilagid. Kadalasang kulay puti o abo ang singaw, na bilog bilog ang hugis na may pamumula sa gilid.

Ano ang dahilan o nagiging sanhi ng mga pabalik-balik na singaw?
Iba-ibang kadahilanan ang maaaring sanhi ng singaw, kasama na ang sugat sa may bibig, mga acidic o maaanghang na pagkain, kakulangan ng bitamina sa katawan, hormones, stress o pagkapagod at autoimmune disorders.

Ang eksaktong dahilan ng karamihan sa mga singaw ay hindi kilala. Ang stress o pinsala sa tissue ay maaring maging sanhi ng mga singaw. Ang ilang mga pagkain - kabilang na ang mga citrus o acidic na mga prutas at gulay (tulad ng mga limon, mga dalandan, pineapples, apples, igos, mga kamatis, at strawberry) – ay maaaring magpalitaw ng singaw o gawing mas malala ang problema. Minsan ang matalim na ngipin o dental appliance, tulad ng braces o pustiso ay maaari ring maging dahilan ng mga singaw.

Ang ilang mga kaso ng komplikadong singaw ay dulot ng ilang problema sa kalusugan, tulad ng mababang resistansiya, nutritional na mga problema, o kakulangan ng mga bitamina tulad ng bitamina B-12, zinc, folic acid, o iron, at mga gastrointestinal na sakit tulad ng Celiac disease and Crohn's disease.

Sa mga karaniwan na kaso, iritasyon na sanhi ng sirang ngipin, maling pagsuot o lagay ng pustiso, pagkagat ng labi o dila, pagkain ng sobrang mainit na pagkain o inumin, braces at pagkagat ng sigarilyo ang nagiging sanhi ng singaw. Maaari ring dahil ito sa paghina ng depensa ng katawan, hormone changes, stress, pagkabahala, pagbilad sa araw at pagkakulang sa mga bitamina at minerals sa pagkain, tulad ng vitamin B12 or folate.

Read more: Singaw at panunuyo ng labi o farmer's lip

Magkapareho ba ang “cold sores” at ang singaw? Anong pinagkaiba nila?
Hindi. Bagaman ang cold sores at ang singaw ay parang magkapareho, ang mga ito ay iba sa isat’t isa. Ang cold sores, na tinatawag ding fever blister o uri ng herpes simplex 1, ay mga pangkat ng masasakit na paltos na may lamang tubig. Ang mga cold sores ay dulot ng virus at lubhang nakakahawa. Gayundin, karaniwang lumilitaw ang cold sores sa labas ng bibig - karaniwang nasa ilalim ng ilong, sa paligid ng mga labi, o sa ilalim ng baba, habang ang mga singaw naman ay matatagpuan sa loob ng bibig.

Ano ba ang mga sintomas, palatandaan o senyalas ng singaw?
Maaring ikaw ay may singaw kung mayroon kang:
- Masakit na sugat sa loob ng iyong bibig - sa dila, malambot na ngalangala (soft palate), o sa loob ng iyong pisngi
- Pakiramdam na nasusunog o panginglilig sa bunganga bago lumitaw ang mga sugat
- Mga sugat sa iyong bibig na bilog, kulay puti o kulay-abo, na may pulang dulo o hangganan
- Sa malalang pag-atake ng singaw, maaari ka ring makaranas ng:
- Lagnat
- Pisikal na kabagalan
- Namamagang lymph nodes o kulani

Ano ang mga Lunas at Gamot: Paano ginagamot ang mga singaw?
Ang sakit mula sa singaw ay nawawala pagkatapos ng ilang araw at ang mga sugat ay karaniwang gumagaling kahit walang paggamot sa loob ng isa o dalawang linggo.

Kung ang mga singaw ay malalaki, masakit, o paulit-ulit, ang iyong dentista ay maaaring mag-atas ng antimicrobial mouthwash, corticosteroid ointment, o over-the-counter na mga gamot upang mabawasan ang sakit at pangangati.

Nakakahawa ba ang Singaw?
Hindi po ito nakakahawa at napapasa sa ibang tao. 

Paano Ba Maiwasan Ang Pagkakaroon Ng Mga Singaw? Ano pangontra sa Singaw?
Bagaman walang lunas para sa mga singaw at madalas silang bumabalik, maaaring mabawasan ang kanilang pagkadalas sa pamamagitan ng:
- Pag-iwas sa mga pagkain na nagdudulot ng iritasyon sa bibig, kabilang na ang mga citrus na prutas at acidic na gulay at maanghang na pagkain
- Pag-iwas sa pangangati at pag nguya mula sa chewing gum
- Ang pagsipilyo gamit ang malambot na toothbrush pagkatapos kumain at pag-floss araw araw

Dapat mong tawagan ang iyong dentista tungkol sa mga singaw kung mayroon kang:
- Hindi karaniwan at malalaking mga singaw
- Mga singaw na kumakalat
- Mga singaw na tumatagal ng 3 linggo o mas matagal pa
- Matinding sakit kahit na ikaw ay umiiwas na sa pagkain ng mga bawal na pagkain at kahit ikaw ay gumagamit na ng mga gamot para mawala ang sakit
- Nahihirapan sa pag-inom ng mga likido
- Mataas na lagnat kasabay ng paglitaw ng mga singaw

Iilang lunas ang mahahanap sa loob ng bahay upang maibsan ang sakit dulot ng singaw. Isa na rito ang peppermint at eucalyptus essential oil na parehas mayroong anti-inflammatory at anti-microbial properties, na pampabawas ng pamamaga. Pwera pa dito, maari ding uminom ng chamomile tea bag na binabad sa tubig para mapabilis ang paggaling ng singaw. Mayroong chemical compound na bisabolol o levomenol ang Chamomile, na napatunayan mayroong nakakalinis ng dumi at impeksiyon dulot ng singaw. At sa wakas, kapag hindi nakatulong ang mga nabanggit sa itaas, pwede ring gamiting ang coconut oil o katas langis ng niyog na meron ding sangkap na nakakabawas ng pamamaga ng singaw.

Masakit at kumikirot talaga ang mga singaw, lalo na't kung madalas ka nagkakaroon nito. Makakatulong na tandaan at ilista ang mga araw na nagkaroon ka ng singaw, upang mapagaralan ang mga posibleng mga pagkain o bagay na nagsasanhi sa pagkakaroon ng singaw at kung paano ito maiiwasan. 

Maaari rin magdala palagi ng mga pagkain o over the counter na gamot sa tuwin ikaw ay lalakbay, upang mabawasan ang sakit nito sa tuwing may lakad ka.

Hirap ka na bang kumain at magsalita dahil sa singaw?
Ang canker sores o singaw ay kadalasang mga maliit at masakit na sugat sa loob ng bibig, dila, loob ng labi, at gilagid. Sinasabing ang dahilan nito ay di pa mapaliwanag, kaya naman bigla bigla na lang tayong nagkakaroon nito.

Kung nais mapabilis ang paggaling, maraming mga paraan na maaaring gawin para maibsan ang sakit ng singaw. Sundin lamang ang mga sumusunod:
1. Pagmumumog ng tubig na may asin – isa sa pinakapraktikal at matipid na paraan ay ang pagmumunog nito. Medyo masakit pero ang pagmumumog ng tubig na may asin ay nakatutulong matuyo at mapahilom ang singaw.

Paano gawin? Kumuha ng 1 kutsaritang asin at tunawin o ihalo sa kalahating tasa ng maligamgam na tubig. Tapos, ang pinaghalong tubig at asin ay maaari nang imumog sa loob ng 15-30 segundo, bago iluwa. Maaari itong gawin ilang beses kada araw.

2. Baking Soda – bukod sa tubig na may asin, maaari ding magmumog ng tubig na may baking soda. Sinasabing binabalik nito ang pH balance sa bibig at nakakatanggal ng maga ng singaw. Ang paghahanda at paggamit nito ay parehas lang sa tubig na may asin.

3. Paggamit ng hydrogen peroxide (Agua Oxinada) – ito’y nakatutulong na malinis ang singaw at pinababa din ang bakterya sa bibig.
Paano gawin? Gamit ang 3% solution ng hydrogen peroxide, ihalo ito sa kasing dami ng tubig (1:1). Kumuha ng bulak o cotton swab at isawsaw sa pinaghalong hydrogen peroxide at tubig. Gamitin itong pang-dampi sa mismong singaw ng ilang beses. Pwede ding imumog ang mixture na ito sa loob ng 1 minuto, bago iluwa.

4. Apple Cider Vinegar - ito ay sinasabing lunas sa halos kahit anong sakit, maging sa singaw. Ang asido ng apple cider vinegar ay pumapatay sa mga bakteryang nkakapit sa singaw.

Paano gawin? Paghaluin ang 1 kutsaritang apple cider vinegar at 1 tasang tubig. Tapos, imumog ito  ng may kalahati hanggang 1 minuto, bago idura. Gawin araw-araw hanggang mawala ang singaw.

5. Coconut oil – ang langis ng niyog ay sinasabing nakatutulong din sa singaw. Ito daw ay may antimicrobial abilities na pumipigil sa pagkalat ng bakteriya ng singaw. Ito din ay pangtanggal ng maga at pananakit ng singaw.

Paano gawin? Direktang ipahid ang coconutoil sa singaw ilang beses kada araw.

6. Honey – ang pagpapahid ng pulot-pukyutan sa singaw ay nakakapagpabilis ng paghilom nito. Sinasabing may antibacterial at anti-inflammatory effects ang honey. Maaring maglagay nito haggang 4 na beses sa isang araw.

7. Ice chips – ang paggamit ng mga tinipak na yelo o ice chips ay makatutulong maibsan ang sakit ng singaw. Hayaan lang na matunaw ng kusa ang yelo sa bigbig na may singaw.

8. Milk of magnesia - ito ay may magnesium hydroxide na isang acid neutralizer. Makatutulong itong takpan ang singaw at maalis ang pananakit nito

Paano gawin? Ipahid ang milk of magnesia sa lugar ng singaw at maghantay ng 30 segundo hangang 1 minuto bago banlawan. Maaari itong gawin 3 beses sa isang araw.

9. Pagkain ng yogurt- ang mga yogurt ay may mga probiotics, isang magandang panlaban sa bakteriya. Mainam na kumain ng 1 tasa o cup ng yogurt isang araw.

10. Paglalagay ng mga gamot (creams at gels) na ginawa mismo para sa singaw. Ito’y pangtanggal sa maga aat maibsan ang sakit ng singaw.

11. Iwasan ding kumain ng mga maaanghang at mga makatas na prutas, ito’y nakadadagdag lang sa sakit ng singaw.

12. Magsipilyo ng ayos, huwag magmadali at huwag din masyadong madiin. Gumamit ng mga toothbrush na mayroong soft bristles. Umiwas din sa mga toothpaste o mouthwash na may sodium lauryl sulfate.

Sinasabing hindi na kailangan gamutin ang singaw dahil gumagaling ito ng kusa. Ngunit kung madalas kang nagkakasingaw o kaya naman ang iyong singaw ay lagpas na ng 2 linggo, ipinapayong magpakonsulta na sa doktor. Maaring di lang basta singaw ang nararanasan mo. May mga seryosong sakit tulad ng Chron’s disease, HIV, AIDS, kanser sa bibig, at mga vitamins deficiencies ang maaaring nagdudulot nitong mga singaw, canker sores o mouth ulcers. Mainam ng masuri agad para malaman mo ang mga kailangan mong gawin at dapat iwasan.
(Last reviewed 28 March 2019)

References

Cleveland Clinic. (2015, March 3). Canker sores. Retrieved from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10945-canker-sores

Mayo Clinic. (2018 April 3). Canker sore. Retrieved from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/canker-sore/symptoms-causes/syc-20370615

American Academy of Oral Medicine. (2007, December 31). Canker sores. Retrieved from https://www.aaom.com/index.php?option=com_content&view=article&id=82:canker-sores&catid=22:patient-condition-information&Itemid=120


Next: Ano pinakamabisang natural na gamot o halamang gamot sa Singaw?

About the author

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia

Meds at Sea Pharmacy and Clinic At SEAOIL Barotac Nuevo, Iloilo (Fronting DENR Barotac Nuevo and Monfort Extension Hospital) Clinic Hours: 9AM to 5PM
Profession: Internal medicine
Meds at Sea Pharmacy and Clinic Barotac Nuevo Iloilo
Office Address: Meds at Sea Pharmacy, Tabucan, Barotac Nuevo, Iloilo
Philippines , Barotac Nuevo , Iloilo City

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ano ang kaibahan ng cold sores at herpetic whitlow? Unsay kalainan sa “cold sores” o ugahip sa “herpetic whitlow”?
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang “cold sores” ay maliit na may lamang likido na paltos na nagpapakita sa palibot ng iyong bibig o sa loob ng bibig. Ang “Herpetic whitlow” ay isang napakasakit na impeksyon sa balat na umaapekto sa anumang daliri na malapit sa iyong kuko. Ang dalawang kondisyon ay pawang dulot ng “Herpes Simplex Virus (HSV)”.
Sa kabuuan, sa mga matatanda, ang paglabas ng “cold sore” ay nagsisimula bilang nangingiliting pakiramdam, pamumula at pamamaga sa palibot ng iyong bibig. Pagkatapos ay may maliliit na paltos na may lamang tubig ang nabubuo na siyang pumuputok at nagiging “crust o scab” o peklat.
Ang “herpetic whitlow” ay nabubuo kapag nakakuha ka ng isa o grupo ng mga maliliit na paltos na may lamang tubig o nana sa iyong mga daliri o hinlalaki. Ito ay maaaring maging napakasakit, makati at mapula.
Ang “Herpes Simplex Virus o HSV” ay nakakasanhi ng impeksyon at napapasa sa pamamagitan ng direktang kontak ng balat sa balat. Ang maliliit na kabataan ay maaaring magkaroon ng “herpetic whitlow” mula sa pagsi-sipsip sa kanilang mga hinlalaki at daliri kung sila ay may “cold sore”. Kung ang iyong anak ay may ganito, subukan siyang himukin na huwag hawakan ang apektadong parte. Kapag ito man ay mangyari, hugasan ang kamay ng iyong anak ng tubig at sabon agad-agad. Ito ay nakakatulong upang mabawasan ang tsansang magkaroon ng “herpetic whitlow”.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
May malubhang paltos sa kanyang bibig at gilagid ang anak ko po. Magkakaroon ba siya nito parati kung magkakaroon siya ulit ng bumabalik na singaw?
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Malayong mangyari na magkakaroon uli ng malubhang mga paltos kung siya ay sisingawin ulit. Sa unang beses na ang iyong anak ay makakakuha ng “herpes simplex virus (HSV)”, maaari itong makasanhi ng pamamaltos sa loob o sa palibot ng bibig at nagpapamaga at nagpapakirot sa mga gilagid. Ito ay tinatawag na “gingivostomatitis” at mas pangkaraniwan sa mga batang edad lima at pababa.
Matapos ang naunang impeksyon ay mawala, ang HSV ay mananatiling tulog o in-aktibo subalit maaaring maging aktibo sa mga ilang panahon. Kapag ang HSV ay nabuhayan ulit, ang iyong anak ay malayong magkaroon ng malubhang pamamaltos sa bunganga at gilagid. Ang sintomas ay karaniwang mas hindi grabe at ang mga paltos ang maliliit at may lamang tubig. Ang mga paltos na ito ay tinatawag na “cold sores”. Kung kailangan mo ng mas maraming impormasyon, makipag-usap sa iyong doktor.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Dapat ko bang ipagpaliban sa eskwela ang aking anak kung meron siyang singaw? Dapat ba nako ipa-absent akong anak kung naa siyay lu-as?
Recommend Report abuse
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Hindi, hindi mo kailangang ipagpaliban sa eskwela ang iyong anak kung meron siyang singaw. Kung ang iyong anak ay may singaw ngunit wala namang dinaramdam, maaari siyang pumasok sa paaralan.
Himukin ang iyong anak na huwag hawakan ang kanyang singaw dahil sa pamamagitan nito ay mababawasan ang tsansa na mapasa niya sa ibang bata ang sakit. Sabihan ang iyong anak na kapag nahawakan niya ang kanyang singaw ay maghugas siya agad ng kanyang kamay gamit ang sabon at tubig. Kung maaari, subukan ring ilayo ang iyong anak sa pakikipagsalo ng kahit ano na nagkaroon ng kontak sa singaw.
Recommend Report abuse
Malyn Fadul
is in the Philippines
anu pong gamot o ointment para Po sa singaw o knino Po akong espesyalista ako pwedeng magpakonsulta sadentist Po ba? 3yrs. old Po yung anak Kong my singaw sa labi at sa gilid ng loob ng bibig Po sya my singaw pero tinanong ko nmn sya kung masakit labi nga Hindi nmn daw Po pero nkita ko loob ng bibig nga nmumuti Po na tingin ko singaw pti ksi sa my ngala ngala my mga bilog Po n mliit n puti..anu Po bang dapat Kong gawin? salamat po
Recommend Report abuse
Andrea Pelaez
is in the Philippines
ano po ang sakit ko kung meron akong singaw na medyo malaki sa may gums at masakit ang buto ko sa may left lower cheek malapit sa panga at medyo nagbubukol ito? salamat!
Recommend Report abuse
Alex Ferraren
is in the Philippines
hello po....ano po ba ang gawin para hinde na ako magkaroon ng singaw kasi madalas po ako magkaroon ng singaw na tatlo at malaki pa po sa tuwing makagat ko yung parts ng bibig ko or yung dila ko mismo po...ano ba ang kulang sa akin po.vitamins ba ang kulang ko kaya ako ay madlas magkasingaw po?pls i need your advice kong ano ang gagawin ko para hinde na ako makasingaw ulit?
Recommend Report abuse
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Singaw or canker sores are painful and can usually last up to 10 days. Try to keep adequate oral hygiene as much as possible. If concerned see your dentist after 7 days. Avoid spicy and acid foods (such as juices and sodas) to reduce future outbreaks of these sores. Also, stress and too much acid in system might cause canker sores.
Recommend Report abuse
Lhai Jimenez
is in the Philippines
hi dok ako din po mbilis akong tubuan ng mga singaw hnd lng isa kundi tatlo o apat pa sa bibig, sometimes sa dila ang sakit sakit tlga. araw araw naman akong naliligo at hnd aq mhilig sa mga lemon, kalamansi o pineapples. Bgla nalang pong tumutubo lalo na po pagnkgat ko lng ng kunti ung bibig ko.. and ung ngmamadali po aq sa pagtoothbrush minsan nlalakasan ko kaya my ntatamaan ung gums. kinaumagahan po my maliit n singaw na po ako aun lumalaki na po sya. Ok lng po bang tawas ang gngamit kung gamot kapag naabot lng po ng kamay ko ang singaw ko? namamatay po kc sya agad kht sobrang hapadi tinitiis ko kc po hnd lng 1wek ang singaw ko umaabot po sya ng 2weks. Napansin ko rin po ung anak ko dalawang araw syang hnd nkaligo kc my lagnat po sya. my tumubo po agad na singaw.. kht po walang lagnat sya kapag d sya nkaligo my singaw po agad kinbukasan. bkit po kaya dok? thanks po
Recommend Report abuse
Leann Soque
is in the Philippines
dok,ang nsa labi q po ay butlig na parang matigas ung nasa loob nya.nkagat q po ung labi q at sa halipna magkasugat naging butlig or parang keloids sa labi.anu po b paraan para maalis ito matagal narin po kc ito sa lips q.thanx po!
Recommend Report abuse
Joel Gabatan
is in the Philippines
Ano po bang alam nyong gamot para sa singaw yung mabibili sa botika.? Please answer
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
DACTARIN po
Recommend Report abuse
Maagandang araw po. Madalas po akong may singaw at malalaki ang mga ito na tumatagal ng mahigit isang buwan.Pabalik balik rin po ang singaw ko kaya halos di na ako nawawalan ng singaw. Marami na po akong napuntahang doktor at marami na rin po akong nasubukan na gamot. Pati po mga STD related medicine pinainom na sa akin gaya ng Diflucan at Clindal. Ibat ibang oral gel na rin po nagamit ko tulad ng Rowagel, Daktarin at etc. pero hindi pa rin nawawala yung problema. Nagpa CBC at HIV test na rin po ako pero wala nmn po abnormality. Madalas rin po akong umiinom ng tubig pero sa gabi pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko.Ano pa po kaya ang pwede kong gawin para malunasan ang mga singaw ko? Maraming salamat po!
Recommend Report abuse
Ella Cabalquinto
is in the Philippines
May singaw po ako ilang isang linggo ko na po itong tinitiis.. Marami na po akong ginaw para lang mawala siya kaso lalo lang siyang lumalala.. Hindi po ba ito sanhi ng init o di kaya sa pagligo.. Di na po kasi ako makkain ee.. Nangangayayat na po ako sa subrang sakit ng singaw ko..
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
ako po ay parating makakaranas ng singaw sa tuwing masusugatan sa anumang parte ng bibig..lalaki ng lalaki ito habang tumatagal..anu po ba sulosyon nito? parati nlang kasi.
Recommend Report abuse
Angel Dc
is in the Philippines
Use povidone betadine mouth wash see at drug store. Effective
Recommend Report abuse
Angel Dc
is in the Philippines
good morning and ni recommend ng doctor ko from med city ay povidone betadine mouth wash. See and effective. Nawala ang sakit. Prro much better kung pa consult muna before u use it.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
good morning and ni recommend ng doctor ko from med city ay povidone betadine mouth wash. See and effective. Nawala ang sakit. Prro much better kung pa consult muna before u use it.
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Thanks po doc.now i know na po
Recommend Report abuse
Kiko Kimoro
is in Saudi Arabia
Hello po. Ako po ay may singaw sa gilid ng aking dila. Talagang masakit at naramramdaman kong nakakapagpainit ng buong katawan, parang lagnatin ako. Kung maari pa nga po, ayokong magsalita kasi masakit talaga. Ano po ang mabilisang gamot dito. Salamat po nang marami.
Recommend Report abuse
Jane Lagura
is a Agent in the Philippines
Hi Doc,
Nahihirapan ako lumunok,at kumain kase masakit yung left part ng leeg ko baba ng tenga.. mahirap lumunok .. and nilalagnat din ako .. then pag check ko may sira na pala yung ngipin ko ..akala ko yun yung nagiging cause ng masakit na pag lunok at pag nguya ..then pag check ko may singaw pala ako malapit dun sa sirang ngipin ko .. sa callcenter kase ako nahihirapan ako mag salita kase masakit talaga .. any advise ? nag take na din ako ng mefenamic at amox.. but still masakit pa din .. try na din ako mag mumuog ng asin sa maligamgam na tubig.. nakaka apekto din ba ang madalas na paginom ng maligamgam na tubig? hindi po kase ako nainom na malamig e.. salamat po sana mahelp mo ko.
Recommend Report abuse
Shrewd SHREWD
is in the Philippines
monthly nalang ako nagkakaroon ng singaw, tapos tumatagal pa ng isa hanggang 2 linggo.. bakit po kaya? tapos parang kahit anong igamot ko wala namang nagiging epekto, kapag hinahayaan ko naman ganun parin katagal yung singaw.
Recommend Report abuse
Shrewd SHREWD
is in the Philippines
monthly nalang ako nagkakaroon ng singaw, tapos tumatagal pa ng isa hanggang 2 linggo.. bakit po kaya? tapos parang kahit anong igamot ko wala namang nagiging epekto, kapag hinahayaan ko naman ganun parin katagal yung singaw.
Recommend Report abuse