Sobrang sunburn, sun poisoning, melanoma, nakabilad sa araw

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano gamot sa sunburn and ano yung pwede ipunas na ointment para mabakbak specially sa face? Salamat po. Trainee ako and 8 days na kaming babad sa tirik ng araw. Yung tipong ang mukha ko parang may round mark around my eyes na para ng block eye. So I decided to buy an SPF lotion para hindi na masyadong masunog. So my concern is ano yung pwedeng ointment para magbakbak na ang mukha ko para maging pantay naman. Please really need your advices. Thank u godbless


Translation: What medicine can I use for sunburn? And what ointment can I use so that the dead skin will peel, especially on my face? I am a trainee, and we've been exposed to the sun for 8 days now. My face has round marks around my eyes, and it looks like a block eye. So I decided to buy SPF lotion so that my skin won't burn. So I would like to know what ointment should I use so that my skin would dry up and the color will look even.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello!

Hows summer for you so far? I hope okay at nag-eenjoy ka. At mas maeenjoy mo pa kung alam mo kung paano malulunasan o maiiwasan ang pagkasunog sa balat dahil sa matinding sikat ng araw.

Kung higit sa 20% sa iyong balat ay na sunburnt, pinapayo ko sa'yo na magpatingin na sa iyong dermatologist sa madaling panahon. Ito ay delikado at nararapat ang madaliang lunas.

Batay sa iyong salaysay, gumamit ka naman ng SPF sunscreen lotion. At naghahanap ka rin ng gamot para matanggal agad ang patay na balat o dead skin na sanhi ng pagkakasunog. Tiyakin na mas higit sa SPF 30 ang gagamitin at sapat at pantay-pantay ang pagkakapahid nito sa iyong balat. Hindi tama ang sapilitan at mabilisang pagtanggal ng dead skin. Hayaan mo lang itong magpeel off ng natural. Ayaw nating mapasukan ng mikrobyo ang sugat na pinagtuklapan. Pag na infect ang sugat, mas malaki ang ating problema. Gumawa ako ng tala ng mga pwede nating gawin pag tayo ay humaharap sa probleman dulot ng sunburn.

1)Pahiran ng sabila o dahon ng aloe vera ang nasunog na balat. May natural collagen ito nakakatulong sa pagpapagaling ng sugat. Pwede ring maglagay ng oatmeal mask. May natural gel ang oatmeal na nakakatulong sa paghupa ng pamamaga at paghilom ng nasunog na balat.
2) Uminom ng Ibuprofen. Nakakatulong ito sa pagtigil sa pamamaga ng balat.
3.)Pahiran ng 1% hydrocortisone cream ang nasunog na balat. Nakakatulong ito sa pagtigil ng pamamaga, pangangati at pamumula ng balat.
4) Uminom ng madaming tubig (12 glass higit sa isang araw). Ang nasunog na balat ay nangangailangan ng moisture. Kailangan palitan ang nawalang tubig sanhi ng pagkakasunog.
5) Sa peeling off o natural na pagbabalat, ang pipino ay nakakatulong ng sapat. May natural astringent ang pipino na nakakatulog sa paglagas ng dead skin. Nakakapagpaginhawa din sa nasunog ng balat ang natural na lamig at moisture ng pipino.
6. Wala pa ring hihigit sa mismong pag-iwas ng pagkakasunog ng balat. Gumamit ng SPF 30 o higit pa na sunscreen lotion at pahiran ng balat ng sapat at pantay. Ang aking gamit ay SPF 70. May kamahalan pero sobra itong epektibo sa proteksyon ng balat.

Tandaan kumunsulta agad sa duktor kapag higit sa 20% ang nasunog na balat, ikaw ay nilalagnat o masama ang pakiramdam. Huwag ring piliting tuklapin ang nasunog na balat. Sana ay nakatulong ako sa iyo.

\doc rands
May Gablinez
is in United States
in my opinion, punasan mo ng malamig na tubig or use ice sa face mo. then, use a gentle toner, kungg dunog yung mukha mo, maaring magka-cause ng damage sa skin if you will use yung ibang toner.
May Gablinez
is in United States
88sunog i-mean, not dunog. :)

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.