Sunburn o Sunog ng araw sa balat: Ano gamot, lunas, natural cures, at remedies, treatment what

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano ang sunburn? Ang sunburn o sunog ng araw ay mapula at masakit na balat at mainit sa pakiramdam kapag nahipo. Kadalasang lumilitaw ito mga ilang oras matapos mabilad sa araw at maaring mawala pagkaraan ng ilang araw o higit pa. Ang matinding pagkabilad sa araw na magdudulot ng sunburn ang magpapadagdag ng panganib ng mga ibang komplikasyon na sakit sa balat, lalo na tuwing summer. Kasama dito ang nanunuyong balat, kulubot na balat, liver spots o batik na atay, actinic keratosis at kanser sa balat kasama na ang melanoma. Maiiwasan ang sunburn o sunog ng araw at iba pang karamdaman sa balat sa pamamagitan ng pangangalaga sa balat habang nasa labas ng bahay, kahit na sa mga araw na maulap. Kung masusunog ang balat mo o magkakasunburn ka, maraming lunas pantahanan at mga gamot ang makapagpapaginhawa sa sakit at mapapabilis ang paggaling ng iyong balat.

Mga Sintomas at Palatandaan ng Sunburn

Ang mga sintomas ng sunburn ay ang mga sumusunod:


· Pamumula ng balat

· Balat na mainit sa hipo

· Masakit na balat

· Pamamaga

· Maliliit na paltos na maaaring pumutok

· Sakit ng ulo, lagnat at pagkapagod kung malaki ang sakop ng sunburn


Kahit na anong bahagi ng iyong katawan, kasama na ang tenga, anit o labi ay maaaring masunog. Ang mga mata na sensitibo sa matinding liwanag ng ultraviolet light, ay maaari din masunog. Ang nasunog na mga mata ay masakit at parang mabuhangin sa pakiramdam. Ang mga sintomas ng sunburn ay lumilitaw mga ilang oras pagkabilad sa araw. Ngunit malalaman lang kung gaano kalubha at gaano kalaki ang sakop na bahagi ng katawan ang nasunburn pagkalipas ng isang araw o higit pa.


Sa loob ng ilang araw, ang katawan ng tao ay nagsisimulang maghilom ng kusa sa pamamagitan ng “peeling” o ang pagkaalis ng unang patong ng nasirang balat. Depende sa kalubhaan ng sunburn, aabutin ng mga ilang araw o higit pa ang paggaling.

Most of us think that sunburn, sometimes referred to as sun poisoning, is a common occurrence due to a prolonged exposure to the sun and that its symptoms is not something that we should worry about. However, not all people experience mild symptoms of sunburn. In worse cases, some people may experience chills, fever, nausea or vomiting, flulike symptoms, blistering that may range from a very fine blister that is only found when you begin to "peel" to very large water-filled blisters with red, tender, raw skin underneath and skin loss or peeling which occurs about 4 to 7 days after exposure.


Sanhi ng Sunburn

Ang sunburn ay dulot ng sobrang pagkabilad sa ultraviolet (UV) light. Ang UV radiation ay wavelength mula sa sikat ng araw na hindi nakikita ng ating mata. Kapag nabilad sa UV light, dumadami ang paggawa ng balat ng melanin. Ang melanin ay ang dark pigment ng epidermis na nagbibigay sa balat ng normal na kulay nito. Ang sobrang melanin na nagawa para protektahan ang balat, ay nagdudulot ng mas maitim na kulay ng balat. Ang suntan ang paraan ng katawan para harangin ang UV rays upang mapigilan ang sunburn at iba pang pagkasira ng balat. Subalit ang proteksiyon na ito ay may limitasyon.


Maaari din magkasunburn kahit na sa araw na makulimlim o maulap dahil 90% ng UV rays ay nakakalusot sa mga ulap. Kaya din magreflect ng UV rays sa niebe, yelo, buhangin, tubig at iba pang reflective surfaces na makakasunog din sa balat kagaya ng tindi ng direktang pagkabilad sa araw.

As the term implies, sunburn is a result of prolonged exposure to the ultraviolet light coming from the sun. Ultraviolet A (UVA) and ultraviolet B (UVB) are the two types of solar radiation most responsible for sunburn. Sunlamps and tanning beds also emit UV light. Therefore, it can also cause sunburn. However, the chances of getting sunburn depend on the person's skin color.


Our skin color is determined by the amount of the pigment called melanin found in the outer layer of our skin. When a person is exposed to UV light, his skin becomes darker to protect him from further skin damage. Hence, a darker person has more protection from sunburn than the fair-skinned one.


Lunas sa Sunburn

Ang paggamot sa sunburn ay hindi makagagaling o hindi makakapigil sa pinsala sa balat pero ito ay makapagpapabawas ng sakit, pamamaga, pagkabalisa at paghihirap. Kapag hindi gumaling sa lunas pantahanan o kapag ang sunburn ay malala, maaaring magreseta ang doktor ng mga sumusunod:


· Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs). Ang topical at oral NSAIDs ay nagbibigay ginhawa sa pananakit at pamamaga ng balat. Mas maigi kapag nainom o naipahid ito sa unang 24 oras ng pagkabilad sa araw. Dapat tandaan na ang NSAIDs maaaring makirita sa tyan at bituka.


· Corticosteroid. Maaaring makatulong ang topical corticosteroid sa pagpapaginhawa ng balat dahil sa pangangati na siyang nangyayari kapag ang balat ay gumagaling na. Ang kombinasyong ng topical corticosteroid at topical o oral NSAIDs ay mas mabisa kaysa kung isa lang sa mga ito ang gagamitin. Ang paggamit ng topical corticosteroids ay maaaring makapagpanipis ng balat at magdulot ng mapupulang sugat at acne.

Since sunburn is also a form of skin irritation, there are several home remedies to soothe the pain, swelling and discomfort. One of these is the use of potato paste which can be made at home by placing a potato in a blender and mixing it with water until you achieve the consistency of a paste. This mixture can be applied to the skin using cotton balls. On the other hand, cool milk compress is also effective in treating sunburn. The initial coolness of the milk will ease the heat, while it also creates a layer of protein to protect your skin, help it heal, and further soothe discomfort. Moreover, cornstarch or baking soda can also naturally soothe sunburn with its cool, silky texture. Both can diminish the pain and lessen the blazing red appearance of the burn. Lastly, your body also needs water for hydration which aids in the healing process of your damaged skin.


Lunas Pantahanan o gamot at natural cures/ home remedies

Kapag nagkaroon na ng sunburn, wala nang masyadong magagawa para limitahan ang pinsalang dulot nito. Ang mga sumusunod na paraan ay makakabawas ng sakit at paghihirap sa mga oras at araw matapos masunburn.


· Uminom ng anti-inflammatory na gamot kagaya ng aspirin o ibuprofen.


· Dampian ang apektadong balat ng cold compress tulad ng tuwalya na binasa ng malamig na tubig o kaya ay maligo sa malamig na tubig o ulan.


· Pahiran ang apektadong balat ng moisturizing cream kagaya ng sabila lotion o hydrocortisone cream.


· Kung may pamamaltos, huwag butasan dahil pinapataas lamang nito ang panganib ng impeksiyon at pinapabagal ang paggaling.


· Uminom ng maraming tubig at iba pang fluids para maiwasan ang dehydration. Ang pagkabilad sa araw at matinding init ay nagdudulot ng pagkawala ng likido sa balat at katawan.


· Ingatan ang paggamot sa peeling ng balat at ituloy ang pagpahid ng moisturizing cream.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ano po ba ang heat exhaustion at heatstroke? Unsa ning ginatawag
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang heat exhaustion at heat stroke ay pawang maaaring buhat ng sobrang init at mainit na panahon. Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pananakit ng ulo, panghihina, pamamanhid at pakiramdam ng pagkahilo. Ang dalawang kondisyon na ito ay pawang seryosong mga sakit kapag hindi naagapan. Maaari mong malunasan ang heat stroke at heat exhaustion sa pamamagitan ng pagpapalamig, pagpapahinga, at pag-inom ng maraming tubig.
Ang heat exhaustion at heat stroke ay mga kondisyon na sanhi ng sobrang init at pwedeng maging seryoso kapag hindi nalunasan.
Ang heat exhaustion ay nangyayari kapag ang iyong katawan ay sobra ang pag-init, at ang temperatura sa loob ng iyong katawan ay tumaas nang tumaas at ikaw ay sobrang pinagpapawisan. Ito ay nagdudulot ng pag-iiba sa antas ng asin at tubig sa katawan, na nagdadala ng dehydration. Ang heat exhaustion ay maaaring dala ng napakainit na panahon, lalo na kapag ikaw ay nag-eehersisyo. Ang mga bawal na gamot tulad ng ecstasy ay maaari ring magdulot ng heat exhaustion. Kabilang sa mga sintomas ay ang panghihina, pagkahilo at pagkalito, pananakit ng ulo at pamamanhid.
Kapag may duda kang ikaw o ang iyong anak ay nagka-heat exhaustion, pumunta sa malamig na lugar sa lalong madaling panahon o maupo o mahiga. Uminom ng maraming tubig dahil ito ay mag-iiwas sa iyo na ma-dehydrate. Kapag ang iyong mga sintomas ay nagpatuloy, o kaya’y mas lumubha, maghanap kaagad ng tulong medikal.
Kapag ikaw ay may malubhang heat exhaustion, at hindi agad nalunasan, maaari itong humantong sa heat stroke. Ang heat stroke ay mas seryosong kondisyon na buhat ng pagkabigo ng natural na taga-regulate ng temperatura sa katawan na panatilihin ang wastong temperature sa katawan. Ito ay may pare-parehong sintomas sa heat exhaustion. Maaari kang makaramdam ng pagkalito o pagiging hindi mapakali at mainit at tuyong balat. Ang heat stroke ay maaari ring makasanhi sa iyo na mawalan ng malay at madaling maging seryosong kondisyon.
Ang heat stroke ay nilulunasan sa pamamagitan ng pagpapalamig, pagpapahinga, at pag-abuno sa mga nawalang tubig sa katawan. Maaari mong ibalot ang iyong sarili o ang iyong anak sa basing tuwalya upang malamigan ang katawan. Kapag ang iyong anak o ikaw ay may heat stroke, kinakailangan mong humanap kaagad ng medikal na tulong o tumawag ng ambulansya.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
May napansin po akong bukol o umbok sa balat, ano dapat kong gawin? Naa koy nabantayan nga nagtubo sa akong panit – unsa ang angay nakong buhaton?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Maraming mga tao ang may nunal o mga maiitim na pantal sa kanilang balat. Karamihan sa mga ito na makikita sa balat, kasali na ang mga nunal, cysts, kulogo, o mga pantal ay hindi kanser. Subalit, kapag meron kang bagong nunal o umbok, o kaya’y ang isang nandiyan na noon ay nagbago ng hitsura sa mga nakalipas na linggo at buwan, kailangan mong magpakunsulta sa doktor.
Mayroong maraming klase ng mga sugat sa balat, karamihan sa kanila ay hindi klase ng kanser. Kabilang na dito ang nga nunal, kulogo, at “skin tags”. Importanteng kilala mo ang iyong balat at marapat na regular mo itong i-check upang malaman mo agad kung may mga pagbabagong nangyayari. Kapag ikaw ay may maputing balat na madaling nasusunog at marami ka ring mga nunal, kailangan mong suriin ang iyong balat nang 3 hanggang 4 na beses kada taon. Maaari kang magpatulong sa iyong asawa o kapamilya na suriin ang mga bahagi ng iyong katawan na mahirap mong makita.
Ang ilang klase ng kanser sa balat ay nabubuo sa parte ng katawan na nakikita ng araw, tulad ng sa mukha, leeg, at kamay. Mayroong maraming klase ng kanser sa balat at bawat isa ay nag-iiba-iba ng hitsura.
• “Non-melanomas”, tulad ng “basal cell carcinoma”, ay maaaring magsimula bilang maliit na namumula, at makintab na umbok.
• Ang “Squamous cell carcinoma” ay mapapansin bilang maliit na kumakaliskis o matigas na bahagi ng balat na kulay pula o pink sa mga gilid.
• Ang “melanoma” ay nagsisimula bilang maitim na parte o nunal sa balat.
Kapag sinusuri mo ang anumang nunal o maiitim na pantal sa balat, ang pagsunod sa ABCD rule ay makakatulong sa iyo upang makapansin ng mga pagbabago. Kapag napansin mo ang alinman sa mga sintomas na ito, agad na pumunta sa iyong doktor.
• Assymetry. Ang bawat kalahati ng iyong nunal ay hindi pareho ang hitsura.
• Border. Ang mga gilid ng iyong nunal ay iregular, hindi makita, o “jagged”.
• Color. Ang kulay ng iyong nunal ay hindi pare-pareho, at merong higit sa isang kulay.
• Diameter. Ang iyong nunal ay mas malaki sa 6mm kung susukatin pagitna (kasinlaki ng pambura ng lapis).
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Gaano katagal sa init ng araw ang ligtas para sa balat? Unsa kadaghan nga kainit ang dili delikado para sa akong panit?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Bagamat ang sobrang araw ay nakakapinsala sa balat, ang sapat na dami ng sinag ng araw ay nakakabuti, dahil ito ay tumutulong sa paggawa ng Vitamin D. Kung gaano katagal kang magbababad sa ilalim ng araw upang makakuha ng sapat na Vitamin D, at kung gaano katagal kang mananatili sa ilalim ng araw bago mapinsala ang iyong balat, ay nagdedepende sa ilang mga bagay. Kalakip na dito ang iyong lokasyon sa mundo, kung anong klaseng balat meron ka, at kung anong oras na sa isang araw.
Ang pagkuha ng kaunting sinag ng araw ay nakakabuti dahil tumutulong ito sa katawan na makuha ang Vitamin D na kinakailangan nito. Ikaw ay nakagagawa lamang ng Vitamin D kapag ang iyong balat ay nasisinagan ng araw. Ang pagkakaroon ng sapat na Vitamin D ay maaaring makabawas sa iyong tsansa na magkaroon ng ilang mga kanser, datapuwat marami pang pananaliksik ang kinakailangang mangyari. Ang Vitamin D ay kilala rin na importanteng parte para maging malusog ang mga buto. Subalit kailangang balansehin ang importansya ng Vitamin D sa potensyal na pinsala na magagawa ng pagbababad sa araw ng mahabang oras.
Mahirap matukoy kung ilang oras ka talaga dapat nasa ilalim ng araw upang makakuha ng sapat na Vitamin D o kung gaano kahaba ng oras ka mananatili sa ilalim ng araw bago ka magkaroon ng paso sa balat. Ito ay dahil maraming mga bagay na makakaapekto kung gaano matatagalan ang init ng araw. Ang ilan sa mga ito ay nasa ibaba:
• Ang “season” o panahon ng taon. Kailangang magbabad lamang ng kaunting oras sa ilalim ng araw kapag tag-init (summer) na mga buwan upang makakuha ng Vitamin D. Ang iyong balat ay mas madali ring masusunog sa panahong ito.
• Kung anong oras tayo sa isang araw. Kapag ang araw ay napakataas sa langit, ang iyong balat ay masusunog sa loob ng kaunting oras kaysa sa kapag ang araw ay mababa kung tingnan sa langit. Kailangan mo ng kaunting oras lamang sa pagpapa-sailalim sa init ng araw kung tanghali na upang makakuha ng Vitamin D kaysa sa pag-expose sa iyong balat sa umaga o sa gabi.
• Kung nasaan ka matatagpuan sa mundo. Kapag mas malayo ka sa “equator” o kalagitnaan ng mundo, mas matagal ang ginugugol na panahon upang umabot ang vitamin D na kailangan mo mula sa araw. Kapag naman nakatira ka nang mas malapit sa “equator”, ang iyong balat ay mamumula o mas masusunog nang mas madali kaysa sa isang tao na nakatira malayo sa “equator”.
• Ang klase ng iyong balat. Kapag mas maitim ang iyong balat, mas matagal ka rin dapat magbabad sa araw upang makuha mo ang iyong kinakailangan na Vitamin D. Ang mga taong mapuputi ay mas madaling nasusunog ang balat kaysa sa mga taong mas maiitim.
Marapat na makakuha ka ng sapat na Vitamin D sa panahon ng tag-init sa pamamagitan ng sandaling pananatili sa ilalim ng araw na walang sunscreen na ginagamit. Sa pangkaraniwan, ang ilang minuto na eksposyur sa ilalim ng araw sa kalagitnaan ng araw nang walang sunscreen ay sapat na na makapagbibigay sa iyo ng Vitamin D na iyong kinakailangan at hindi naman nakakapinsala. Ang kaunti ngunit palagiang pagbababad sa araw at kung mas marami ang balat na pinapakita mo sa araw, ay mas nagpapadali sa pagkuha mo ng Vitamin D na kailangan ng iyong katawan. Ngunit huwag hayaang mamula ang iyong balat, sapagkat ito ay sintomas na nasobrahan ka sa araw. Pag-aralan kung gaano katagal mong kayang magtagal sa araw na walang nangyayaring pagkasunog ng balat. Kapag inaasahan mong magtatagal ka sa ilalim ng araw nang mas mahaba pa sa ilang minuto, marapat mong sundin ang karaniwang mga payo ukol sa “sun care” – manatili sa ilalim na lilim ng punung-kahoy, pahiran ang balat ng sunscreen kapag ang iyong balat ay masyadong nae-expose sa araw.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Pwede ba ko makakuha ug actinic keratoses sa ubang tao?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Hindi naman nakakahawa ang actinic keratosis, kaya hindi mo makukuha ito mula sa ibang tao o ma-iinfect ang ibang tao.
Nabubuo ang actinic keratosis kapag ang “cells” ng balat ay nasisira dahil sa matagal na pagkakabilad sa araw. Ang mga pantal na magaspang, at nagkakaliskis na balat ay mga katangian ng kondisyon na ito, pero hindi naman nakakahawa, kaya naman hindi mo ito makukuha sa ibang mga tao. Ganyan din, kung meron ka actinic keratosis, hindi mo sila makakalat sa sinuman.