Totoo po ba na sintomas ng magkaka stroke ang nagkaka migraine? Link, risks, visual disturbances

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Nagkaka-migraine po ako. Sintomas daw po ba ito ng magkaka stroke? Babae po ako na 39 years old.


Topic: Is it true that one of the signs or symptoms of stroke is migraine? I'm 39 years old and I often have migraine

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Kung babae ka at edad 45 pababa at nakaroon ng migraine na my “aura” (lumalabo ang paningin at nahihilo), mas nasa panganib ka magka stroke, lalo na kung naninigarilyo ka o gumagamit ka ng combined oral contraceptive pill (birth control pill).
Nangyayari ang stroke kapag ang suplay ng dugo sa bahagi ng iyong utak ay naputol at nagiging sanhi ng pinsala sa mga cell ng utak. Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga stroke - ischemic at haemorrhagic. Ischaemic stroke ang tawag kapag ang suplay ng dugo papunta sa utak ay naharangan ng namuong dugo o taba. Haemorrhagic stroke naman ang tawag kapag may pagdugo sa utak sanhi ng pagsabog ng blood vessel sa loob. Ayon sa pag aaral, ang mga babae edad 45 pababa na nagkakaroon ng migraine na my aura ay mas nanganganib magkaroon ng ischaemic stroke kaysa sa mga hindi nagkakaroon ng migraine.
Mas makabubuti na huwag uminum ng combined contraceptive pill ang mga babaeng madalas magka migraine, lalo na pag may “aura” o panlalabo ng panigin, para makaiwas sa stroke. Kung nakakaranas ka ng migraine at nagaalala baka ma-stroke ka, kausapin and iyong doctor tungkol dito..
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Gaano katagal kaya mananatili ang tatay ko sa ospital matapos siyang magka-“ischemic stroke”?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Mahirap hulaan kung gaano katagal mananatili ang isang tao sa ospital matapos ang kahit anong klase ng “stroke”. Ang isang grupo ng propesyonal sa kalusugan ay maaaring makatulong sa iyo at sa iyong ama kung anong klaseng pag-aalaga ang kakailanganin niya matapos niyang umalis sa ospital.
Ang haba ng panahon para sa isang tao na manatili sa ospital matapos ang stroke ay nag-iiba-iba mula sa ibat-ibang tao at nagdedepende rin sa lubha ng stroke. Kapag mas malala ang stroke, mas matagal para sa taong iyon na manatili sa ospital.
Depende sa paggaling ng iyong ama sa ospital, maaaring ang pag-uwi sa bahay ay hindi ang pinakamainam na paraan. Bago siya umalis sa ospital, malaki ang tsansa na siya ay titingnan muna ng grupo ng “health professional”. Ito ay maaaring magsangkot ng:
• “physiotherapist” – isang tagapangalaga sa kalusugan na nagpapakadalubhasa sa pagpapanatili at pagpapabuti ng paggalaw at kakayahang gumalaw-galaw
• “speech o language therapist” – nagpapakadalubhasa sa pagtukoy at pamamahala sa “speech at communication” na problema.
• “occupational therapist” – sila ang nagbibigay ng praktikal na tulong sa pamamahala ng araw-araw na gawain at upang mas tumaas pa ang kanyang lakas ng loob na kayaning mag-isa.
• Social worker
Ang mga taong ito ay makakatulong sa iyo at sa iyong ama na makapag-desisyon sa antas ng pag-aalaga na kakailanganin niya at isinasaisip rin nila ang mga pwedeng pagpilian. Kapag hindi niya kayang mamuhay sa kanyang sariling bahay, maaari kang humanap ng ibang alternatibo tulad ng:
• “sheltered housing” – ito ay isang malayang matutuluyan na mayroong tagabantay para sa mga emerhensyang pangyayari
• “residential home” – ito ay naghahandog ng mga pangunahing personal na pangangailangan ng pasyente
• “nursing home” – ito ay mayroong ganap na kwalipikadong nars upang magbigay ng 24 na oras na alagang kinakailangan nila
Mayroong maraming “support groups” at organisasyon ang maaari mong makontak kung ikaw o ang iyong ama ay kailangan ng karagdagang payo ukol sa kakailanganin niya matapos lumabas sa ospital. Makipag-usap sa isang miyembro ng “stroke team” ng iyong ama para sa karagdagang impormasyon.

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.