Wag ka magpa-ulan: Totoo ba magkakasakit sa ambon o lakas ng ulan?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Talaga bang magkakasakit ka kapag naglakad ka ng umuulan?

Sa loob ng maraming taon, ang paniniwalang yan ang sobrang nakaapekto sa mga matatanda at magulang kaya naman sobrang higpit nila kapag naglalaro ang mga bata sa labas. May iba pa nga na di man lang naranasang maligo at mag-enjoy sa ilalim ng ulan dahil sa paniniwalang magkakasipon o trangkaso ka. Pwedeng naiisip lang din yan ng mga tao, kasi kadalasan ng tuwing tag-ulan sila nagkakasakit.

Pero ang totoo, hindi ang ulan ang dahilan ng pagkakasakit mo. Nagkakasakit tayo dahil sa virus na nasasagap natin at nakakadagdag lang ang lamig ng panahon sa masamang pakiramdam. Isa ding dahilan, kapag naulanan ka at malamig ang panahon, bababa an temperatura ng katawan mo at hihina ang immune system o yung pandepensa ng katawan natin sa sakit. Mikrobyo ang talagang dahilan ng saki at hindi ang ulan. Kapag tag-ulan, mas aktibo ang mga rhinoviruses o yung mikrobyo na nagpapasipon o trangkaso sa isang tao. Pero kapag tagulan, may mga panganib pa din kung maliligo ka sa ulan. Gaya ng nabanggit, bababa ang temperatura mo at magiging mas lapitin ang katawan mo ng mikrobyo kung mahahantad ka sa mga bagay na may virus, maisusubo mo ito, maipapahid sa mukha, mata o ilong o makikipagusap ka sa may sipon o trangkaso. Dyan naman talaga nakukuha ang sakit. Hindi ang pagkabasa mo sa ulan kundi ang malamig na panahon ang magdudulot sayo ng sakit. Sa ibang mga lugar, umuulan ng malalakas dahil sa sobra sobrang polusyon sa kalangitan na nagpapabigat sa mga ulap. Kapag naligo ka sa ganitong sitwasyon, pwedeng pwede kang atakihin ng hika o iba pang problema sa paghinga. May epekto din ang ang tagal ng pagkababad mo sa ulan hindi dahil sa mismong ulan kundi dahil sa posibilidad na bumaba ang temperatura mo. Kung minsan, dahil sa di pag iingat, baka madulas ka o madapa na pwedeng magdulot ng sugat sa katawan mo. Kapag umuulan, mas madaling maiimpeksyon ang sugat mo dahil hantad ito sa mga virus sa paligid. Kaya ano yung ga pwede mong gawin para makaiwas sa sakit kapag tag-ulan?

-Walang masamang maligo o mabasa ng ulan pero tiyaking malakas ang resistensya mo at wala kang sipon o lagnat. Kapag nabasa ka, bababa ang temperatura mo at mas magpapalala yan sa nararamdaman mo. Kung ang trabaho mo naman o kahit ano pang pinagkaka abalahan eh lagi kang nasa labas, baka hindi mo nga maiwasan ang ulan. Magdala ng payong o kahit anong damit na magpapainit sa katawan mo. Syempre , hindi ligtas kung lalabas ka o maliligo sa ulan kapag may bagyo. Mas aktibo ang mga virus sa panahon na yan. Kung hindi talaga maiwasan, uminom agad ng mainit na tubig pagka-uwi mo at maghugas ng kamay. Sa totoo lang, kapag ang lahat ng tao ay nasa loob ng bahay at may mainit na temperatura, mas malamang na kumalat ang mikrobyo. Mas malapit kasi kayo sa isat-isa at walang hangin na pumapasok sa loob.


Maiiwasan mo ang sakit kung mag-iingat ka at papalakasin mo ang resistensya mo. Wag isisi ang masamang pakiramdam sa ulan. Nakatulong sana sayo ang mga impormasyon na yan.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
MARK MALLARI
is in Italy
Maraming salamat po sa payo ninyo Dr. Jen. Naappreciate ko po ang time and effort ninyo sa pagpaliwanag sa topic na ito. Malaking tulong po ito sa amin.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.