Red Tanco
is a Consultant in United Arab Emirates
Ang IQ o Intelligence Quotient ay isang bilang na batay sa score ng isang test na sinusukat ang talino (intelligence) ng isang tao, tulad ng logic, abstract thought, analytical reasoning, learning, memory, planning at problem solving.
Samantala, ang EQ naman ay Emotional Quotient, at sinusukat nito ang abilidad ng tao ma-control, suriin at ipahayag ang kanyang emotions o nararamdaman.
Paniniwala dati ng karamihan na ang IQ ang pangunahin at pinak-importante dahilan ng tagumpay ng isang tao. Kapag mataas ang iyong IQ, iisipin ng karamihan na magiging matagumpay at maunlad ang iyong buhay at karera.
Pero unti-unti na natutuklasan ng mga eksperto na makitid ang ganitong konsepto ng katalinuhan, at hindi garantiya na porket mataas ang iyong IQ ay magiging matagumpay ka rin sa buhay. Dahil marami pa mga skills at ibang katalinuhan ang kailangan, tulad ng emotional intelligence, upang maging matagumpay. Halimbawa, batay sa research, natuklasan na karamihan sa mga matatagumpay na lider, tulad ng mga nasa kumpanya o gobyerno, ay kadalasang mayroon din mas mataas na EQ.