Ano Schizophrenia, bipolar? Sanhi, Gamot, Lunas, Sintomas, Bakit baliw, pagkabaliw, skisoprenya

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano ang “schizophrenia”? Unsa ang schizophrenia?

Ang “schizophrenia” (skisoprenya) ay isang malubhang karamdaman sa utak kung saan ang tao ay hindi wasto ang nakikita o nararamdaman sa realidad. Ito ay maaaring magdulot ng kombinasyon ng halusinasyon, delusyon, at ibang estado ng pag-iisip at pag-uugali. Salungat sa pinaniniwalaan ng marami, ang schizophrenia ay hindi pagkakaroon ng dalawa o higit pang personalidad. Ang salita ay literal na nangangahulugang “nahating pag-iisip”, subalit mas inilalarawan ito ng pagkagambala sa balanse ng emosyon at pag-iisip. Sa mga taong hindi naiintindihan ang itong sakit, kadalasang tinatawag lamang nila na 'baliw o sira ulo' ang mga may schizophrenia.

Bakit nagkakaroon ng problema sa “schizophrenia”? Nganong mahimo mang problema ang “schizophrenia”?

May tatlong abnormalidad ang pinagtutuunan ng pansin sa schizophrenia. Ito ay ang struktura ng utak, mga kemikal gamit sa komunikasyon sa utak o “neurotransmitters”, at problema sa kakayanan ng katawan na pangalagaan ang sarili o “immune system”. Sa struktura ng utak, ayon sa pag-aaral sa mga imahe ng utak, may pagkakaiba ang utak ng may schizophrenia sa normal na tao. Halimbawa ay mas malaki o mas maliit sa normal na parte ng utak ang nakikita sa “imaging studies”. Ang kemikal ng katawan na tinatawag na “dopamine” ay siya ring pinaghihinalaang sobra-sobra ang produksyon sa taong may schizophrenia. Kung minsan ang sobrang pagkagamit rin ng ating “immune system” halimbawa ay ang sobrang pagharap natin sa stress mula sa pagkakabuo pa lang natin sa sinapupunan ng ating ina at matapos tayong ipanganak ay maaaring makaapekto sa struktura ng utak at mga tungkulin nito.



Anu-ano ang mga sintomas ng schizophrenia? Unsa ang mga sintomas sa schizophrenia?

Ang schizophrenia ay nagdadala ng pagbabago sa iyong nararamdaman, pag-iisip at pagsasagawa ng bagay-bagay. Ang mga sintomas nito ay: halusinasyon – ang makakita, makarinig, makaamoy o makaramdam ng mga bagay na hindi naman nararanasan ng kahit sino. Pangkaraniwan silang nakakarinig ng mga boses sa loob ng kanilang isipan na siyang nag-uutos sa kanila kung ano ang dapat gawin, nagbibigay ng babala o kaya nama’y nagsasalita ng hindi maganda sa kanila. Sunod na sintomas ay ang delusyon. Ito ay mga paniwala na hindi naman totoo tulad ng maaari siyang kinokontrol ng TV o hinahabol siya ng pulis. Maaari ring pinaniniwalaan niyang siya ay isang artista o presidente ng bansa o kaya nama’y meron siyang kapangyarihan. Ang iba pang mga sintomas ay magulong pag-iisip at pananalita, masyadong maggalaw, nadedepress, walang pakiramdam, nakalimutan na ang paglilinis sa sarili, hindi natatapos ang mga gawain.



Ano ang lunas sa schizophrenia? Unsa ang tambal sa schizophrenia?

Sa kasalukuyan, wala pang ganap na gamot para sa schizophrenia subalit may ilang nga nakakatulong na gamot at isa sa pinagkakatiwalaang gamot para dito at tinatawag na “antipsychotics” na tumutulong sa pagpapababa sa lubha ng mga sintomas ng pagkawala sa sarili. Ilan sa mga gamot ay tinatawag na “olanzapine”, “risperidone”, “quetiapine” , at iba pa. Ilan sa mga hindi maganda nitong epekto (side effects) ay ang pagiging antukin, pagkahilo at pagkakaroon ng ganang kumain. Mayroon ring gamot na pampaganda sa “mood” upang maiwasan ang “mood swings” o biglaang pag-init ng ulo o sobrang pagkamasayahin. Mayroon ring gamot para sa depresyon tulad ng “fluoxetine”, “sertraline” “escitalopram” at marami pang iba.



Mayroon bang alternatibong gamot para sa schizophrenia? / Naa bay mga lahi pa nga pamaagi sa pagtambal sa schizophrenia?

Bukod sa gamot, may mga alternatibong magagawa para maibsan ang epekto ng schizophrenia tulad ng “therapy”, pagsali sa mga “group sessions”, edukasyon para sa mga kapamilya ng may sakit at rehabilitasyon. Ang pagsali sa mga therapy at grupo ay tumutulong sa pagsuporta at pagbibigay impormasyon sa may schizophrenia ng mga pananaw mula sa mga nakaranas ng sakit mismo. Ang rehabilitasyon naman ay tumutulong sa may karamdaman na maisagawang muli ang mga karaniwang gawain tulad ng pagtatrabaho, kakayanang magluto, maglilinis, mamalengke, makipagkaibigan at humarap sa mga problema. Ito ay mga karagdagan paraan lamang sa paglunas ng mga sintomas. Importante pa ring uminom ng gamot bukod sa mga alternatibong pamamaraan.




About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.